Part 3: Bingi

44 0 0
                                    

Makatapos makipagusap kay Chester, dali-daling pumunta si Maychelle sa 7 Eleven para makipagkita sa isa nya pang barkada na si  Aia. Nakita nya si Aia, kasama ang isang lalaking nakasuot ng varsity jacket at napansin na may itsura ang kasintahan ni Aia. Nagsimula nang pumasok si Maychelle. Nakita ni Aia at ng boyfriend si Maychelle at sinalubong nila ito.

"Woi, Girl! Kamusta?" bati ni Aia kay Maychelle tsaka nakipagbeso.

"Eto, mabuti." sagot ni Maychelle.

"Ha? Anong bote?" tanong ni Aia.

"ANG SABI KO, MABUTI!" muling sagot ni Maychelle.

 "Ha? Kabute? Para saan?" tanong ni naguguluhang Aia.

"Pepektusan ko tong babaeng to eh!" sabi ni Maychelle na pabulong.

"Ay naku, ewan ko sa Maychelle! Ang labo mong kausap! Anyways, Pinapakilala ko nga pala sa'yo ang boyfriend ko, si Danny. Danny, si Maychelle." sabi ni Bingi.

Kinilatis muna ni Maychelle si Danny. Gwapo, Super Check. Cool, check. Ma-porma, check. Pero ang hindi alam ni Maychelle, ngongo pala sya hanggang sa siya ay nagsalita.

"Hay, Hako nga pala e Danny. Niyt to mit you!" sabi ng ngongo.

Napapangongo din si Maychelle, "Danny, pwedng makautap e Aia sandale?" Hintak ni Maychelle si Aia at iniwan muna ng sandali si Danny.

"Bakit Maychelle? May problema ba?" tanong ni Aia.

"Boyfriend mo ba talaga yun, Aia?" tanong din Maychelle.

"Ballpen? Wala akong dala eh. Pasensya na." sagot ni Aia. Naiinis na si Maychelle. *Facepalm*

"Ano bang problema? Si Danny ba? Mabait naman sya ha? Sweet pati ang ganda ng boses nya, Nakakainlove!" sabi ni Aia.

"Nakakainlove? Seryoso ka ba? Eh, tropa yun ni mahal eh! Ka-clan nya ata!" sagot ni Maychelle.

"Anong clam? talaba ba yun?" sabi ni Aia.

Pinalo ni Maychelle ang kanyang sarili sa noo hanggang sa naisip nya na magsalita siya ng ngongo para maintindihan sya ng kaibigan. Bright Idea lang. *Ting!*

"Hang sabe kho, yung boypren mo, ngongo!" sabi ni Maychelle in ngongo version.

"Ha? hindi kaya, he has a perfect voice, you know!" sagot ni Aia.

"Nakakaloka! Mutual understanding din to? iba talaga ang mga lovebirds sa barkadahan namin!" pabulong na sinabi ni Maychelle at pinagpatuloy ang pakikipagusap kay Aia in ngongo.

"Saan naman khayo nagkakilala? Bhaka naman manloloko din yan! Mamaya magdabog ka tapos magbasag ka na naman ng mga paper plates sa inyo!" sabi ni Maychelle.

"I think he is the one! This is really is it is it!" sagot ni Aia.

Dumating si Danny, "Ah, mawalang galang na peo i-ttit ko sana khayo ng fut? Shall we? If you don't mind." sabi ni ngongo.

"Ay, Danny, pasensya na sa paghihintay ha?" sabay kapit sa braso ni Danny.

"Oho ngah, torry naman, torry na, torry na!" sabi ni mahal este Maychelle.

"Hokey lam! let gho!" sabi ni Danny at nagsimula nang bumili ng pagkain.

Incompletely PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon