Chapter Five:
DYOSA'S POV
"Hay sa wakas at natapos na rin ako sa paglilinis."
Itinabi ko na ang walis at pandakot sa may gilid ng classroom.
Napatingin ako sa may bintana. Syete, gabi na pala. Ang dilim na sa labas. Hala. Hindi ako natatakot sa dilim. Mas natatakot ako sa sermon ni madir.
Natatakot akong maliparan nanaman ng kanyang magic broom.
Naglakad na ako palabas nang klasrum. Ni-lock ko na ang pinto at saka na ako naglakad pababa.
Habang pababa na ako, bigla akong nakarinig ng malakas na hilik.
Hala..teka..may multo..? Nanginginig na mga tuhod ko. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko.
Wala..wala akong makita. Sobrang dilim na dito.
May humilik nanaman. Syeeet. Nasa may babang part ang multo.
Teka nga...may humihilik ba na multo?
Hay nako, hayaan mo na nga.
Bumaba ako ng dahan-dahan. At habang pababa ako nang pababa, palakas nang palakas ang
ingay na naririnig ko.
Anu ba yan, para naman baboy kung humilik tong multo na to.
Tapos napatid ako.
"Ahh booogsshh!"
Nabagsak ako sa pagkakapatid.
"Araaayyy ko..." napahawak ako sa buttocks ko.
Napalingon ako kung saan ako napatid. Nagulat ako na yung lalaking nakasama ko sa prefect aynatutulog na pagkahimbing-himbing sa may hagdan.
Ay jusko, dito daw ba matulog?
Lumapit ako kay yabang na di ko alam ang pangalan. Iyuyugyog ko sana siya para gisingin kaso napahinto ako.
Nakaisip bigla ako ng nakakaloko at nakakademonyong way para gisingin siya.
Tumawa ako na parang demonyo.
"Bwehehehe...iniwan mo kong gunggong ka ah...bwehehehe."
GODFREY'S POV
Iniwan ko na ang babae na maglinis na mag isa sa classroom. Hah! Ako maglilinis? Sa gwapo kong ito? Tsaka sa bahay nga namin ni di ako humahawak ng walis tambo.
Pababa na ako ng hagdan. Kaso, bigla akong inantok. Tutal, konti na lang ang tao, matutulog muna ako dito sa may hagdan.
An hour later,
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay. Nagulat ako at sobrang dilim na pala sa loob ng school.
Nag-inat muna ako. Tapos bigla ulit ako nakarinig ng ingay. Parang kalabog ng pinto. Napatingin ako sa taas. Tumayo ako saka naglakad paakyat upang tignan kung ano ang meron.
Pag-akyat ko, napatingin ako sa pinto na nakabukas. Lumapit ako dito. pagsilip ko wala naman tao.
"Well, that's weird. Wala naman."
Tapos biglang tumaas ang balahibo ko. Unti-unti akong napalingon sa taas ng hagdan.
Nanlaki mga mata ko.
May babaeng naka-school uniform na tulad ng mga babae sa campus namin. Para siyang nangingisay-ngisay at bali ang buto.
Ang kinagulat ko pa, ay bigla siyang gumapang pababa nang hagdan. Nagpoproduce pa siya ng nakakatakot na sound.
Pucha! Pucha! Pucha! Akala ko ba hindi totoo si Sadako?
Ang pinakaayaw ko pa naman ay multo!
"AHHHHHH!!!!!!" sumigaw ako nang malakas at tumakbo pababa nang hagdan. Ang malas pa, nadapa ako at gumulong sa hagdan.
"Aggghh!! Ayoko na!! Layuan mo ko sadako!!"
Napatingin ako, naglalakad nanaman siya at nangingisay.
"No! I want my mommy! I want my mommy! Helpppp!! Wag mo kong patayin!! Masyado akong gwapo!! Sayang ako!! Maawa ka!! Hindi kita type!" nakapikit na ako at mangiyak-ngiyak na sa takot.
Nang mawala ang nakakatakot na tunog at naapalitan ng malakas na hagalpak. Napatingin ako kay sadako.
Nasa lapag na siya at gumugulong sa lapag.
Huh? Bakit tumatawa si Sadako? Tumatawa si Sadako? Huh?
Dahan-dahan akong tumayo at tinignan na na nagtataka si Sadako na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin nang malakas.
"Hahahahahaha!!! Ang gay much!!! Ahaha! Ahihi! Ahahaha!!! Kalalaking tao takot sa multo? Hihihihi!!! Ang priceless ng mukha mo ahahaha ahihihi ahaahah!!"
"Walangya kang babae ka! Ikaw rin yung kanina ah? Stalker ka ba? Alam mo bang muntik na akong maihi sa pinaggagawa mo? Eh kung gulpihin kaya kita?! Tingnan natin kung makatawa ka pa!"
Tapos biglang tumahimik.
Tumayo siya sa pagkakahiga niya sa lapag.
"Hah! Dapat lang sayo yan no! Iniwan mo kasi ako kaninang nag-iisa para linisin ang klasrum! Gumanti lang ako! Galing ko no? Pwede na ko maging actress!" proud na sabi ng babae.
"Pfft. Oo bagay sayo. Bagay na bagay sayo maging multo. Baliin ko buto mo eh nang matuluyan ka maging sadako."
"Hmm..to naman. Biro lang. KJ."sabay pout ng babae.
"BIRO LANG? Eh kung maatake kaya ako sa puso?" lumayo na ako palayo sa kanya at baka mabali ko talaga ang buto niya.
"Uy sandali? Sabay na tayo!" narinig ko ang yabag ng pagbaba niya sa hagdan.
"Hah! In your face! Ayoko nga!" lalo kong binilisan ang lakad ko para matakasan siya.
"Sige ka. Ikaw rin." napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko siya. Nakangiti nang nakakaloko ang babae.
"Bakit?" kinabahan bigla ako sa ngiti niya.
"De wala. Sige na, una ka na." tinaboy niya pa ko.
"Tigilan mo ko sa mga kalokohan mo ah!"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang wrist niya at saka hinila palakad.
"Oh? Bakit mo ko hinihila?"
"Tara na! Sabay na tayo!" naiinis kong sabi.
"Asusss, natatakot ka lang eh." pang-aasar pa.
"Manahimik ka na nga!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Fall Out of Love
Teen FictionThis is a story of a playboy who is afraid to fall out of love. And a "kwela" girl who will make his dull life colorful. Will he let her change him for the better? Or choose to avoid her and run away?