Chapter 11

45 0 1
                                    

Vince's POV

pumasok ako ulit ng maaga.. hindi dahil may reporting.. pero dahil nagbabakasakaling makita ko ulit si Eli sa chapel..

tama nga hinala ko.. nakita ko na siya kaagad.. pero bago pa niya ako dedmahin.. tinawag ko na siya..

"ELi!!" sigaw ko habang malayo pa siya

tumingin siya sakin..pero wala man lang reaction yung mukha niya

"pwede ka bang makausap?" tanong ko sa kanya

"cge antayin mo ko magchapel lang ako" sabi naman niya

inantay ko siya..

nagusap kami sa tambayan nilang magkakaibigan..

"malapit ko nang matapos yung listahan ng mga pinapabili mo.. Necklace na lang yung kulang" 

"buti naman" sagot niya

"matanong lang, para saan ba itong mga pinapabili mo sakin? para naman alam ko kung anong pinapasok ko noh" 

umirap siya.. 

"fine, para yan sa....." 

bigla siyang napatigil at napatingin sa malayo.. eh di tumingin din ako.. wala naman akong ideya kung ano tinitignan niya.. 

"sige alis ka na!! basta bigay mo na lang sakin yung mga gamit bago mag valentines" pag mamadali niya

"tekaaa bat ako aalis? di pa tayo tapos magusap." sabi ko

"magusap na lang tayo next time! cge naaa umalis ka na!" pinagpipilitan niya

naisip ko baka naman seloso ang kanyang boyfriend kaya pinapaalis agad ako..

umalis naman ako.. pero nakatago lang.. gusto ko makita kung anong meron. bat niya ako pinapaalis kaagad.

habang nakatago ako.. si Eli nakaupo kung saan kami kanina.. at lumapit ang isang babae kaibigan niya.. pero teka.. bakit parang may mali? holding hands sila? tekaaa hindi naman siguro ganyan ang magkaibigan lang.. well as far as i know.. baka bestfriends sila.. pero.. bakit parang iba yung pakiramdam ko dun sa babaeng kasama niya?

hmmm.. Hindi.. hindi naman siya siguro ganun.. 

Carlos' POV

it's been 4 days after ng break up namin ni allison depress pa din ako.. hindi ako makapaniwala na ginawa niya sakin yun, nagpakatanga ako sa kanya at hindi ko pa pinaniwalaan ang bestfriend ko na hanggang ngayon hindi ko pa din nakakausap

naglakad lakad muna ako sa campus habang break time pa..

iniisip ko na sana magkabalikan kami ni allison.. pero naiisip ko din na ayoko na, ayoko na masaktan.. mahal ko pa din siya pero hindi ko na alam kung kakayanin ko pang mapagkatiwalaan siya.. ano bang meron yang mark na yan??? 

habang naglalakad.. 

"sorry" medyo nabangga ko kasi yung babae..

ayyy si Gail pala..

sa sobrang wala ako sa sarili hindi ko na pinapansin mga tao sa paligid ko

"nabalitaan ko.. kailangan mo ba ng kausap?" mahinhin na sinabi ni Gail

hindi ko alam kung anong tumakbo sa utak ko, pero niyakap ko si Gail at medyo naiyak.. 

Gail's POV

Naramdaman ko na naiyak si Carlos.. kawawa naman tong "bestfriend" ko hindi ko na pinamuka pa kay carlos na tama ako at mali siya, syempre nasaktan na nga yung tao tapos idodown ko pa.. naiintindihan ko naman siya eh.. tsaka madali ko naman siyang patawarin dahil mahal ko tong taong toh.. 

Hanggang TinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon