Chapter 4: Unwanted Visitor

908 45 21
                                    

Chapter 4: Unwanted Visitor



"Hindi ka na ba talaga magpapapigil, anak?"




Tumigil ako sa paglalagay ng mga gamit sa may trunk ng kotse ko at saka tiningnan si Manang Fe na nakatayo sa tabi. Ngumiti ako sa kanya at saka hinawakan ang mga kamay.




"Manang, temporary lang po ang pagtira ko dito sa bahay. Mas nakakabuti po sa lahat na bumalik na ako sa apartment."




"Alam ko, hija. Pero sana wag mong kalimutan na bahay mo rin ito. Sa lahat ng tao, ikaw ang may mas karapatan dito."




Napatingin ako sa bahay at hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait. After my mom died, I couldn't sleep or eat. Whenever I am alone at this house, I always freak out. Honestly, it still hurts and until my wounded soul is not yet healed, I couldn't bring myself to go back to this house who holds thousands of memories with my mom.




"Manang Fe, sa ngayon ay hindi ko pa po kayang magtagal dito. You know I had trouble sleeping while I was here. Anyway, you are always free to visit me. Sabihan mo lang si Manong Edward."




Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Manang Fe at saka niya ako niyakap ng mahigpit. Isang yakap mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. It feels so right and yet so empty.




"Oh siya sige. Alam ko namang hindi na magbabago ang isip mo. Mag-ingat ka palagi, anak. Andito lang ako, kami ng Manong Edward mo."




I couldn't help but feel so touched by her words. Tumango ako at saka sumakay na sa kotse. Sumulyap pa ako ng isang beses bago tuluyang nilisan ang bahay. Hindi naman kalayuan ang apartment ko mula bahay pero mas malapit ito sa school. Isa pa, mas sanay akong mag-isa. Nakakasawa nang makipagplastikan araw-araw sa bahay na ito. It didn't felt like home anymore.




I told my Dad last night that I have to go back to my apartment. As usual, he said nothing. Hindi ko tuloy alam kung masaya ba siya o malungkot sa desisyon ko. I don't want to be hypocrite. Until now, even with the slightest chance, I want my Dad to treat me like before. I want to see that he cared even just a little. I sighed. It's not gonna happen.




Wala lang tatlumpong minuto nang makarating ako sa building na tinutuluyan ko. Nagpark ako sa basement at saka kinuha ang isang box na dala ko mula sa bahay. Bitbit ang box ay dumiretso na ako sa elevator at saka pinindot ang 27th floor. The door was about to close when someone stopped it from outside. I silently gasped when I saw who stopped it. He also looked surprised to see me. Why do we keep on bumping each other?




Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagbati at sumagot lang siya ng isang tango bago tuluyang sumakay sa elevator. I took some step backward and leaned my back on the wall. Isang mahabang katahimikan namagitna sa amin habang paakyat kami. I was silently wishing someone will join us but unfortunately, no one did. Ilang floors narin ang nadaanan namin pero napansin kong hindi pa niya pinindot ang floor kung saan siya bababa.




"What floor?" basag ko sa katahimikan.




"Huh?"




"What floor are you going? You forgot to press it." tiningnan ko siya pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.




Don't tell me he also lives on the same floor as me? No that's impossible. Penthouse na ang 27th floor at dalawa lang kaming occupant. Isa pa kakatapos palang ng construction doon. But that means ready for occupancy na ito diba? No, no. Don't tell me Gray bought the apartment next door to mine?




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Gray CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon