Chapter 7

27 3 0
                                    

Ashley, ano bang tinatago mo?

"A-ashley?"

"H-halika na, mali-late na tayo.." ani niya sabay nauna sakin

kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Recess*

dahil gusto ko muna mapag-isa at mag-isip isip muna ay nagtungo ako sa rooftop 

sa rooftop kung san minsan akong nakakita ng kakaiba

pagkabukas ko ng pinto nagulat ako nang makita ko si May 

"Anong ginagawa mo dito?"anya ko sa kanya pero di niya ako nilingon at diretso paring nakatingin sa kawalan kaya tumabi ako sa kanya 

"Napapansin mo rin ba?..."

"Ang alin?" takang tanong ko

"kakaiba ang kinikilos ni Ashley" pati pala si May napapansin yun "may mga sinasabi din siya minsan na hindi ko maintindihan kaya naiiwan akong tanong ng tanong sa sarili ko, Haist! Ewan! OA lang ata ako, Sorry ah! ^-^|| "

"Hindi. napapansin ko rin yun." nagulat siya sa sinabi ko at napangiti

"Akala ko ako lang eh, Buti naman..Osiya, Halika na! Baka hinahanap na nila tayo! Tara!" 

"sige mauna ka na,..gusto ko muna mapag-isa" ani ko kaya umalis na siya

pagkaalis niya ay napatingin ako sa kawalan

"I know what your friend is hiding" dali dali akong napatingin sa likod ko para malaman kung sino yung nagsalita at nakitang siya yung lalaking nakabangga ko dati at nakaupo ito sa taas ng simento sa taas ng pinto

"Sino ka?" 

"Sebastian is the name, Nice to finally meet you. Diane" biglang lumakas ang hangin kaya agad akong napapikit

at nakitang nawala na siya 

P-pano niya nalaman ang pangalan ko at pano siya nawala?!

ANO BA?! GUNI GUNI KO BA TALAGA YUN O HINDI!.

naiwan ako ditong nakatulala, at di makakibo, 

nagulat ako nang may narinig akong bumulong saken "it's best that you don't know" dali dali kong hinanap kung sang direksyon nanggaling yun pero wala akong nakita,....

Sa sobrang takot ko ay umalis na ako dun at nagtungo sa canteen

at nakita ko sila, Same as always. tawanan, kulitan at lokohan..

"OY! Ayan na pala si diane!"sigaw ni Ethan at sinalubong nila ako ng ngiti pero di ko magawang ngumiti

"May problema ba?" tanong sakin ni Axel 

"kailangan kong umuwi ng maaga" 

"ANO?! Bakit?" ani nilang lahat

"Masama pakiramdam ko,"

"Samahan mo Axel!" ani ni Ethan kay Axel

"di okay lang sige Una na ko" ani ko sabay alis at nagtungo sa adviser namin para magpaalam, pinayagan naman niya ako 

pagkalabas ko sa building namin ay naglakad na ako pauwi pero nagulat ako nang habang naglalakad ako ay may nakita akong mga lalaki na nakapa-ikot sa isang tao. pero di ko makita kung sino yung pinapagitnaan nila 

Taimtim ko silang pinagmasdan... Pero parang seryosoo na toh eh.. Parang kailangan ko nang tumulong nung napansin kong nagiging aggressive na yung pananalita nung lalaki ay dali dali akong naghanap ng pwedeng panghampas at napangiti ako nang may makita akong tubo pinaikot ikot ko toh sa kamay ko na parang baton para maka buwelo at nagtungo sa kanila

pagkalapit ko sa kanila ay nagulat sila pero agad ding nawala ang gulat sa mata nila nang nakita ako

"You better leave Miss, This has nothing to do with you" ani nung isang lalaki na pula ang mata parang yung lalaki kanina pero ito ay may itim na buhok 

"Well i can't just stand there knowing somebody is in trouble"

"Your Choice" ani niya sabay sumugod sakin kaya mabilis kong pinaikot ang tubong hawak ko at hinampas sa mukha niya

Crap

mabilis ko ulit na pinaikot ang tubo na hawak ko at pinag hahampas sa mukha nila pero natamaan ako nung isa sa binti ko kaya agad akong napadaing sa sakit, nagulat ako ng tumayo yung nga kaninang napatumba ko

WTF?! TAO PA BA SILA?!

sinubukan kong hindi pansinin ang sakit pero natamaan nila ulit ito kaya napabagsak ako sa sahig, lahat sila ngayon nasa harap ko at handa na akong patayin pero nagulat ako nang may humarang sa harap ko, pamilyar ito..pamilyar

"Hindi ka na sana kasi nakielam. I can handle this anyway" ani ng lalaking nasa harap ko habang nakatalikod 

nagulat ako nang pumitik ito at bigla silang nasunog?

dahan dahan itong humarap sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang

siya.. siya yung lalaking kinakatakutan ng lahat..ang lalaking nagpanindig sa balahibo ko

"S-sino ka? at Ano ka?"

"Levi" pagtapos niya sabihin yun ay nanlabo ang paningin ko

*****************

nagising ako sa kwarto ko at nakitang gabi na, P-panaginip lang ba yun? kinusot ko ang mata ko at nagpunta sa sala at duon nakita ko si kuyang nakaupo sa upuan sa harap ng dining table

"Kuya?"

"Diane?!,THANK GOD!"nagulat ako nang yakapin niya ako "nagising ka rin"kumalas ako sa pagkayakap niya

"Ano bang meron kuya?"

"Di mo naaalala?"nang umiling ako ay agad na napahinga si kuya ng malalim

"Bakit ano bang nangyari sakin?"

"nahimatay ka raw sa sidewalk tas may nagbalita sakin at ayun" anya habang di nakatingin sakin ng diretso "kaya sinasabi ko sayo! umuwi ka lagi ng maaga! tsk Matulog ka na para makapag pahinga ka na.... Wag ka na muna pumasok bukas

" Kuyaa, Okay lang ako. Wag ka na mag alala. "

" tch. Siguraduhin mo lang"

******************************

panaginip lang ba talaga yun? parang totoo eh nitong mga nakaraan maraming bagay ang nabagabag sakin. Baka nga nahihibang na ako eh, Hindi ko lang alam....o di kaya may third eye ako? NOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :>_<: 

Wait...Kung panaginip nga yun. bakit ko siya napaginipan? at bakit ganun ang pangyayari? Nahihibang na ba ako?

dahil sa pangamba ko agad akong nag research tungkol sa lahat ng nakita ko na kakaiba pero ni-isa walang tumugma 

ANO BA YUN?! Hindi kaya minumulto na ako?! 0_0 

WAHHHH NOOOO!!! :>_<: 

"DIANE! KAKAIN NA!"

"AY PUSANG GALA!" nagulat ako sa sigaw ni kuya ah. Ghad..,,, Kung Spirits man yun, Bakit ako? What did i do wrong? sa pagkakaalam ko wala naman akong kasalanan sa mga multo

"DIANE! ILANG TAWAG BA ANG KAILANGAN" ani ni kuya na nasa harap na nang pinto ko ngayon

"10,000 bakit?" tamad niya akong tiningnan at hinila ako palabas "WAIT LANG KASI KUYA! ANO BA!" ani ko sabay kumawala sa hawak niya, napahilamos na lang siya ng mukha at napahinga ng malalim at umalis na at padabog na sinara ang pinto

Sungit -3- 

napatingin ako sa harap ng bintana at nakitang andun na naman yung kakaibang ilaw

lumapit ako dito at nakitang lumayo ito, Biglang nagsi-taasan ang balahibo ko kaya dali dali kong sinara ang bintana ko

bumalik ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot ko

ano ba tong nakikita ko?... Hindi ako nagiilusyon, Nakita ko yun! 

Ano ba ang kakaharapin ko?, kung ano man yun tingin ko hindi ako matutuwa

____________________

End Of Chapter 7

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Long Lost Fallen Angel (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon