Kakadating ko lang ngayon sa Korea, at patungo na ng opisina ng Tito ko. May something talaga, eh. Kagabi ko pa iniisip. Dahil kung may kasalanan ako, wala naman akong naaalala na may ginawa akong katarantaduhan.
Nasa harap na ako ng pinto, hindi na ako nag abala pang kumatok. Pagkapasok ko, bumungad sakin na may kausap si Tito na lalaki.
Napatingin sila sakin, "Here she is.."
Kunot noong nakatingin ako kay Tito, nabaling naman ang tingin ko sa lalaking kausap niya. Seems he has a big problem, and I guess he's asking for a favor. Well, it's pretty obvious.
Lumapit ako kay Tito saka yumuko nh konti, ganun na din sa kausap ni Tito. Tumingin sakin yung lalaki at nakita kong may binigay siyang papel kay Tito.
"O.. " nilahad niya sakin yung papel. Napataas ako ng kilay sa nababasa ko.
Personal bodyguard, huh?
"Seriously? Madaming pwedeng piliin diyan, bakit ako pa?" sabay lapag yung papel sa mesa.
Nagulat nalang ako ng biglang lumuhod sa harapan ko yung lalaki.
"Ahjussi, hindi mo naman kailangan gawin 'yan.." naiilang kong sabi.
"Just accept my request, jebal.." tinulungan ko siyang tumayo, napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga. Umalis na ko, bakit bumabalik pa? What a life.
"Pag iisipan ko," napatingin naman sakin si Tito, tinaasan ko naman siya ng kilay. Gusto ko lang ng konting oras para makapag-isip kung tatanggapin ko ba 'to? Kaya nga nag resigned ako kasi sa gusto kong magbakasyon sa mga lugar na gusto kong puntahan. But here we go again, trabaho na naman.
"Hihintayin ko desisyon mo. Thank you, Miss Park. By the way, I'm Sejin." tinanggap ko naman kamay niya, tumango lang ako ng tumango.
"I'll wait. Mr. Ahn, gomabseubnida," yumuko na naman siya. Umalis na siya at sumunod na din yung ibang kasama niya. Hinarap ko naman si Tito.
"Yah, samchon," tumingin naman siya sakin, tiningnan ko siya ng masama. "Pinapunta mo 'ko dito para dito?" inis kong sabi sakanya.
"Matalik na kaibigan ko si Sejin, Dara. Minsan lang siya humingi ng pabor sakin, kaya pinagbigyan ko na."
Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.
"Humingi ng pabor? Dapat ikaw gagawa!" sabay irap ko sakanya saka naglakad ako palabas ng opisina niya.
"Yah dara-ssi!" hindi ko siya nilingon at patuloy lang palabas sa pisteng opisina niya. Do i really need to do it?
Pumasok ako sa kotse at dire-diretsong nagmaneho. Hindi ko alam kung sa dinami-dami ng pwedeng maging bodyguard.. bakit ako pa?!
Argh, badtrip! Gusto kong magpalamig!
Nagtungo ako papunta sa paborito kong bilhan ng inumin.
Agad akong lumabas nang matanggap ko 'yung binili ko. Nang may naaninag ako na mga sigang lalaking may pinag-didiskartehang estudyante.
Napailing nalang ako at hindi pinansin 'yun, pero ng dadaan na sana ako, biglang may humablot sakin kaya tumilapon yung kapeng binili ko.
"Ito nalang kaya pag-tripan natin, mukhang may pera, eh. " sabi nitong gagong humablot sakin.
"Bitawan mo ko." madiin na sabi ko pero tinawanan lang nila ako.
"Bit—"
Dahil sa inis ko, sinipa ko yung nasa harapan ko.
"Nasayang kape ko dahil sayo ha!" saka sinipa ko yung pagkalalaki niya kaya napahiga siya sa sakit.
"At ikaw! Kung makaasta akala mo naman ang cool mo tingnan! Ang pangit mo, tanga! " saka ko siya sinuntok. Nakita ko naman yung babaeng pinag-tripan na ngayon ay nakanganga na.
"Astig ko, 'no?" nakangisi kong sabi sakanya sabay kindat. Aalis na sana ako nang bigla niya akong tinawag kaya napalingon uli ako.
"S-Salamat.."
"Welcome," saka na ako umalis.
YOU ARE READING
Bangtan Sonyeondan Bodyguard
FanfictionShe is a ex-agent, the one and only top agent in her agency. Meet Dara Park, a girl who need to deal her life just to protect the bangtan boys. "H'wag kayong mag-alala, trabaho ko ang protektahan kayo." nakangiting sabi nito.