"Ate, pwede ako humiram ng ballpen? "
Sa isip ko ng araw na 'yan, "Grabe naman 'to, maka-Ate ah, alam namang pupunta sa contract signing walang dalang ballpen," sabay ngiti at inabot ang ballpen. Super pa-cool guy masyado nasa loob naman ng resto naka-sun glasses pa.
"Salamat ah! Pasensya na hindi kasi ako nakadala. 😎"
GGSS.
"Ako pala si Phil... Ikaw? "
"Ivy. Yeah, nice meeting you."
Sabay abot pa ng kamay mo. Nahiya ako kasi ang lambot ng palad mo, samantalang sa'kin napakagaspang. Sipag ko kasi. Char lang!"Kuya, pwede maki-inom ng tubig?"
"Anong Kuya? Walang Kuya, Kuya dito." sabay tawanan ang mga katrabaho natin. "Uy, di ba ikaw yung nakasabayan kong pumirma? Ivy, tama ba?"
"Ay oo, ikaw si Phil, tama?"
Sa tingin ko doon 'ata nagsimula ang lahat. Doon tayo nagsimulang loko-lokohin ng mga katrabaho natin. Lalong lalo na nang best friend mong si Gavino."Kaya hindi ka pa umuuwi kasi hinihintay mo siya, kasi day off niya bukas. Hahaha. Phil, oh hinihintay ka niya."
"Che! Sige na nga makauwi na. Tigil tigilan niyo nga ako. Masyado kayong patola. Di ba nuh, Phil? "
Humagikgik ka lang."Gavino, break na ako." -Ako
"Alam mo Phil, iba talaga ngiti mo kapag si Ivy ang kaharap." isa nating katrabaho na itago na lang natin sa pangalang "Kalbo", jowa pa noon ng bestfriend ko.
"Iba ba?" sabay pacute ka pang ngumiti sa'kin, habang ako naman nginitian ka lang din. "Naku nagkakalokohan na naman tayo dito. Patola kasi kayo." yan ang naisagot ko.Yes, yan yung mga araw na napupuno tayo ng asaran nila. Na sinasabi lang nating mga patola sila. Masyado nilang binibigyan ng ibang meaning ang kulitan natin.Naalala ko day off nating lahat noong araw na yun, wala tayong pasok lahat, lahat tayong mga bago, nasa bahay ako ng boyfriend ko noon at tinatawagan mo ko kasi gusto mo akong sumama sa inyong gumala. At para akong ewan noon kasi kinikilig ako, to the point na kasama ko pa boyfriend ko.
"Baby, sino ba yan? "
"Ah katrabaho ko. Niyayaya kasi nila akong sumamang gumala, sabi ko nakauwi na ako dito sa Parañaque. Atsaka wala akong budget din kaya inayawan ko na."
" Oh tigilan mo na yang pagtetext kakain na tayo."
" Oo na." sabay halik sa pisngi niya.
Hindi pa nagtatapos ang lahat doon dahil paminsan minsan magtetext ka para lang mangulit.
(*Tulad nang ginawa mo nang nandito pa kayong dalawa. Mga linta. Lalo na yung Abat. Tse! *)Alam ko sa paglipas ng mga araw nahuhulog ako sa mga asar ng mga katrabaho natin sa ating dalawa. Pero ayokong aminin. Kasi alam nating o alam ko pareho tayong committed that time. Alam kong hindi maari. Ngunit lumipas pa ang mga panahon at dumating ang puntong nailipat tayo ng branch ng store na pinagta-trabahuan nating dalawa. Kasama natin ang bestfriend ko na katrabaho din natin.
At sa mga pagkakataong iyon lumalayo na ang loob ko sa boyfriend ko. Oo, inaamin ko ganoon na nga ang nangyari sapagkat nahuhulog na ako sa'yo. Noon natatanong ko kung, bakit maraming naghihiwalay, ngayon alam ko na kung bakit. Pagkat alam kong hindi pa ako kontento. Alam kong may hinahanap pa akong hinding hindi ko nakukuha. At hindi naman din ibig sabihin nahanap ko iyon sa'yo agad, kasi iyon ang ginusto ng puso ko na kahit anong pilit ng utak kong hindi pwede. Ang landi kasi ng pusong yan kaya laging nasasaktan ang tigas ng mga kaugat-ugatang meron siya.
Sa una ang saya-saya natin. Magkasabay tayong kumakain ng breakfast, kahit sa break time at dinner. Suportado kita sa bawat lakad mo kapag day off mo. Tuwang-tuwa ako at naeexcite kapag uuwi ka na at magkukwento sa pinuntahan mo, pero di naglaon nawala ang excitement ko dahil alam kong may iba nang nangyayari at, akala mo okay lang sa'kin. (Pero p*tangna wag mo akong gaguhin dahil mas gago ako sa'yo / sa inyo. Pasalamat na nga lang ako nagsilayas kayo sa branch na 'to. But the two of you still hunting me, in a point that I hate seeing your faces in our group chats, in My day story and everywhere in Social Media. 'Cause FUCK YAH BOTH.*)
1ST REASON
🔪 You fucked up with me and you just need a FUBU.
(Oops.. Rated SPG ba 'to? Nope Lemme finish the story, don't judge it yet.)Masyado lang talaga akong assuming at lahat ng kasweetan mo ay inabsorb ko, kaya nang nagkaalaman nga-nga na lang.
"Oh hawak kamay daw. Oh Phil hawakan mo nga kamay niya." dare sa'yo ng bestfriend ko, kahit nakahawak din siya sa'kin. Iyong gabing iyon sobrang saya ko. Papunta tayo sa inuman noon kasama ang mga boss natin. Sobrang saya na tipong sasabog ang puso ko. Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko at tipong ayaw mo itong bitawan, pagkat iniyakap mo pa ito, ikinulong mo sa mga braso mo.
That was the first time we held hands. It feels like heaven. Ang saya-saya nating lahat noon.[Insert I can't let go by Air supply ]
Oh that song always reminds me of you. Yeah, I guess all the Air Supply playlist keeps reminding me of how it wakes me up every morning, dahil yan ang lagi mong pinapatugtog sa umaga tuwing naliligo ka.Hanggang sa makarating tayo sa pupuntahan natin magkahawak kamay pa rin tayo at inalalayan mo pa ako sa likod ng papasok tayo sa resto-bar na iyon. Basta, we're just so happy and a little tipsy on that night.
"Planuhin nating makapunta na sa sikat na beach dito." sabi ng bestfriend ko, habang hindi naman tayo busy sa dinner service natin sa store.
"Paalam muna tayo kay, Sir, bebsi. " sagot ko. "Ikaw na, beh, malakas ka naman doon eh." singit mo naman.
"Grabe kayo ah! Anong sabi niyo noong nakaraan kayo na ang magpapaalam, tapos ako na naman ngayon. Naku, ikaw na lang." sabi ko naman. "Sige na, beh, ako na sa susunod promise."
"Sige ah?! Promise mo yan!"
Yung excitement natin nang araw na yun nang payagan tayong magsabay-sabay ng off, overloaded, kasi first tour nating tatlo. Iyon pa nga lang sa eroplano pareho din nating first time iyon."Oh gising na! Phil, gising na."
"Bebsi, ready na ba mga dadalhin na natin? "
"Yes, bebsi ."
"Wala tayong nakalimutan?"
"Wala naman. Ikaw, gamit mo? (Phil) "
"Okay na 'to, beh."
(*Don't call me beh unless you mean it. Tse! Lahat naman tinatawag mong beh. "Bey" pa nga tawagan niyo nung isa. Mas kakaiba pa tawagan niyo tapos sasabihin mong walang something sa inyo? Ulol men. *)"Hello guys! We are heading to... Lamasa Island! Wohooo!"
We're on our way to the beach, riding on a habal-habal. Nasa unahan ka pangalawa sa driver ako naman ang nasa gitna at basa likuran ang bebsi ko, na itatago natin sa pangalang Dani. The ride takes about half an hour or more. Sobrang layo pero tiniis natin,lalo na yung init because we really wanted to get there. Total nandoon na rin tayo."Wow! Ang ganda dito. Sobrang tahimik at ang puti ng buhangin."
"Bihis na tayo para walang masayang na oras."We took a lot of photos. We looked very happy and enjoy.
It didn't end it there. Nagkasama pa tayo sa ilang beach sesh. I guess 2 times more, at iyon ay iyong nag karoon tayo nang post Christmas party at nag Holyweek. Yun lang ang una at huli nating magkasamang tatlo. Oo, yun na nga iyon.