Chapter 12

39 1 0
                                    

Chapter 12

2 days na lang Valentine's day na! kaya tinawagan ko na si Eli para magkita kami at ibigay ko sa kanya yung mga pinabili niya sakin

*1 message received*

"let's meet at starbucks malapit sa school, 3pm.." - Eli

"ok" reply ko naman

STARBUCKS

mukhang napaaga ata ako sa usapan namin ah.. hehe excited lang..

bumili muna ako ng frappe habang inaantay siya

30 mins later

"sorry may inasikaso lang ako" pagpapaliwanag ni Eli

"ahh okay lang" sabi ko naman

tapos naglabas ako ng isang plastic na nandun lahat ng mga nakalagay yung binili ko

"oh ayan para sa girlfriend mo!" sabi ko

nakita ko na nagulat si ELi sa sinabi ko..

"pano mo naman nasabi na sa girlfriend ko toh?" tanong niya

"wag ka na magkunyare, alam ko na ang totoo.. matatanggap ko naman kung sinabi mo lang sakin eh" sabi ko sa kanya

"sino ka ba para sabihan ko ng ganun? bakit close ba tayo?" pagtataray niya sakin

"kaya nga mas gusto pa kitang kilalanin, wala ka naman kasing ginawa kundi utusan ako, sungitan ako, tarayan ako" 

"pasensya na, pero sa sobrang marami akong iniisip nasusungitan kita.."

woaaah. si ELi nga ba tong kausap ko?

"hindi naman talaga ako ganun ka-sama, nagkakataon lang talaga na binabadtrip mo ko" 

"ha?! kailan kita bindatrip?!" tanong ko sa kanya

pero hindi niya sinagot yung tanong kong iyon..

"Salamat talaga sa pagtulong sakin dito sa mga bilihin..tutal utang na loob ko na toh tska bayad na yang kasalanan mo, kung gusto mo talaga ako kilalanin, cge magtanong ka sasagutin ko:) " sabi niya sakin

ano kayang nakain nito ni Eli at ganito siya sakin.. nakakapanibago lang.. pagkakataon ko na ding makilala siya ng mabuti.. sulitin ko na toh! hahaha..

"hmm.. mahilig ka ba sa music?" tanong ko sa kanya

"oo naman!" sabi niya

"talaga?? anong klaseng music mga pinapakinggan mo?" tanong ko

"more on old love songs ang trip ko.. or yung may mga catchy na tune, hmm.. nakadepende din yun sa meaning ng kanta" sabi niya

wow.. akalain mo nga naman may pagsenti rin pala tong si Eli..

"do you play any instruments?" tanong ko

"guitar" sagot niya

"parehas pala tayo! akalain mo nga naman, kahit papaano may similarities din pala tayo

tumawa siya.. first time ko ata siyang napatawa.. pero hindi ko alam kung anong nakakatawa.. -_-

"anong nakakatawa?" tanong ko

"ikaw, feeling ko kasi masyado kang natakot sakin eh dahil nga nagsusungit ako" sabi niya

medyo napatagal ang kwentuhan namin.. grabe masaya pala siyang kausap! bakit ngayon lang ito nangyare??!! Isa na toh siguro sa mga masasayang araw ko:) dahil medyo open na kami sa isa't isa.. tinanong ko na sa kanya yung aboutsa girlfriend niya

Hanggang TinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon