O

181 10 7
                                    

Joke ba 'to o ano? Si Jess? Ang pinaka-sigang babaeng kilala ko ay interesado sa first love ko?

Napatanga ako sa kanya. Unti-unting nawala ang kanyang ngiti.

"'Wag mo 'kong tignan na parang tinubuan ako ng puno sa mukha!" nakasimangot na sigaw niya. Umupo siya sa ilalim ng puno pagkatapos ay humugot siya ng malalim na hininga. "Masama bang magtanong tungkol dun?"

Umiling ako at sinubukang bawiin ang gulat sa mukha ko. "Hindi naman," Naglakad na ulit ako palapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Nakakapanibago lang 'yung tanong mo."

"Ano namang nakakapanibago dun?" Kumuha siya ng bato at gumugit ng ewan sa lupa. "Kwento ka na, bilisan mo."

"Ah. Huwag na kaya? Hindi naman kasi ma—"

"Ano ba?!" Napaigtad ako sa biglang pagsigaw niya. "Ang dami mo pang arte! Magkwento ka na at baka mapasok ko sa bibig mo 'tong hawak kong bato!"

Eto na, boss. "Oo na. Cool ka lang." pagsuko ko. "Magkukwento na ako." Atat naman kasi masyado.

Bumalik na ulit siya sa pagsulat ng anu-ano sa lupa. Nanahimik siya na parang hinihintay akong magsalita.

Huminga muna ako nang malalim. Kahit kanino, hindi ko pa na-iku-kwento ang tungkol sa amin ni Apple. Hindi ako ang tipo ng tao na mahilig magkwento tungkol sa ex ko. Pero dahil dinaan ako ni Jess sa santong paspasan, magkukwento na ako.

"Ang first love ko? Siya 'yung taong dahilan kung bakit nabubuhay ako ngayon." panimula ko.

Napatigil siya sa pagsusulat sa lupa at tinignan niya ako nang masama. Ano na naman?

"Ginagago mo ba ako?! Anong siya 'yung dahilan kung bakit ka nabubuhay ngayon?!" Nagtaka naman ako sa biglaang pagputok niya. "Sinong pers lab ang tinutukoy mo?! Nanay mo?!"

Napa-face palm ako sa sinabi niya. "Patapusin mo muna ako, Jess. Hindi ang nanay ko ang tinutukoy ko."

"Hindi ba?" Tumango ako. Pinanlakihan naman niya ako ng mata. "Sana sinabi mo agad!"

"Makinig ka kasi muna." Ginulo ko ang buhok ko.

"Okay." Nanahimik na siya at nagsulat ulit.

Bumuntong-hininga ako. "'Yung sinasabi kong first love ko ay ang babaeng nagligtas sa akin nang muntik na akong malunod."

Sumabat na naman siya. "M-malunod?" Napalingon naman ako sa kanya. Tumingin siya sa leeg ko at nung tignan ko kung anong tinitignan niya, 'yung kwintas ko pala. "Niligtas ka niya?"

Nagtaka ako dahil medyo garalgal ang boses niya. "Oo." Kakasabi ko lang.

Umiwas siya ng tingin. "Sige." Tumango siya. "Kwento lang."

"Nasaan na ba ako? Ayun nga, nagising ako sa buhangin na siya 'yung kasama ko." Sumandal ako sa puno. Pumikit ako at parang YouTube na nagplay sa utak ko ang eksenang 'yun, kung paano kami nagkita ni Apple. "Binilin pa niya bago siya umalis na 'wag na daw akong magpapalunod sa susunod."

"Ano 'yun? Minahal mo lang siya dahil sa niligtas ka niya?" sabat niya. "Katangahan naman 'yun. Ay wait—tanga ka naman pala talaga."

"Sakit mo namang magsalita!"

Ngumisi lang siya.

Pero naisip ko rin dati 'yun. Kung mahal ko lang ba siya dahil sa niligtas niya ako. Kung posible bang mahulog agad ang loob ko sa taong kakakilala ko lang. Hindi ko alam kung totoo bang mahal ko na siya noong una pa lang.

Magulo. Hindi ko maintindihan ang salitang may apat na letra sa ingles dahil 'di ko pa naman naramdaman 'yun sa isang babaeng hindi ko ka-close.

"Hindi ako tanga para maniwala sa love at first sight." Napahawak ako sa kwintas ko. "Noong second year high school ako, nagkita ulit kami. Hinabol niya ako para ibalik itong kwintas ko."

Ayoko Sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon