Rain Go ------>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter Three: Rain, Rain, Go Away
*Rain's POV
******School (hndi ko pa alm ang name ng school)
Pasukan nanaman at tulad ng pangkaraniwang linya ng mga estudyante.
Tinatamad ako.
Introduction na sa klase namin at isa-isa kaming pinapatayo sa harapan para magpakilala. Andami lang kaartehan dito. Hindi naman kailangan magpakilala ng bawat isa since fourth year na at halos lahat kami magkakakilala na. Pwera na lang sa mga transferees. Hindi rin naman ako nakikinig sa kanila since wala naman akong pakelam.
“Psst, ikaw na.” tinawag ako ng katabi kong babae. Oo nga noh. Turn ko na pala. Tumayo na ako at humarap sa kanilang lahat. Lahat sila nakatitig lang sakin. May dumi ba sa mukha ko or sadyang gwapo lang talaga ako?
“Hi my name is Rain Go.” Emotionless kong sabi.
Tas biglang may tumawa nang malakas sa matahimik na klase.
“Ahihihi! Ahihihi! Ahihihi!”
Sandali nga… pamilyar sakin yang mukhang yan ah?
Di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
Teka nga. Kung sinuswerte ka nga naman talaga. Siya pala yung panget na nakilala ko sa debut party. Kamalas-malasan, naging kaklase ko pa talaga?
“Ahihihi!!” hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa niya. Di pa siya nakuntento. Hinahampas niya pa ang desk niya. Pati ang kawawang lalaki sa harapan niya nadamay na. Hinahampas niya ito sa likod at niyuyugyog sa balikat.
Narinig ko pang nagsalita yung nasa harap niya, “Tigilan mo ko…”
Wala naming expression ang mukha ng lalaki.
“Excuusee me! Ms. Cortez! Ano yang tinatawa-tawa mo?”
Himala, bigla siyang tumigil sa pagtawa. Kanina pa ako naiirita sa tawa niya.
“Eh kasi naman sir eh! Yung pangalan niya! Rain! Tas Go!”
“Oh? Ano konek?” tanong naman ni sir.
Tumayo yung babae saka sumayaw, “Rain, rain go away! Don’t come again another decade!”
BINABASA MO ANG
Fall Out of Love
Teen FictionThis is a story of a playboy who is afraid to fall out of love. And a "kwela" girl who will make his dull life colorful. Will he let her change him for the better? Or choose to avoid her and run away?