Chapter 5

20 2 1
                                    

Habang nag lalakad kami ay nakatingin lang ako sa sahig nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako agad sa likod ko

"Ok ka lang?" ani ni Axel na may halong pangamba sa tono ng boses niya matamlay akong tumango at ngumiti 

"Ayos lang ako." ani ko pero parang di pa rin siya nakukumbinsi

"Huwag kang mag alala, Naniniwala ako sayo." sa sinabi niyang yun ay natigilan ako at napangiti

"OOOYYYYYYY~ ANO YAN? AYIEEEEE LIGAWAN STAGE NA BA?" Pangungutya ni Ethan

"AYieee! Sobrang CHEESY~" Ani nilang lahat

" Tigilan niyo nga ako" ani ko habang natatawa

"Asus! Amin na kasi Pakipot ka pa eh Ayan ang nakakaasar sa mga babae eh, Haist" ani ni Jace sabay iling iling, kaya binatukan siya  ni Ashley

"ANO?! MAY PROBLEMA KA BA SAMING MGA BABAE?! ANO SAGOT! PAPAHALIK KO SAYO KAMAO KO!" Sigaw ni Ashley kay Jace

"Di, ang ibig kong sabihin grabi! Ang Ganda ng mga babae tas maalaga saka Sexy gaya mo hehe"  

"WAG MO KONG BOLAHIN BWISIT!" ani ni ashley sabay kurot kay Jace

"AAAARRUUYYYYYYYYYY!!!!!!!! Sorry na nga eh! Aray!" imbis na awatin sila ay tinawanan lang namin si Jace 

"Pustahan tayo Diane, Etong dalawa ang magkakatuluyan" bulong sakin ni May kaya bumulong ako pabalik 

"Oo, Tas Sayo si Ethan" nang sulyapan ko ang mukha ni May nagulat ako nang nakitang namula ito

"ANO?! YANG UGOK NA YAN?!" ani niya sabay turo kay Ethan kaya napatingin si ethan at tinuro ang sarili niya at nagtanong na "Ako? Ano nanaman ginawa ko?" 

"YUCK KA DIANE! SA DINAMI DAMI? TAPOS SIYA? NO WAY!" ani ni May sabay Cross arms at bumusangot

"Pfft. Naku! Tama na nga yan baka mag-kainlaban pa kayo diyan! Umuwi na Tayo!" Ani ni Clyde sabay nauna sa paglalakad 

Nagkatinginan kaming lahat at isinigaw ang katagang

"WALANG TAYO!" ani namin sabay tawanan

"Edi Ikaw at ako Uwi"

"WALANG IKAW AT AKO!" sabay sabay ulit naming sabi sabay naghalakhakan

"AY BAHALA! MAKALAYAS NA NGA!" ani niya at nauna

nagtawanan na lang kami at sumunod sa kanya

Hays. Siguro nga Pagod lang talaga ako kanina kaya kung ano ano na ang nakikita ko

Nang makarating ako sa bahay namin ay nakita kong nakasandal sa gate si kuya

"Oh! Ba't ngayon ka lang?" malamig niyang sambit

"Ah-Eh kuya Nautusan kasi ako ng teacher at hinanap ko pa sila May nung pauwi na"

"Wag mo na uulitin, Babae ka! Pano kung may mangyaring masama sayo? Ha!"

"Oo na!" Ani ko sabay Pisil sa pisngi ni kuya at pumasok

nang nakapasok ako ay nakita ko si Mama na nasa Kusina kaya agad akong lumapit bumati

"Ba't ngayon ka lang nak?"

"Nautusan pa po ng Teacher saka hinanap ko pa po sila May"

" ah ganun ba? Osiya next time wag magpapagabi ok? Baka mapano ka"

"Opo ma, Akyat na po ako" agad namang tumango si mama kaya agad akong umakyat at pumunta sa kwarto ko at pinabagsak ang sarili ko sa Kama

nakatingin lang ako sa kisame at napaisip

The Long Lost Fallen Angel (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon