Part 5: Baliw

33 0 0
                                    

Kinabukasan, dumating na ang araw para ooperahan ang mga mata ni Pierre. Pumunta ulit sila Maychelle at Pierre sa Sto Nino Parish Church at doon nila hihintayin si Cassidee.

"Oh, Pierre. Iwan muna kita dito ha? bili lang ako ng pagkain natin." sabi ni Maychelle.

"Okay, sige." at umupo si Pierre para hintayin si Maychelle.

Makatapos ang ilang minuto, may isang lalaking lumapit kay Pierre at dinukot ito. Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Maychelle.

"Ang sungit naman ng ale! Kala mo kung sino maganda, ang mahal pa ng tinda! hmp!" sabi ni Maychelle at tumigin sa paligid.

"Naku, nasaan si Pierre? shocks!" kukunin ang cellphona at tatawagan ang ibang mga kabarkada.

"Guys, Tulungan nyo ako! Nawawala si Pierre!" sigaw ni Maychelle.

..........................................................................

"Ano? Ano yun? Chappy ka!" sagot ni Aia.

"Ang tabe kho, pumunta kha dito, nawawala si Pierre!" pa-ngongong sabi ni Maychelle.

"Ano? Tsk! Date pa naman namin ni Danny. Sige, punta na ako." sagot ni Aia.

...........................................................................

Tinawagan din ni Maychelle ang iba pa, "Ano? Bulag na, gumagala pa! Paano yan?  Papunta na sana ako sa audition eh! Sige, punta na ako." sabi ni Nichole.

............................................................................

"asaeydhagdtwehasgdasrdrgdesauysgdhsahdeufdasgdgasgdeudag" sagot ni Chester.

"Chester, loud and clear and boses mo ha? understandable! Pumunta ka na nga dito! Sa susunod  na lang yang fliptop audtion mo!" sabi ni Maychelle at ibinaba ang cellphone.

Dala-dala si Pierre ng isang hindi kilalang lalaki. Naabutan nila Maychelle at mga kaibigan nya ang lalaki.

"Hoy! Bitawan mo si Pierre!" sigaw ni Maychelle.

Huminto ang lalaki, humarap kala Maychelle habang hawak si Pierre. Tinanggal ang hood niya at nakita nila ang  isang lalaki na merong busal sa bibig.

"Ah, familar siya sa akin, siya si Freddy, dun sa nightmare on elm street!" sabi ni Aia.

"Hindi, si Jason X kaya yan ng Friday The 13th!" sabi naman ni Nichole.

"Ah, guys, gusto nyo mamaya magpasurvey tayo kung sino talaga kamukha nya puro sa ngayon, may hostage taking lang naman nagyayari dito, baka mamatay lang ako. No pressure!" sabi ni Pierre at sabay ngingiti.

Titingin si Maychelle sa lalaking may busal, "HOMAYGAD! si Arnibal! Nakalabas ka na ng mental?" sabi ng gulat na si Maychelle. Ang lalaki ay dating kabarkada nila Maychelle, siya si Arnibal Hector, isang doktor at siya ang nagpagaling sa ketong ni Maychelle pero bigla siyang naging baliw.

"Hindi, hindi, hindi pa, papasok pa lang, hologram lang siya eh!" sagot ni Nichole.

Magsasalita na ang lalaki, "Sa wakas! nakita ko din kayo! makakaganti na din ako! Makatapos niyo kong iwan sa ere!" sabi ni Arnibal.

"Arnibal please, wag mong saktan si Pierre. Gagawin namin lahat. Ano bang demands mo?" sabi ni Maychelle at maglalabas ng notebook at ballpen.

"Isang Big Mac at hash brown." sagot ni Arnibal.

"Try mo yung Coke float! Sarap!" suggestion ni Nichole.

"Tsaka apple pie, pang-dessert lang! :)" suggestion ni Pierre.

"Ano ba? Demands ko ang hinihingi ha? Bakit nag-susuggest kayo? Papatayin ko na talaga to!" banta ni Arnibal.

"WAG!" sigaw ng lahat.

Napansin ni Arnibal na hindi nagsasalita si Chester, "Bakit hindi ka nagsasalita? Wala ka bang paki sa kaibigan mo?"

"Ah, man of few words kasi siya eh, hindi ba?" sagot ni Maychelle at tutungo si Chester.

"Teka nga, magaling ka na talaga at nakalabas ka na ng mental?" pansin ni Aia.

"Oo! Hindi na ako nakakakita ng demonyo!" sagot ni Arnibal.

"WEH? WOOOSHHOO!" sagot ni lahat.

"Echoserong Froglet!" pahabol ni Maychelle at bigalang dadating si Cassidee.

"Anong nagyayari dito? Kuya, pakawalan mo na si Pierre!" sabi ni Cassidee.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! BAKIT KA NANDITO TAGA-SUNDO? LUMAYO KA SA AKIN! HINDI AKO SASAMA SYO SA IMPERYNO!" sigaw ni Arnibal pagkakita kay Cassidee.

"Ah, Cassidee, sa ngayon mukhang hindi nakakatulong ang kagandahan mo dito pero infairness about hanggang sa ilalim ng lupa ang ganda mo. YOU ALREADY! Tumawag ka muna ng pulis." sabi ni Maychelle at biglang tumakbo si Cassidee para sa tulong.

"Mukhang magaling na nga siya." sabi ni Maychelle.

"Sabi sa'yo eh!" sabi Nichole kay Maychelle.

Titigil sa pagpapanic si Arnibal ng nawala si taga-sundo este si Cassidee. Bigla siya tuturo kay Maychelle, "ano klase kayo mga kaibigan? tinulugan ko kayo lalo na ikaw Maychelle tapos nga naging baliw ako, wala miskina isang dumalaw sa akin. Makatapos lahat ng ginawa ko para hindi na ulit kayo pagtawanan, ganito i-gaganti nyo sa akin!" sabi ni Arnibal.

"Hindi pa naman huli ang lahat eh. Pwede pa tayo magsimula ulit. Sorry kung hindi ka namin nadalaw kasi gusto namin pa labas mo magaling ka na." sabi ni Pierre habang umiiyak.

Nagsimula ng umiyak ang  lahat, naglabas ng panyo si Chester, siningahan.

"Pahiram nga!" sabi ng umiiyak na si Pierre kay Chester. I-aabot ni chester ang panyo niya kay Pierre at sisingahan din ito ni Pierre.

"Pahiram nga din!" sabi ni Arnibal habang umiiyak. I-aabot ni Pierre ang panyo ni Chester. Sisingahan din ito ni Arnibal at ibabalik sa kay Chester. Ippunas ang panyo sa mukha ni Chester.

"So, hindi mo na ako papatayin?" tanong ni Pierre kay Arnibal.

"HINDI! PAPATAYIN PA RIN KITA! WAHAHAHAHAHA!" sabi ng baliw na si Arnibal. Nakiusap ang lahat na tumigil pero mukhang hindi na magbabago ang isip nya. Sasaksakin nya na si Pierre ng kutsilyo pero titigil si Arnibal.

"Sabi mo, gusto mo syang ipapatay? Ang gulo nyo naman kausap eh!"  sabi ni Arnibal na parang may kausap siya sa hangin.

"Sino kausap niya?" tanong ni Aia.

"Ninja ata." sagot ni Nichole.

"Bakit naman? Paano mo nalaman?" tanong ni Maychelle.

"Invisible eh." sagot ni Nichole. Magtitinginan lahat at tsaka tatakbo expect kay Nichole. *Waley Run*

"Ano ba? Baliw nga sya di ba? Duh? Ang slow nyo ha?" sabi ni Nichole.

"Alam namin, waley ang joke mo eh." sagot ni Maychelle.

"Guys, hindi. May kausap talaga siya. Nakikita ko!" sabi ni Pierre habang busy sa kausap niya si Arnibal.

"HUWAW! Imaginary friend! Tapos ikaw nakakakita?" tanong ni Maychelle.

"OH C'MON!" hirit ng lahat.

"Hindi, nakikita ko talaga, mukhang demonyo talaga siya." sagot ni bulag,

"Pierre, hindi kaya may third eye ka? HOMAYGAD!" sabi ni Maychelle.

"Pero ha, infairness, nagkakaiintindihan kayo ni Arnibal ha? Aiyeee! Homosexuality ang naganap?" sabi ni Aia.

"Sabi sa'yo eh!" sagot ni Nichole.

"Tama na! Tama na!" mukhang naburyo si Arnibal sa kausap. Itutulak niya si Pierre sa mga kasamahan nya at tatakbo siya palayo.

Incompletely PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon