Maikli lang 'to. Medyo busy kasi ako ngayon.
"Grabe Jess, buti napigilan kong huwag mapatili nung makausap 'yung lalake sa beach!" Kanina pa niya inulit-ulit 'yan.
Napakamot ako sa aking ulo dahil nababanas na ako! Takteng bibig 'yan! Bakit hindi manahimik!
"Ilan na 'to?"sabi ko sabay lahad ng anim kong daliri.
"Anim?"parang nag-aalinlangan pa siyang sumagot.
"Oo Apple! Anim na beses mo ng inulit 'yang kagwapuhan, kakisigan at ka-cutan!" Napairap ako. "Tigang na tigang na ang utak ko sa kakadaldal mo!"
Ngumuso naman siya. Pumasok kami ng hospital. Habang naglalakad kami ay parang pabigat nang pabigat ang aking hakbang. Ilang beses ko ng pinag-isipan 'to pero parang nag-aalinlangan pa rin ako hanggang ngayon.
Pumayag na ako sa gusto nina mama. Kailangan kong subukan ang mga paraan para mabuhay pa ako. Habang hindi pa huli ang lahat, kikilos ako. Sabi nga nila, 'nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa'. Gagawin ko kung anong magagawa ko, pero nasa Diyos pa rin ang desisyon at kapalaran ng buhay ko.
Tumigil ako sa harapan ng room ni Doc. Tatanungin muna daw niya ako kung ano pang nararamdaman kong sintomas bago i-schedule ang mga therapy na kailangang gawin. Huminga ako ng malalim dahil kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
"Jess.." Hinawakan ni Apple ng mahigpit ang kamay ko. "Ipagp-pray kita kay God. Gagaling ka. Gagaling tayo at mabubuhay."
Ngumiti siya pero hindi man lang 'yun umabot sa kanyang mga mata. Malungkot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Sino nga bang hindi malulungkot kung dapuan ka ng pesteng kanser sa dugo?!
Tumango ako at nginitian siya. "Malalagpasan natin 'to."
Alam ko. Nararamdaman kong may pag-asa pa. At ang pag-asang 'yun ang gagawin kong puhunan para sumugal sa laro ng buhay.
**
Dahil sa mga therapy na ginagawa sa akin, mabilis na nanghina ang katawan ko. Naka-wheel chair ako dahil walang lakas ang mga binti ko. Kailangan kong tiisin lahat ng 'to.
Wala man lang nakaisip na dalawin ako. Bakit nga ba ako umaasa? Nilayo ko ang loob ko sa mga kaklase't kaibigan ko. Isa pa, hindi nila alam na nakahukay na sa lupa ang kalahati ng buhay ko.
"Balita ko, malaki ang pag-asang gumaling ka ha?"nakangiting sabi ni Apple pagpasok niya sa room ko.
"Apple?"
"Hmm?" Lumapit siya sa akin.
"Pwede mo ba akong ilabas? Gusto kong pumunta ng garden."mahinang sabi ko.
Parang wala na rin akong lakas sa pagsasalita. Wala naman akong ginagawa pero palagi akong pagod at inaantok.
"Sige. Pero itatanong ko muna sa nurse ha?" Mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Ginulo ko ang buhok ko. Natigilan ako.
Nanginig ang kamay kong pinanghawak ko sa aking buhok. Napapikit ako ng mariin nang makita ang maraming hibla ng buhok kong nalagas. Tinignan ko ang unan ko, marami ring nalagas na buhok ang nandun.
Nagsimula nang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ayokong makalbo. Ayokong mawala ang mahaba kong buhok. Marami na akong sinakrispisyo. Ang mga kaibigan ko, ang lakas ng katawan ko, ang kalayaan ko at ngayon.. pati ang buhok ko?
Kinuha ko ang bag na nasa tabi ko. Nilabas ko ang maliit na salamin.
"H-hindi.."nanginig ang boses ko.
Napasinghap ako at napaiyak nang makitang nakakalbo na talaga ako. Nakikita ko na ang anit ko. Mabilis kong binalik ang salamin sa bag ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Pinigilan ko ang aking luha kaya humapdi ang mata ko.
"Okay na daw!"masayang sabi ni Apple pagbalik niya. "Tara na!"
Tinignan ko ang ulo niya. Bakit hindi nalalagas ang buhok niya? Bakit hindi nanghihina ang katawan niya? Bakit parang normal pa rin siya?
"Apple, hindi ka ba nagpapa-chemo?"tanong ko at biglang naglaho ang kanyang ngiti.
Lumapit siya sa akin. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa sulok ng kanyang mata nang mapatitig sa ulo ko.
"Jess ang buho-" Tinabig ko ang kamay niyang hahawak sana sa ulo ko.
"Ano ba?!"iritadong sigaw ko.
Napaawang ang bibig niya. Tinalikuran niya ako at narinig ko ang impit niyang paghikbi. Yumuko ako at tinakpan ng palad ko ang aking mga mata.
Ito ang ayoko eh. Gusto kong maging normal pero hindi pwede dahil pinapamukha ng mga taong nakapaligid sa akin na mahina ako. Ayokong isiping nalalagas na ang buhok ko pero napapansin naman nila 'yun.
Nakangiti siyang humarap sa akin. Parang normal lang ang lahat. Parang walang mali sa akin.
"T-tara na. Mahangin pa naman sa labas ngayon." Kinuha niya ang wheelchair sa sulok ng kwarto ko.
Inalalayan niya ako sa pag-upo dun. Binuksan niya ang kanyang bag at inabot sa akin ng isang bonnet na kulay pink.
"Ayoko,"masungit na sabi ko. Napasimangot siya. "Masyadong kikay ang kulay."
"Oh? Aarte pa?"
Natawa siya at sinuot 'yun sa akin. Lumabas kami ng room ko. Nakasalubong pa namin sina mama at nagpaalam kami na tatambay muna sa garden. Umoo naman sila basta babalik din kami agad.
Yumuyuko ako sa tuwing napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong namin. Awa ang makikita sa mga mata nila. Hindi ko kailangan ng awa nila. Hindi madudugtungan ang buhay ko sa awang pinapakita nila.
Pagdating pa namin sa garden ay nalanghap at naramdaman ko na ang malamig at preskong simoy ng hangin. Maraming puno at nababalot ng damuhan ang paligid ng garden. Buti na lang naisip ng may-ari ng hospital na magpagawa ng garden.
"Ang presko dito noh?" Umupo si Apple sa damuhan sa tabi ko.
Pinikit ko ang mata ko. Ang presko talaga dito. "Apple, may ipapakiusap sana ako sa'yo."mahinang sabi ko.
Walang kasiguruduhan kung mabubuhay pa ako kaya habang maaga, dapat ko ng isauli 'yung kwintas.
"Ano?" Tumayo siya para makatapat ako.
Nilabas ko ang kwintas sa aking bulsa. Binigay ko 'yun kay Apple. Kinuha naman niya pero may pagtataka sa kanyang mukha.
"Ano 'to?"
"Pantasa."naiinis na sagot ko.
Nakita na ngang kwintas, itatanong pa?
"Anong gagawin ko dito?"
"Kainin mo." Napairap ako. "Pakisoli."
"Huh? Kanino?"
"Sa akin." Napairap ulit ako. "Patapusin mo muna ako, pwede?" Daming tanong eh.
Ngumuso siya. "Sungit."
"Yung lalakeng niligtas ko sa beach noon. Please, hanapin mo siya at ibalik mo 'yan sa kanya."pakiusap ko.
"Bakit di na lang ikaw?" Tinitigan niya ang kwintas at nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya.
"Anong sasabihin niya kapag nakita niya ako? Wow! Miss, imposibleng ikaw ang nagligtas sa akin. Sa kondisyon mong 'yan, nakuha mo pang magsinungaling?" Napabuntong-hininga ako. "Isa pa, ayokong may makakita sa akin na ganito ang itsura ko."
Tumango-tango siya. "Sige."
Ngumiti ako. "Salamat."
Sana.. dumating ang araw na gumaling ako at masabi sa lalakeng 'yun na ako ang babaeng sumagip noon sa kanya. Pero dadating pa ba ang araw na 'yun? Sana.
BINABASA MO ANG
Ayoko Sa Kanya
Teen FictionCompleted. Editing. Ayoko sa kanya. 'Yun ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya.