Chapter 3: Challenge in Shadows

571 35 5
                                    

Kanina pa ako nakaparada sa parking lot ng school pero nanatili parin akong nakatitig sa cellphone at paulit-ulit na binabasa ang ipinadalang email ni Madam X. May isang file din na naka attach doon tungkol sa Zia Shipping. Ni hindi ako humingi ng tulong mula sa kanya tungkol dito pero may ipinadala parin siyang report. Sino nga ba talaga siya at bakit niya alam na kailangan ko ito?




I gave myself a few more minutes before I decided to go out. Saktong namang may nagpark na itim na ducati sa tabi ko at saka tinanggal ng driver ang helmet niya. Nagtama ang mga mata namin saglit pero una siyang umiwas ng tingin kaya naglakad agad ako papalayo doon.




Gray Collins has this mysterious looks and sinister eyes. The moment I stare at him, the world freezes for a moment. Hindi ko alam kung paano pero may kakaibang dating ang aura at ang mga mata niya sa akin.




"Yuri!"




Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nakita kong papalabas pa lamang ng sasakyan niya si Ava at nagmamadaling humabol sa akin.




"What's up?" tiningnan ko siya ng blanko at nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa classroom namin. "Hey, have you thought about it last night?"




"Nope." tipid na sagot ko at saka tuluyan nang pumasok sa classroom namin. Napansin ko agad na biglang tumahimik ang lahat nang makita nila ako.




"Hey, transferee," tawag sa akin ng isa kong kaklase. Isinabit ko ang bag sa likod ng upuan ko bago ako umupo. "Balita ko nakicked out ka raw kaya ka lumipat dito? Is it true?"




Unti-unting nagbulungan ang iba sa narinig nila. Nagtaas ako ng paningin para tingnan ang kaklase ko at sakto namang pumasok sa loob si Noah kasama si Gray at isa pang lalaki. Tumango si Noah nang magtama ang mga mata namin habang wala namang imik na dumiretso sa upuan niya si Gray.




"Kaya ba siya ang pinili ni Patricia Wilson sa isang test out challenge?" tanong naman ng isa kong kaklase.




"Teka, hindi naman yata ako papayag na sa isang kicked-out at transferee nakasalalay ang class 4?"




"She knows nothing about this school so there's no way she could beat Patricia Wilson. A kicked-out transferee is about to change our lives."




Sunod-sunod na parinig nila sa akin. Huminga ako ng malalim at akmang sasagot na sa kanila nang biglang kumalabog ang katabing desk ko. Tumahimik ang lahat ng padabog na tumayo si Gray at saka lumabas ng classroom.




"This is not the right time to argue if Yuri was kicked-out from her previous school or not. We all know Patricia is doing everything she could to drag our class down," seryosong wika ni Ava sa buong klase. "The least you could do is not to make it Yuri's fault."




Walang ni isang nagsalita sa sinabi ni Ava habang pinagkasya ko nalang ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. I was about to shut everyone off earlier kung hindi lang umeksena si Gray. I know he didn't do it for me but honestly, I'm a bit relieved. And also, Ava is trying to save me from the hot seat. Good thing everyone just listened.




Naging tahimik lang ang buong klase hanggang sa dumating na ang guro at magsimulang magturo. Patapos na ang unang subject ay hindi parin bumabalik si Gray.




"By the way, where is Gray Collins again? Is he absent?" tanong ni Miss Miller. Sumagot naman ang isang kaklase ko at sinabing sumama lang ang pakiramdam ni Gray kaya lumabas siya ng classroom. "Next time give me a valid and not lame excuse on his whereabouts. Class dismiss!"




Chasing Gray CollinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon