Jessie Mendoza ------>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter Two: Umuulan ng Softdrinks
Dyosa's POV
"Syeet.. ayan na siya!! Palapit na siya! Konti na laaaanngg!!" niyugyog-yugyog ko pa si Jessie sa balikat.
At nang malapit na siya,
Nagulat ako nang nilagpasan niya lang kami.
"Ayy te, ini-snob ang beauty mo...
...kung meron! HAHAHAA!!" malakas na tumawa si Jessie.
"Isa pa Jessie. Isa pa talaga. Konti na lang.. isa pa. Ilulubog na talaga kita diyan sa kinatatayuan mo." I glared at her.
"Hehe. To naman. Joke lang. Di ka na nasanay sakin. Lagi naman akong nagbibiro. Tulad ngayon. Nagsasabi akong joke lang."
May peace sign pang nalalaman to.
"Ayan na te!! Pabalik na siya!!" bigla niya akong hinampas.
"Hmpf! Sabi na nga ba eh! He can't resist my beauty!" sabay pag-flip ko nang mahaba kong hair.
Pero..
Nilagpasan niya ako ulit.
Langhiya.. pangalawa na to.
"Tara na nga.. mukhang nagkakamali lang talaga ako."
Tatalikod na sana ako kaso...
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Jessie papunta sa harap ng lalaki at sinabi niya na, "Alam mo kuya, kung torpe ka, wag kang mag-alala, hindi naman kami choosy magaganda."
"Ayy puta.." napahawak ako sa pisngi ko.
"Umuulan?" tumingala muna ako sa itaas. Tapos inamoy ko.. "Teka.. ba't amoy softfrinks?"
"Umuulan na ng softdrinks? Huli ako sa balita ah."
"Gaga! Hindi umuulan ng softdrinks! Pinaliguan ka niya ng softdrinks!" sabay binatukan ako ni Jessie.
"Ano? Sa ganda kong to?"
"Pfffffttt!!"
"Ayy, pangalawa na to ah! Syeeett! Mukha ba talaga kailangan? Di ba pwedeng sa damit na lang?!" sinigawan ko yung gwapo sa harap namin.
BINABASA MO ANG
Fall Out of Love
Teen FictionThis is a story of a playboy who is afraid to fall out of love. And a "kwela" girl who will make his dull life colorful. Will he let her change him for the better? Or choose to avoid her and run away?