"May pupuntahan lang ako. Babalik agad ako. " Lumabas si Manager. Tumango lang kaming lahat at saka na isinara yung pintuan.
Katabi ko si V, busy ako sa kakalikot ng cellphone ko habang yung iba naman ay natutulog.
"Jungkook-ah," Napalingon ako kay Namjoon. "Could you please turn off the light?" Utos niya sakin habang nakapikit ang mata.
Tumango lang ako at agad itong pinatay.
"Ang tahimik naman, pwedeng magpatugtog?" Tanong ni V.
"Taehyung-ah, kailangan nating magpahinga dahil napagod tayo sa kakabyahe. " sabi ni Jin hyung, tumango nalang si V.
Masasabi kong gabi dahil madilim na sa labas. Nandito kami sa L.A, magpre-pare para sa darating na concert namin.
Nakatingin lang ako sa labas nang may naaninag akong tatlong lalaking maskulado, at papunta sa direksyon namin. Sa una, hindi ko pinansin dahil baka dadaan lang o ano.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla nilang buksan yung pintuan ng van. Napaatras ako, "Give me your phone! " sigaw nito. Nagpupumiglas ako, baka sakaling makapalag. Pero hinarangan niya ako gamit braso niya.
Napalingon ako sa likuran ko, at nakita kong gulat na gulat din sila. Pagtingin ko sa harap, nakapuwesto na yung isa sa driver seat.
Binuksan niya yung engine saka nagmaneho, "No, no, no. Sino ba kayo?" kinakabahan kong tanong.
"Yes. We're going to hotel" saka nakita ko itong ngumisi. Naguguluhan ako.
Tumingin ako sa likuran ko, "Say something, hyung.. " sabi ko sa kanila pero tahimik lang sila at halatang naguguluhan din.
"Sit back, kid. " sabi sakin nung isang lalaki. Umayos naman ako sa pagkakaupo.
Ano ang nangyayari? Isang prank ba 'to?
Huminto kami sa isang bahay. Wala ng taong pagala-pagala dito. Nang buksan niya yung pintuan may humarang sa kanya. Isang lalaki habang may dalang sako, "Give me money man! " saad nito.
Nagbigla ako ng bigla niya itong sinuntok kaya napahiga ito sa sahig. "Let's go, let's go!" agad kaming lumabas.
Pumasok kami sa isang bahay, at sa loob nito ay may sofa at higaan lamang. Pinaupo nila kami sa sofa, napalunok nalang ako ng laway. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
"Look straight.. " sabi nila. Tumingin ako sa paligid, ano ba gagawin nila samin?
"Hey, kid! Stop looking around!" Nagulat ako ng iangat niya kamay niya. Pinigilan siya nung isa niyang kasama.
"Don't yell at him, you ugly creature. " sabi ni Suga dahil katabi ko siya. Tiningnan naman siya nung lalaki ng masama. Nanahimik nalang ako.
Sunod sunod na paglunok ang ginagawa ko, at pinipigilan na maluha sa nangyayari.
"Welcome bts!" Napatingin kami sa isang malaking screen. Sulat lang ang nandoon.
"A popular kpop male group.." saka tumawa ito ng malakas.
"Baliw.. " rinig kong bulong ni Suga sa tabi ko. Sabay irap niya. Hindi man lang siya kakabahan sa nangyayari ngayon? He's just wearing poker face.
"Give me your all gadgets.. " sabi nung isa. Nilapag nila ito sa mesa, at bumalik agad sa pagkakaupo.
Wala akong ibang iniisip kung hindi ang makalabas agad kami dito. May kutob akong may masamang mangyayari samin.
"Hindi namin kayo papahirapan habang hindi pa namin nakukuha gusto namin." nagtawanan ang lahat.

YOU ARE READING
Bangtan Sonyeondan Bodyguard
FanfictionShe is a ex-agent, the one and only top agent in her agency. Meet Dara Park, a girl who need to deal her life just to protect the bangtan boys. "H'wag kayong mag-alala, trabaho ko ang protektahan kayo." nakangiting sabi nito.