So many things have gone so horribly wrong...
Nakakasuko ba akong mahalin?
Bigla kong natanong sa sarili. Bakit? Paano? Kalandi landi lang ba ako?Hanggang kailan kita mamahalin? -Angeline Quinto
If you hear a song that makes you cry and don't want to cry anymore, you don't listen to that song anymore. But you can't, cause it's too inviting to hear it again. 'Cause the truth is you keep missing having no limits. Being in love to someone, who keep you alive, no matter how hurt you are. Hurt that gives you a hundred million reasons to walk away or not. To compose yourself back cause no one probably notice the scars they left you behind. That it's more than just a scratch. It's a punch in the stomach and a slap in the face. It's a knife in your back."Maglinis lang ako sa stock room," sabi ko isang tanghali.
"TIPOS DAY!" yan ang tawag niyo kapag nagsusungit na naman ako. Kapag nakasimangot na ako at hindi namamansin.
"Hi Madam!" someone entered the room. Hindi ko muna siya pinansin at pinunasan ang nagbabadyang bagyo sa aking mga mata. "Hi!" balik kong pagbati. "Okay ka lang, Madam?"
"Okay lang ako." Akala ko may kukunin lang siya pero hindi siya umalis. "Alam ko hindi ka, okay."
(Bakit ka pa nagtanong? Kaloka 'to kausap! Char lang!)Iyong pakiramdam na pigil na pigil kang wag maiyak kasi may kasama ka sa loob ng kwarto.
"Okay lang yan. Iiyak mo lang." sabi niya na para bang alam na niya kung bakit ako nandoon sa stock room. "Ano ba nang yayari, Madam?" tanong niya sa'kin. "May nakita ka na naman bang nag-trigger kaya ka nagkakaganyan?""Ang sakit-sakit na." sabi ko. "Di ko na kaya, ang bigat bigat sa pakiramdam." sabi ko at napahinto sa ginagawa. Inililigpit ko ang mga kutsilyo at kung anu-ano pang gamit pang kusina noon. Pinigilan ako ni Asher at baka makasugat ako sa sobrang gigil.
"Ano bang meron sa kanilang dalawa? Sabi niya friends lang sila, pero iyong pinapakita nila ay hindi umaayon sa sinasabi niya. Ang sakit-sakit na."
Lumapit sa'kin si Asher at nagsimula na rin akong umiyak dahil hindi ko na mapigilan.
"Sabi ko nga kay Montserrat kung gusto niya ng label gawin na niya kasi alam naman niyang may masasaktan. Alam ko kaibigan ko yun pero naiinis ako kasi paulit-ulit ko na siyang sinasabihan na tigilan na niya kasi sa simula alam naman niya may masasaktan pero hindi siya nakikinig. Nakakairita na nga panay banggit ni Sir Phil. Kesyo, "Si Phil nakakainis na... blah blah.. Si Phil kasi ganito... Si Phil ganyan..."Tapos umamin daw si Si Phil na may gusto siya sa kanya. Ewan ko dun sa kanya."
Lalo akong naiyak, "gusto pa ng label? Ah nagkaaminan pala. Ediwow!", isip isip ko."Ano ba yan narinig mo lang pangalan ni Montserrat humagulgol ka na ng iyak dyan, halika nga dito." Niyakap niya ako. Yumakap din ako dahil hindi ko na kinaya ang bigat ng nararamdaman ko. "Alam mo naranasan ko din yan noon, kaya umalis ako sa amin para makalimot ako.
Alam kong makakaya mo yan, matapang ka, malakas, move on na lang. (Kaibigan mo nga talaga siya kasi nasa kanila ang suporta mo. Salamat para dyan, Asher!) Maganda ka, matalino wag mong pag-aksayahin sarili mo sa ganyan. You deserve better." tumango na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa habang umiiyak pa rin.Hindi natapos doon ang iyakan moment ko pagkat nang mag break ako, binigyan mo ako ng pagkain noon. Nagpahatid ka ng kanin at ulam galing doon sa Food express na malapit lang sa store. Halos hindi ko iyon kinain pagkat galing iyon sa'yo. Nandoon lang ako sa kwarto kasama si Dani. Day off niya noon at, nang paggising niya tinanong niya ko kung kumain na ba ako. At ang sagot ko sa kanya, "Ayokong kainin bigay niya kasi yan." Tinititigan ko lang ang pagkain at di nag tagal umiyak na naman ako.
"Bebs, ang sakit sakit na."
"Di ba nga sabi ko sa'yo hindi yan tunay na pagmamahal hangga't hindi ka nasasaktan? Dapat handa ka para sa ganyan. At isa pa di ba, bago ka pumasok sa panibagong relasyon kailangan mo munang tapusin iyong naiwan mo sa Parañaque." Umiyak lang ako ng umiyak habang pinagsasabihan ako ni Dani.