Chapter 19: I Like You

2K 62 6
                                    

Jamaica Villanueva



"Alam kong gising ka, Jamaica." Narinig ko ang isang pamilyar na tinig. Dahan-dahan akong bumangon at hinarap siya.

"Hala! Ano pong ginagawa niyo sa Light?!" Nataranta at agad na nagising ang aking diwa.

Siya ang ginang na pinapunta ako sa Light, 'yung sa karinderya!

"Ineng, kumalma ka muna.." Naramdaman ko ang maingat na pagpisil ng ginang sa aking kamay. Agad akong napakalma ng ginang.

Magic.

Nagtataka pa rin ako. Napagdesisyunan  niya na bang lumipat sa Light?

"Ineng... anong Light ba ang pinagsasasabi mo? Nasa Karinderya mo ako! Juskong bata ka! Bakit ka ba kasi nakatulog? Nako, magtrabaho ka na agad! Marami pang costumer!"

Napintig ang tenga ko sa narinig. So panaginip lang talaga ang lahat? Nandon ako sa Light! Nakilala ko ang iba't-ibang mage..

It was real! Marahas kong pinilig ang ulo at mapait na napangiti.

I should be aware, right? I mean Magic, Light, princess, princes... faries...

Hinarap ko ang ginang at pilit na ngumiti. "Pasensya na po. Ano pong magiging trabaho ko?" Naging pormal ang pananalita ko at tumayo at inayos ang tindig.

"Lola, siya po ba ang nahanap niyong tig-hugas ng Plato?" Magalang na sabi ng lalaki na tyansa kong mas matanda sa akin ng ilang taon.

Tumango ang ginang. "O, sya. Jamaica, per hour ang sahod dito dahil malaki naman ang kinikita ng karinderya." Ngumiti nang pagkatamis-tamis ang ginang.

"Aero, ihatid mo na siya sa kusina." Utos ng ginang. Agad tumalima ang Aero daw at inihatid ako papunta sa kusina.

"Dito ka magta-trabaho," nagkamot ito ng batok at nagpatuloy "mabuti naman at nandito ka, ako na naman ang papahugasin ni lola nang walang talent fee." Ngumuso ito.

Ang cute!

"Hehe." Nasabi ko nalang at nagsimula nang maghugas. I spent one hour washing the dishes. Nagpaalam na ako sa ginang at kinuha ang sweldo ko sa pagta-trabaho ng isang oras.

Walang buhay akong naglakad papunta sa eskwelahan. The ambiance of Earth is making me empty.

I felt melancholy and it is weird. Kakaiba ang pakiramdam na bumalik dito. Parang hindi ako welcome sa lugar na ito..

Where in fact this is the only home that can welcome me in order for survival.  Like who can survive in Venus?

"Its thick atmosphere is mostly made of carbon dioxide with clouds of sulfuric acid, which traps the sun's heat and creates a runaway greenhouse effect. Thanks to this atmospheric blanket, temperatures on Venus' surface can soar over 880 degrees Fahrenheit—hot enough to melt leads."

Napailing nalang ako. Gusto kong maniwala sa pantasyang si Keith, the fire prince ang dahilan kung bakit mainit ang venus pero alam ko... na isang pantasya lang ito.

Fantasy, impossible to be real.

Para akong tanga na paulit-ulit ang pagiling. Nakakabaliw ang panaginip na 'yon!

Pagpasok ko sa gate, sinalubong ako ng tingin ni Keith, ang bff kong bakla and swear, its awkward.

He's a fire prince in my dream!

Nahihiya akong ngumiti dito habang siya naman ay lumalapit as gawi ko. "Ano ka ba bakla! May pahiya-hiya ka pang ngiti jusko!" Ngumiti ako ng pilit at hindi siya pinansin.

Bahala siya sa buhay niya!

"Bakla.. di ka na naman namamansin." Puna ng totoong bakla sa akin.

Hindi ko pa rin ito pinansin hanggang sa makaabot ako sa room. Tumigil lang ito sa pangungulit nang makapasok na ang teacher para sa first period namin sa hapon.

Tumingin ako sa gawi ni Keith at nagulat nang makita ang walang emosyon nitong mata habang nakatingin sa kawalan.

Is it just me or I find it hot?----

"Sorry I'm late." Hinihingal na sabi ni Zach. Napayuko ako at hindi man lang ito tinapunan ng tingin. We kissed in my dreams!

Dreams Jamaica, gising na.

Frustrated kong kinuyom ang kamao ko. This is awkward and the sudden change of settings is killing me. Ghad.

Tahimik ako buong hapon. Wala akong pinapansin ni sino man sa mga taong nandito.

I'm still confused, disappointed, angry, and.... hurt. It feels heavy. Nakakadismaya na panaginip lang ang lahat.

"Jamaica." Lumingon ako sa tumawag at nagtaas ng kilay. Its Keith, ay seryoso ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Nagkamot ito ng batok. "Ahm, garden. Shall we?"

Walang imik akong sumunod dito. Ayokong makipagsagutan at baka madulas pa ang dila ko. Jusko!

Umupo ako sa isang bench habang nanatiling nakatayo si Keith. "Oh, bakla. Di ka tatabi?" Aya ko dito at tinapik ang bakanteng espasyo para sa bakla.

Umiling lang ito at ngumiti. Ngiting aswang.

"Bahala ka." Nagkibit-balikat ako. "Anong gusto mong pag-usapan natin?"

"Jamaica.. I'm not gay. And I like you."

"No, you're kidding." Tumawa ako at hindi makapaniwalang napatitig dito.

"What? I'm not kidding as you see. And I will make you mine because I like you, Jamaica Taylor."

Napipilan ako sa huli nitong sinabi at nagiwas ng tingin. Taylor?

Umiling ako, extreme disagreement is visible in my eyes.

"No you cant like me.."

"Why not? I like you, Jamaica."

"No, I said you cant!" Hindi ko napigilang pagtaasan ito ng bosses. I cant be yours just because you like me! Feelings should be mutual, Keith. Pasensya, kaibigan lang muna." Dali-dali akong umalis sa Hardin habang nakayuko.

I dont like this.. I can't let Keith enter my heart because everything is still complicated.

He said Taylor! At hindi ako bobo para hindi malaman na may kinalaman ito sa tunay kong pagkatao.

And Taylor is familiar in Light. Hindi pwedeng mahulog ang loob ko kay Keith lalo na't nagdududa pa rin ako kung totoo ba ang Light o hindi.

Natatakot ako na sa oras na nakatapak muli ako sa Light, hahanap-hanapin ko si Keith.

Destined FateWhere stories live. Discover now