Natapos na ang conversation na yun ni Slater with Jessica kaya't hinanap niya si Tin. Nakita niya ito na umiiyak pa rin ,nasa may corridor ito na malapit sa sulok kaya naman kakaunti lamang ang tao rito.
Slater: Tintin (nag-aalala)
Tin: oh Janjan !!(pilit pinasigla ang boses pero lumuluha pa rin) bat di mo inasikaso si Jessica ? magagalit yun pag nalamang nandito ka .. (lumuluha pa ring sabi ni Tin)
Slater: Tintin naman .. ikaw ang mahal ko .. (niyakap si Tin ng mahigpit at sinandal ang ulo niya sa balikat ng dalaga) ikaw lang, ikaw lang, ikaw lang, (paulit-ulit nitong sinabi)
Tin: Janjan naman eh.. (hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga sinabi ni Janjan)
Slater: (tinanggal ang pagkakayakap kay Tin) Tintin, ayokong makita kitang umiiyak ok ?? (habang dahan dahang pinupunasan ang luha ni Tin)
Tin: ok nga lang ako ..
Slater: hayaan mo na si Jess ok ? ikaw lang talaga .. i love you Tintin :))
Tin: pano kasi eh ..
Slater: shhh . hayaan mo na siya Tintin, hanggat nandito ako hindi ka niya masasaktan ulit .. patingin nga ng pisngi mo ? (sabay hawak sa namumulang pisngi ni Tin) bakit kasi ang ganda ng Tintin ko ? ayan tuloy , ang daming naiingit sayo ..
Tin: nakuuu Janjan . wag mo nga akong binobolo dyan .. (smile)
Slater: ayan , napangiti na kita .. ang ganda mo talaga :))
matapos ng nangyari ay nagkita ang magkakaibigang Wendy, Deniesse at Tin. Napansin nito ang pamumula ng pisngi ni Tin dahil na rin siguro sa maputi ito. Kaya naman nagtataka ang dalawa dahil wala naman silang alam na kaaway ni Tin para sampalin siya dahil halata namang sampal yun.
Wendy: hui bakla !! anong nangyari dyan sa pisngi mo ?!
Tin: ahh ito , wala to ?! (ayaw miyang malaman ng mga kaibigan dahil malamang magagalit ang mga ito at ayaw niya ng away)
Deniesse: nakuu !! halata namang sampal yan eh !! deny ka pa dyan !! sino may gawa niyan sayo ??
Tin: wala nga to !!
Wendy: malalaman rin namin yan Tin.
bigla namang dumating sina Slater, Jericho at Carlo para sunduin sila dahil nga may lakad ang mga ito. Nabanggit ito ni Tin kay Slater kaya napagpasyahan nilang tatlo na sumama nalang total wala naman silang lakad.
Wendy: hui Slater !! anong ginawa mo kay Tin ha ?! (pagalit na sabi nito)
Tin: bakla .. tumigil ka nga dyan, ok lang ako !!
Slater: actually , kanina kasi.
hindi na pinatapos ni Tin ang sasabihin ni Slater..
Tin: diba Slater, wala lang to ?? !!
Slater: Tin !! kasi kanina, nagalit si Jess ng makita niya kaming magkasama and ayun, yan na nangyari ..
Deniesse: what ?! yung spoiled brat na yun !! humanda siya !! (patayo na ng upuan ng pigilan ni Echo)
Jericho: hey Hon !! relaxxx ..
nagulat sila ..
HON ?? kayo na ?!
Jericho: guys..
Deniesse: sorry , but .. yes :))
Tin: kayo ha ?!
Carlo: pare !! congrats !! di ka man lang nagsabi !!
Wendy: chararat ka bakla !! hoy Echo, ingatan mo yan ah !! at Tin, di pa tayo tapos .. bakit ayaw mong sabihin samin na si Jess ang may gawa niyan sayo ?! takot ka ba dun ?! ha ?!
Carlo: hey Wendy ..
Tin: ayoko kasing mag-alala kayo sa akin, at saka .. ok na ako no ..
Wendy: anong ok ?? sino nagtanggol sayo dun !!
Slater: syempre ako !!
Deniesse: aba aba Slater .. ikaw ah ..
Wendy: chararat ka ha !!
Tin: naku !! eh parang gusto niya nga balikan si Jessica no .. (pang-aasar na sabi nito)
Jericho: haha , totoo ba yun pare ?!
Slater: Tintin naman !! (yumakap sa likod ni Tin) ikaw lang naman mahal ko diba ..
ayyyyeeiiii !! cheesy !! (Deniesse, Wendy, Carlo,Echo)
Tin: ano ka ba Janjan !! bitiwan mo nga ako !! nakakahiya oh ?! ang daming tao !!
Slater: nagbu-blush na naman si Tintin !!
Deniesse: so ano ? gora na tayo ..
Wendy: yess !! party party na !!
susunod na ang party party nila !! haha , behave sila ngayon :))