Ayoko talaga sa babaeng mahilig magmura. Nakaka-turn-off.
"Puta! Ano 'to?! Sinong may gawa nito sa desk ko?!" Nakapameywang pa siya at taas-noo habang sumisigaw. "Pakyu sa gumawa nito!" Pinalipad niya sa ere ang kanyang middle finger. "Umamin kayo, sino ang naglagay ng bubble gum dito, ha?!"sabay tadyak sa desk niya.
Ayoko sa babaeng mas siga pa sa mga lalake. Nakakatakot.
Umikot ang tingin niya sa classroom at napako sa lalaking kinasusuklaman siya. "Hoy Paolong batugan! Hoy!" Binato pa niya ng ballpen na sakto sa ulo ni Paolo, dahilan para magising ito at mapakamot sa ulo. "Tarantado ka! Ikaw may gawa neto, 'no?!"
"Oo! Oo akong may gawa niyan!" Umayos siya ng upo. "Nabi-bwisit ako sa'yo, eh! Masyado kang pakialamera!" naiiritang sigaw ni Paolo at tumayo na rin.
Ayoko sa babaeng sadista. Masakit kaya sila sa katawan.
"'Langya ka ah! Sinong nagbigay sa'yo ng permisong lagyan ng bubble gum ang desk ko?!"
Naglakad siya palapit at hinila ang collar ng uniporme ni Paolo kaya napatayo ito. Napangiwi ako. Naku, rambol na naman 'to. Araw-araw, ganito na lang lagi ang eksena.
Lumayo ang ilan sa mga kaklase ko at hindi siya pinigilan dahil takot na baka sila ang mabugbog. Ganyan kami kay Jess—ilag at hindi pinapakialaman. Kapag namarkahan ang pangalan mo sa kanya, mas gugustuhin mong lumipat na lang sa ibang school.
"Hayop ka! Kung nabi-bwisit ka sa a
'kin, mas nakakabwisit ka! Ang panget-panget mo, sobrang batugan ka pa sa klase!" sabay batok ng malakas kay Paolo at sipa sa paa kaya napaupo ito sa sahig. Halos malaglaglag ang hawak kong ballpen sa gulat. "Wala ka namang silbi dito, eh! Umalis ka na at humanap ng paaralan na bagay sa'yo! Lazy Dog University, bagay ka dun!"Ayoko sa babaeng lumalaban sa mga lalake. Katakot talaga.
"Ikaw ang walang silbi!" Tumayo si Paolo at pinagpagan ang uniporme niya. Tinuro niya kaming lahat sa classroom. "Sila, ayaw nilang lahat sa'yo! Masyado kang pakialamera!" Ngumisi siya. "Ikaw dapat ang umalis dito!"
"Ba't ako aalis? Eh ang laki ng naitutulong ko dito!" Tinuro niya lahat ng tao sa classroom. "Hoy kayo! Sinong may ayaw sa'kin dito! Uupakan ko!" Tinaas pa niya ang sleeve ng kanyang blouse. Walang sumagot. "O! Nakita mo na, gago! Walang may ayaw sa akin! Ayoko sa lahat ay 'yung mga sinungaling!" sabay batok kay Paolo.
Nasagad na ang pasensya ni Paolo kaya napasuntok siya sa desk niya at sinubukang hawakan si Jess. Alerto naman ang sigang 'yun at mabilis na kinuha ang bag sa tabi niya at binato nang malakas sa mukha ni Paolo. Tatlong puntos para kay Jess!
"Loko ka! Ano?! Hahawakan mo 'ko?! Sasaktan mo 'ko?!" Kumuha ulit siya ng bag sa tabi at binato ulit kay Paolo. Mabigat 'yun at siguradong masakit. "Mag-gym ka muna at kumain ng maraming kanin bago gawin 'yun!"
Tinalikuran na niya si Paolo at naglakad pabalik ng kanyang desk.
Ayoko sa babaeng pa-sipsip sa mga teacher. Nakakakilabot.
Pumasok si Ms. Vina. Nagsibalikan ang lahat sa kanya-kanya nilang desk at umaktong walang nangyari.
Wala akong ibang nagawa kundi bumuntong hininga at sakyan ang takbo ng klase.
"Good morning Ms. Vina!" Ngumiti siya. Marami ang umismid sa ngiti ni Jess. "Gumaganda kayo."
Ngumiti naman si Ma'am. Isa pang uto-uto 'to, eh. "Thank you, Jess. Goodmorning class."
Ayoko sa babaeng pakialamera. Ba't kasi nakikialam pa siya?
Sobrang boring ng klase. Hindi ko talaga alam kung bakit may mga malakas ang loob magteacher eh mas oks pa kung kumanta na lang sila sa burol.
BINABASA MO ANG
Ayoko Sa Kanya
Teen FictionCompleted. Editing. Ayoko sa kanya. 'Yun ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya.