DARA
Agad akong humiga sa kama pagkadating ko sa kwarto ko. Humikab pa ako, kulang na kulang tulog ko sa araw na ito.
Napatingin ako sa cellphone kong tumunog bigla sa tabi ko. Tiningnan ko naman kung sino ito.
"What now, Jennie?"
"Unnie, hindi ko na talaga kaya. D'yan lang muna ako sa condo mo, ayaw nila tumigil eh."
"May trabaho pa ako."
"What?! Bumalik kana sa trabaho mo, Unnie?!"
"Sinisigawan mo ba ako?"
"Hindi, hehe. Bumalik kana talaga? I'm happy for you, Unnie."
"Why?"
"Kasi pinakawa—"
"I gotta go, Jennie. Ingat ka d'yan, okie?"
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at agad na itong pinatay. Kailangan ko ng ayusin mga gamit ko.
Sa trabahong tinanggap ko, libre na lahat, libre pagkain, libre pagtitirahan, basta lahat.
Napahinto ako sa pag-aayos ng maalala ko ang reaksyon ng mga lalaking 'yun. Minamaliit talaga nila ako dahil sa babae ako? Geez.
"Hindi kayo magsisising ako ang pinili niyo.." nakangiti kong sabi.
...
Kinuha ko mga dala kong gamit sa likuran ng kotse ko. Napatingin ako sa paligid. Totoo nga na patago ang tinitirahan ng mga 'to.
Nalaman ko rin kasing sikat na sila sa buong mundo kaya gano'n na rin sila kahigpit na nag-iingat sa paligid.
Dalawang bahay ang nakikita ko ngayon sa harap ko. Isa rito ang akin, sakanila naman ang katabi nito.
Napatingin ako rito. "Noona, andito ka na pala!" sigaw neto mula sa balcony, si Hoseok.
Kumaway ako sakanya at ngumiti. Gusto ko ang lalakeng ito, sa una palang naming pagkikita kanina, pinakita niya na sa'kin na welcome na welcome ako. He has a great smile. Nakakatanggal stress 'yung pagiging jolly niya.
Nakita ko na may mga guards rin sa labas ng bahay nila. Damn, napapaisip ako na sobrang delikado talaga ang buhay nila.
Nabanggit rin kasi sa akin ng Manager nila na marami na raw silang natanggap na Death Threats.
"Noona, tulungan na kita sa pagpasok ng mga gamit mo."
Nagulat ako nang nasa harapan ko na pala itong si Jimin at Hoseok. Ang lapad ng mga ngiti nila kaya ngumiti na rin ako.
"H'wag na ho, mga sir. Bumalik na kayo sa loob. Kaya ko na ito." sabi ko pa.
"Noona naman, anong sir? Tawagin mo nalang kami sa mga pangalan namin. Mas ayos 'yun." masayang saad ni Jimin.
"Jimin-ah, pinapaayos sayo ni- Noona?!" gulat na napatingin sa akin si Jin. Lumakad siya papalapit sa'kin at binigyan rin ako ng magandang ngiti.
"Akala namin bukas ka pa lilipat dito." sabi niya pa.
"Mas mabuti na ngayon kasi nababagot na rin ako sa condo." sabi ko pa.
"Malayo ba condo mo rito, Noona?" tanong naman ni Hoseok.
"Uh, thirty minutes siguro bago ako nakarating dito. O sige, pumasok na kayo, papasok na rin ako. Malamig dito sa labas." saad ko.
Nagulat naman ako nang bigla nilang kunin 'yung mga maleta ko tsaka iba pang kagamitan ko. "Tara na, Noona."
Napailing naman ako. "Ang kukulit niyo talaga." sabi ko tsaka na nauna ng maglakad.
"Masaya akong may makakasama na tayo kapag aalis tayo.." biglang banggit ni Jimin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Nagsasawa na kasi ako sa mga pagmumukha ng mga kasama ko eh." natatawang sabi niya.
"Ako rin naman!"
"Mas nagsasawa ako sa'yo!"Natawa nalang ako sakanila. Binuksan ko 'yung pintuan at pumasok kami rito.
"Akala namin, para kay Manager itong bahay na 'to. Haha, para naman pala sa bago naming makakasama." sabi ni Hoseok tsaka nilapag 'yung mga dala niya.
"Ako nga rin eh, akala ko."
Humarap ako sakanila. "Sige na, bumalik na kayo do'n. Salamat sa pagtulong, okie?" nakangiti kong sabi.
"Welcome to the family, Noona!" napakaliwanag ng ngiti netong si Hoseok.
"Thanks, boy. Sige na, balik na kayo do'n."
Kumaway naman sila sa'kin saka na lumabas. Sinara na rin nila 'yung pintuan ko. Naglibot-libot muna ako sa bawat sulok ng bahay na ito.
Isamg kwarto lang sa taas ang nandoon. Para nga talaga sa magiging personal bodyguard nila ito.
"Tomorrow will be my first day sa work. Welcome back to me."
YOU ARE READING
Bangtan Sonyeondan Bodyguard
FanficShe is a ex-agent, the one and only top agent in her agency. Meet Dara Park, a girl who need to deal her life just to protect the bangtan boys. "H'wag kayong mag-alala, trabaho ko ang protektahan kayo." nakangiting sabi nito.