May kumatok sa pinto ko kaya binuksan ko agad. Bumungad sakin si Tito, napaikot naman ako ng mata.
"Ano HO ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanya.
"I need your answer now, Dara." sabi niya.
"Samcho—"
"Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." madiin niyang sabi.
"Oo na. Sige na. Payag na HO ako. Alam ko paandar mo, kukunin mo lahat kapag hindi ako sumunod sayo." napatingin siya sakin at bigla niya akong nginitian.
"How about the boys?" tanong ko.
"Nagpadala na kami ng agents sa LA, don't worry. I will call you when they comeback, para ipakilala ka sakanila." tumango lang ako.
"By the way, thank you." natawa naman ako.
"O sige, tatawagan nalang kita." saka na siya umalis.
Sinara ko na yung pinto, napabuntong hininga naman ako. Babalik na ako sa dati? Fuck..
Bzzzz..
"Ano na naman kelangan mo?"
"Init ng ulo mo ah, may nangyari ba?"
"Shut up, Jennie. Ano ba kelangan mo at napatawag ka?"
"Calm down, Unnie. Napatawag lang naman ako dahil nag-aaway na naman sila Dad, ang boring nga, eh."
"D'yan kalang sa kwarto mo, 'wag kang lalabas. Just let them, magsasawa rin ang mga 'yan."
"Nasan ka ngayon? Pwede bang d' yan lang muna ako, please?"
"No, stay there. 'Wag kang lalabas ng bahay, arasseo?"
"Aigatta. Palagi naman."
"Bye."
"Wai—"
Pinatay ko na yung tawag. Nang biglang may tumawag na naman. Sino na naman 'to?!
"Hey Dara~"
"What now, Cl?"
"Nandito kami ngayon sa bar, wanna join?"
"No—"
"Kj mo, 'Lika na, daming boys dito. Bigyan kita, gusto mo?"
"Kahit 'wag na, saan ba 'yan?"
"Tulad pa din ng dati."
"Okay."
"Bilisan mo ah?"
Hindi ko na siya sinagot at agad na lumabas. Nagtungo sa paboritong pagtamyan ng barkadahan.
•••
Pagkapasok ko palang, bumungad kaagas sakin si Cl, 'tong bruhang 'to ang landi talaga. May lalaki kasi siyang kasama at nakahawak pa sa bewang niya.
"Nice timing ako, 'no? Mukhang stress ka kaya dito ka nababagay." nakangisi niyang sabi.
"Nasan sila?" tanong ko.
"Nasa table natin." at naglakad kami papalapit dun. Nakita ko naman sina Boomie na busy sa pakikipag-usap.
Nang makita nila ako, agad silang nagsitayuan at agad akong nilapitan.
"Ayo dara, kamusta?" sabay tapik sa balikat ko si Minzy.
"Ayos lang naman. Kayo?"
"Ganun parin, walang pinagbago. Akala ko ba wala ka dito, kelan ka pa umuwi?" tanong saken ni Boomie.
"Kanina lang.." sabay iling ko.
"Woah, bakit naman? Emergency?" tanong niya sakin.
"No, stay na naman ako dito." nabigla naman sila.
"Why?" sabay-sabay nilang tanong.
"Huwag niyo namang stressin si Dara, nandito siya para mag-enjoy." sabi ni Cl.
"Sit down." sabi niya pa.
"Just enjoy, Dara." sabi ni Minzy, tinanguan ko lang sila.
Kahit papaano, namiss ko rin ang mga ganitong gawain. Pagkatapos ng trabaho, inom agad! Hay, buhay nga naman parang life.
![](https://img.wattpad.com/cover/117772704-288-k747500.jpg)
YOU ARE READING
Bangtan Sonyeondan Bodyguard
FanfictionShe is a ex-agent, the one and only top agent in her agency. Meet Dara Park, a girl who need to deal her life just to protect the bangtan boys. "H'wag kayong mag-alala, trabaho ko ang protektahan kayo." nakangiting sabi nito.