Chapter 14 She's Happy, I'm Happy

27 0 0
                                    

Maurine POV

Hell week ngayon.. ang daming kailangan aralin.. ughh ang sakit sa ulo netong mga subjects.. naprepredict ko na mangyayare kapag exams, todo aral ka pero wala naman sa exam yung mga inaaral mo.. nakakabanas noh??

Nandito ako ngayon sa Canteen kasama sila Eli, nagrereview kami para sa long quiz mamaya habang nagaaral ako, kanina ko pa napapansin si Eli na parang wala sa mood magaral.. at sa pagkakaalam ko si Eli ay sobrang sipag magaral.. kasi ako yung isa sa mga tamad.. haha pero di naman lagi noh..

"eli, may problema ba?" tanong ko sa kanya

hindi niya ako sinasagot.. halatang wala siya sa sarili niya..

"uy eli!" nilakasan ko pa ng konti ung boses ko

"huh? ano?" parang kakabalik lang niya sa mundo ng realidad

Kinwento niya sakin yung nangyare sa kanila ni Raya.. Hay nakoo.. kumukulo na naman dugo ko.. hindi ako boto kay raya, masyado siyang complicated na di mo malaman.. 

"ano break na ba kayo?" nakangiting tanong ko sa kanya

"Loko ka! haha syempre hindi pa!" sagot ni Eli

alam naman ni Eli na ayaw ko kay raya.. alam din niyang gusto ko silang magbreak.. pero gusto ko lang naman maging masaya si Eli kaya hinahayaan ko na lang siya sa gusto niya..masyado nang maraming pinagdaanan si Eli.. kahit takot siyang masaktan ulit, she's taking the risk para kay Raya dahil mahal na mahal niya talaga eh.. at sino ba kami para pigilan yung nararamdaman niya.. 

habang tinutuloy pa ni Eli yung kwento niya.. halatang pinipigilan niyang umiyak, kasi wala naman nakakaalam ng sitwasyon niya kundi ako at dalawa pa naming kaibigan..

"kinuha niya yung number ni vince" plain na pagkakasabi ni Eli

"ANO??!!! BAT MO BINIGAY?!" nabigla ako sa sinabi niya, kaya medyo napalakas ng konti boses ko

"hindi ko binigay, kinuha niya bigla yung cellphone ko.. ayun.." 

GRABE TALAGA TONG SI RAYA.. 

natahimik kaming pareho ni Eli.. wala na rin naman akong nasabi.. tska nangyare na eh.. wala nang magagawa.. bumalik na lang ulit kami sa pagrereview..

*1 message received*

from Clark:

 "Mau! grabe naman yung raya, siya yung Gf nung kaibigan mo diba.. tinext kasi si Vince"

Wow! tinext agad si vince.. sasabihin ko ba toh kay eli? hmm.. siguro hindi na muna baka magalit si vince sakin, for sure, si vince na magkwekwento kay Eli tungkol dun..

"Usap na lang tayo later, may klase na kami eh" ang reply ko sa kanya

Pagkatapos ng Long Quiz..agad agad ding binigay ang mga score namin.. at ang nakakainis pa, inannounce pa ng prof namin sa buong klase.. -_-sa kabutihang palad, Pasang awa lang ako.. okay na yun noh! nakakagulat ang grade ni Eli.. bagsak siya! napatingin ako kay Eli, pero nakatulala lang siya sa table niya..

Dismissal na namin.. at paalam na ako kela Eli..

"Una na ako guys!" sabi ko

"saan ka pupunta?" sabi nung isa naming kasama

"hmmm" pano ko ba sasabihin sa kanila?

"Ayieeee, sino pupuntahan mo? yung lagi mong kausap sa phone mo??" pangaasar ni Gail

"oy! manahimik ka! issue ka talaga! ikaw nga dyan di pa nagkwekwento sa nangyareng dinner niyo ni you know who" sabat ko sa kanya

nang makaalis na ako, actually tama si Gail, si Clark pupuntahan ko.. nagtext ulit kasi nung nasa klase ako.. magkita daw kami.. bakit kaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang TinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon