Nang matapos ang subject ni Ma'am Falquez inutusan ako ni ma'am na dalhin ang files sa teacher ng Grade 8 kaya lumabas ako para iabot ang mga files
actually sasamahan sana ako ni Ashley pero pinauna ko na siya dahil alam kong may gagawin pa siya, siya kasi ang School President. kaya ayun maraming gagawin
nasa hallway ako ngayon malapit na ako makapunta sa Room ng grade 8,kailangan ko lang gawin ay lumiko
Nang biglang pagliko ko ay may nakabangga ako at pagkabangga ko nagtama ang braso namin At biglang parang Uminit sa Braso ko na natamaan niya
"Aray!" Reklamo ko habang nakatingin sa braso ko na parang napaso
napatingin ako sa lalaking naka bangga sakin at nakitang matangos ang ilong nito at maputi at may pulang buhok
Nang mapatingin ako sa mata niya ay nakita kong medyo pula ito.
baka naman may contact lens.
ewan ko kung bakit pero Biglang nagsitaasan ang balahibo ko
Nang walang pasabi ay itinuloy niya na ang kanyang paglalakad
WALA MAN LANG SORRY?! TSK. -_-
habang naglalakad ako ay nakatingin ako sa braso ko na parang napaso..
Paano ako nagkapaso sa braso ko?...Wala naman akong hinawakan na apoy
Nang makarating ako sa grade 8 ay kumatok ako at nang buksan ng teacher ang pinto ay inabot ko ang files at bumalik sa room ko..
"Yana! Pano ba to--ANONG NANGYARI SA KAMAY MO?" gulantang na tanong ni Ashley sakin
"Hindi ko rin alam..kanina ko nga lang din napansin eh"
"PANO KA NAPASO?! Eh Wala namang apoy sa School"
"Gaya ng sabi ko kanina. hindi ko po alam.."
"HALIKA! DADALHIN KITA SA CLINIC!!!!"tarantang sigaw ni ashley
"Wag na! Ok nga lang ako"
"AH BASTA! HALIKA!" ani niya sabay hila sakin
Wala akong nagawa kundi sumama
Nang makarating kami sa clinic ay agad niyang ginamot ang pasa ko
"Ang pabaya mo kasing babae ka tingnan mo tuloy nangyari sayo! sheez!" ani niya habang naka kunot ang noo
To be honest si Ashley ang pinaka masungit samin pero pag nakilala mo siya.. hindi ka magsisi kasi maalaga yan at mabait at higit sa lahat inuuna niya ang iba bago ang sarili niya
"Ashley.." napatingin siya sakin at nang nakita ko ang mukha niya nakita ko ang pag aalala sa mata niya "Salamat!" ani ko na habang naka ngiti
"Gagi! wag ka nga tumingin sakin ng ganyan! Hahahaha Di bagay sayo!" Ani niya habang nahalakhak
"Ayy bahala! nag ti-thank you lang eh
-_-""Pft. Halika na nga! tapos ko na ibenda yang kamay mo"
"Oo na Pft Sungit! Grr."
6:00 P.M
Hays salamat Uwian na rin sa wakas
nasa hallway ako ngayon habang naka headphoneLahat ng estudyante ay nakakalat na sa hallway dahil nga uwian na
Nasan kaya ang Tropa?
naglibot muna ako sa school para hanapin yung mga kumag na yun, sabay sabay kasi kami nauwi pag Uwian na eh.. Usually nasa gate lang naman sila lagi pero ba't wala sila dun ngayon?
BINABASA MO ANG
The Long Lost Fallen Angel (On Going)
Mystery / ThrillerA story full of myteries that will make you ask "what?!" and "How" Want to know where it leads to? Then READ IT