Hinhin: 6

1.2K 19 11
  • Dedicated kay Mond Villaraza
                                    

Andito ako ngayon sa A.S.U kasama si Marian at Mikee. Dumalaw lang ako para malaman kung ano ang ipinagbago ng school na ito. Naimbitahan din kasi ako ng Dean ng school. Ilang buwan na rin naman kasi ay Crowning of Ms A.S University na naman.

Andito rin ako para amgbigay ng small talk sa mga student ng A.S. University.  Nakakatuwa sila ang dami nila. Kinakabahan pa nga ako kanina eh. Tapos si Marian at Mikee naman ay parang mga tatakbong opisyales ng pilipinas sa dami ng mga bumabati sakanila at sa mga nagpapapicture. Tapos sakin din ang daming nagpapapicture. Akala ko nga fans day ko kasi yung iba may mga dala pang banner eh. Mungtanga ata ako hahaha

Anyway, nagulat ako ng may babaeng lumapit sakin. I think nasa Senior  Year na siya.  Ang ganda niya at pamilyar siya sakin lalo na yung mga mata niya.

“Hi po! Ako po si Mara Angela” Sabi niya

Mara Angela? Sounds familiar pero nakalimutan ko kung saan ko narinig yung pangalan nayun.

“Hello.” Batik o sakanya. Huminto ako ng paglalakad para kausapin siya. Si Mikee at Marian naman ay patuloy sa paglalakad kasabay yung dean.

“Ate natatandaan mo pa ba ko?” tanong niya sakin habang nakangiti.

Ako: -----

“Okay lang. Matagal naman na yung panahon na nakita kita. Ako yung babaeng lumapit sayo sa Crimson Garden ako yung kumausap sayo nung may inaantay ka.” Napatingin ako sa muka niya.

Yung babaeng maingay na lumapit sakin.

Nung panahong hinihintay ko si Miggy.

Nginitian ko siya.

“Naalala na kita.” Nakangiting sabi ko sakanya. Lumapad ang ngiti niya at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya but I hugged her back.

“Sorry na-overwhelm lang po” hinging pasensya niya pagkatapos niyang kumalas ng yakap sakin.

“Hindi, ayos lang” hinawakan niya bigla yung kamay ko at inexamine

“Ate ang ganda-ganda mo talaga. Pano kaya kung ikaw ang nagging girlfriend ng kuya ko? Ang ganda mo talagaaaa tapos ang bait mo pa tapos sikat ka pa. whaaaaa ate papicture po” hyper na sabi niya at inilabas niya yung iphone niya.

Ako yung nagtake ng pictures kasi mas matangkad ako sakanya. Ang dami naming selca. Inilabas ko din yung phone ko at kumuha ng ilang shots kasama siya. Maya-maya ay dumating si Marian at Mikee.

“Whoa, Ate Miks and Ate Mrs. Kamusta kayo? I missed you” Sabin i Mara at niyakap yung dalawa at tumakbo palayo.

“Kilala niyo yun?” Tanong ko sakanila kasi magaan ang loob ko sa batang yun.

Nagkatinginan lang sila.

“Oo. Ahead lang tayo ng isang taon sakanya. Dancer kasi dito yan.” Sabi pa nila

“Tara punta tayong stage” sabi ni Mikee kasi kakanta kami.

Hmmmm. Dapat pala talaga nagsinger kami kesa nag model ako hahaha patok kaya kami? Parang mga naglalabasang KPOP Group? Siguro hahaha.

Pagkatapos naming magperform ay nagpaalam na kami kasi pupunta pa ko sa Mansion ni Lola kasi may dinner kami.

Nagbyahe pa ko bago makarating dun kasi late na ko papagalitan na naman ako nun.

Pagkarating ko sa mansion ay sinalubong ako ng mga katulong at sinabing nasa hapag kainan na daw sina Lola.

“Oh hija anjan ka na pala” bati sakin ni Lola pagkakita niya sakin. Nagmano muna ako sa mga nakakatanda at umupo sa tabi ni Shenny (Anak ni Tito Dex)

When They Meet Again [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon