Hinhin: 2

1.4K 23 6
  • Dedicated kay Dos Cerventez
                                    

MIGGY’s POV

“Kyaaaaaah! Nasa Pilipinas si Miss A? Omo! Kyaaaaah. I want to see her! Kuyaaaaa! Come here. Look oh, she’s the one that I’m telling you. Na nakita ko dati sa garden ng school. Oh to the M to the Gee. If alam ko lang talaga na she will be a professional model and fashion icon, nagpapicture sana ako sakanya.” Matinis na sabi ni Mara habang hinihila niya ang damit ko papalapit sa harap ng TV.

Nagluluto kasi ako ng dinner niya. Oo dinner NIYA. Aalis kasi ako mamaya.

Tinignan ko yung TV. Napatulala ako ng Makita kung sino yung nandun.

Kahit gaano katagal ko siyang di nakita sa personal di pwedeng mawaglit sa isip ko ang itsura ng babaeng iniinterview sa TV. Wala siyang ipinagbago maliban sa buhok niyang napaka kulay.

So nakabalik na pala siya?

“Ang ganda-ganda niya. Nakikita ko yung picture niya sa school eh. Siya yung reigning Ms. A.S.Univ kasi after niya ay ginawang every five years na yung pageant. Kabatch mo siya kuya!” masiglang sabi ni Mara

Kung alam mo lang Mara, hindi ko lang siya kabatch. Sabio ko sa isip ko habang hindi mawala ang mga mata ko sa TV.

Bumalik ako sa kusina ta ipinagpatuloy ang pagluluto ng matapos ang interview pero di na naalis sa isip ko na nakabalik na siya, na nandito na siya at pareho na kami ng lupang tinatapakan.

Nakabalik na, nakauwi na. Bakit pa siya bumalik?

Nakita kong umiilaw yung cellphone ko.

From: Josh

Pre, magbukas ka ng TV.

From: Josh

Nakita mo na? Andito na siya pre.

From: Josh

Kahapon pa siya nakauwi. Ang laki ng ipinagbago niya pre.Laro tayong basketball.

From: Josh

Wag kang magpapakamatay pre! Hahaha. Anjan na ang iniirog mo.

Sunod-sunod ang mga walang kwentang text ni Josh. Pagkatapos kong magluto ay tumambay ako sa sala.

Nakita ko si Mara na gumagawa ng mga reposrts niya.

Naalala ko yung sinabi niya na nakita niya sa garden dati si Akane.

“Oy linggit, totoo ba yung sinabi mo na nakita mo siya?” Tanong k okay Mara

“Huh? Sinong siya?” Takang tanong ni Mara sakin.

“Yung babae sa TV kanina.” Sagot ko sakanya

“Oo pero matagal nay un. Mag-e-enroll pa lang ako nung bilang first year eh. Nakita ko siya sa garden may inaantay ata siya. Kinausap ko nga siya pero di niya ko sinasagot ng maayos. Di ata kasi siya sinipot nung kakatagpuin niya, maiyak-iyak nga siya habang tinititigan ko eh.” Kwento niya habang patuloy ang pag gawa niya ng report.

Nung panahon na inaantay niya ko.

Baket maluha-luha pa?

Ginusto niyang lumayo di ba?

Madali sakanya na isuko ako at ang pagmamahal ko.

Bakit ngayon pa siya bumalik?

Bakit pa kung kelan okay na ang lahat?

Bakit kung kelan masaya na ko?

Bakit pa siya bumalik?

Pota.

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon