Chapter 23: Fire Prince?

1.9K 52 1
                                    

Jamaica Villanueva


Maaga akong nagising at pumunta sa paaralan. Knowing Keith, he's always late. Ayaw kong makasabay siya, I'm avoiding him because of his confession.

Hindi sa oa ako, pero kailangan ko siyang iwasan. In that way, baka ma-turn off siya sa akin. Baka mawala ang nararamdaman niya sa akin.

It's the best, for the meantime.

Bumili ako ng limang pisong pan sa canteen bago dumiretso sa classroom. Wala pa masyadong tao sa paaralan kasi 6:30 am pa.

Pinihit ko ang door knob at sumilip as loob ng classroom, only to find out if I'm the first student to arrive.

Buti naman at wala pa si Keith. Dumiretso ako sa upuan ko at umupo. Alangan namang tumayo lang ako diba.

Pinatong ko ang ulo sa desk at humarap sa bintana which is nasa left side ko. Mananatili ako sa ganong pasisyon hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ni hindi ako naka-attend sa flag ceremony. Bahala na, as long as di ako nahuli ng WATCH.

Saktong paggising ko ay ang papasok ng guro. Science ang subject for this period.

Binati niya kami at bumati kami pabalik. Unlike Ms. Tarranza, si Ms. Cab ay mabait at considerate. Ayaw niya lang ng maingay pag nagdidiscuss siya.

"Newton's Law of Motion--" nagbaba ako ng tingin. I remember Mrs. Hook, she mentioned Newton's Law of Motion, if it really existed.

Agad akong nawalan ng interes makinig. Naaalala ko ang Light sa lesson ni Ma'am ngayon.

Wala sa sarili akong napatingin sa gawi ni Keith. Kinakamusta ko lang ang lagay niya 'no. Alam ko namang ayaw na ayaw niya talaga makinig sa discussion. Lalo na pag si Ms. Cab ang nagdidiscuss.

Ms. Cab's voice is the best sleeping pill for bored students.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan nang magtama ang paningin namin ni Keith. Nakatitig pala siya sa akin. Agad akong nagiwas ng tingin.

Kalma mo bilat mo Jamaica, wag marupok tangina mo.

Mabilis na lumipas ang oras. Lunch time at agad akong lumabas. Kailangan ko pang pumunta sa Karinderya nila Aero. Magta-trabaho ako.

Lakad takbo ang ginawa ko. Alam kong kakailanganin nila ng tulong kasi lunch time na.

Nakikita ko sa peripheral vision ko si Keith na sumusunod sa akin. Di ko siya tinapunan ng tingin. Nagpanggap akong di siya nakita. Wala naman akong pake, kaso nakokonsensya din ako.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad sa ilalim ng sinag ng araw, nakarating na rin ako sa Karinderya.

"Tangina, ang init." I murmured. Nakakapikon talaga ang panahon. Ang hot, tulad ko. Bakit ba kasi malapit sa equator ang lokasyon ng Pilipinas, direkta tuloy tayong natatamaan ng init ng araw.

Binati ko ang ginang na may ari ng Karinderya at tinanguan si Aero. Nang makarating sa kusina, napailing na lang ako sa dami ng hugasin. Nakakadepress.

"Kalma lang self, konti lang 'to. Kakayanin mo 'to, fighting!" Mahina kong sabi sa sarili habang nagsusuot ng apron para di mabasa ang uniform ko.

Lumipas ang 1 oras at malapit na ang first period this afternoon. Nakapag-lunch na ako at nakapagpaalam kila Aero.

Naglalakad ako patungo sa eskwelahan nang may motor na tumigil at biglang hinablot ng sakay ang  bag ko.

Putangina nandon ang assignment ko! Shet! Ang malas ko ngayon!

"WAAAA!! MAGNANAKAW! TULONG!"


Agad kong sinundan ang motor.  Lumalakas ang hangin at di ko namalayan na sobrang bilis pala ng pagtakbo ko, pinagtitinginan ako ng tao.

Di ko pinansin ang kakaibang tingin ng mga tao sa akin at patuloy lang sa pagtakbo. Konting push nalang, maaabot ko na ang motor!

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. "MGA MAGNANAKAW KAYO! 2019 NA USO PA RIN ANG PAGNANAKAW! PAKYU LUMA NA YAN!" Sigaw ko nang mahawakan ang dulo ng motor.

Patuloy pa rin sa pagandar ang motor at ganon din ako. Baka mapahamak ako sa ginagawa ko pero di ako pwedeng sumuko lalo na't nagawa ko na, naabot ko na ang motor.

Buong lakas kong hinila ang motor para tumigil. Pipi akong nanalangin na sana tumigil ang motor, which is natupad.

Lihim akong napangiti at sinubukang agawin ang bag ko pero napakahigpit ng hawak ng lalaking snatcher dito.

"Akin na 'yan! Wala naman po yang laman eh! Notebook lang!" Sabi ko at nagagawan kaming dalawa ng bag.

Nakisali na rin ang driver. Di ko sila kayang dalawa kay napabitaw ako sa pangaagaw sa bag ko.

"Waaa! Tulong! Magnanakaw!" Sigaw ko at hinabol sila. Wala masyadong tao dito at road to gubat na pag nagpatuloy ako sa paghahabol.

Nahabol ko sila at tinry uli na kunin ang bag. "Di mo 'to makukuha miss!" Sabi ng lalaki.

Nakita ko ang papalapit na kamao sa tiyan ko. Agad ko itong naiwasan.

"Akin na!" Galit kong turan. Di ko pinansin ang panandaliang pagstrike ng kidlat at nakipagagawan ulit.

Pinagtataka ko rin kung bakit ang sensitive ko at ayaw na ayaw kong kinukuha ang bag ko, pero bahala na, nandito na eh.

Lumakas ang ihip ng hangin, narinig ko ang sunod-sunod na pagtumba ng puno. Sinipa ko ang lalaking humahawak sa bag ko at napaatras ako nang tumilapon siya at sumabit sa isang sanga.

Nanigas ako sa kinatatayuan at nagkatitigan kami ng lalaking driver na umaatras at puno ng takot na nakatingin sa akin.

Nakakaawa ang lagay ng lalaki sa sanga. Nakadilat ang mata nito at patuloy sa pagtulo ang maitim na likido.

Maitim na likido...

Maitim ba likido...

Maitim na likido...

Nanginginig ang tuhod ko at humigpit ang hawak ko sa bag ko. Nanghihina akong napaupo at umiling.

"N-no... d-di ko yan magagawa.." Napiyok ako habang nagsasalita. Parang ilog na patuloy sa pag-agos ang luha sa aking mata. 

"H-halimaw ka nga!" Lakad takbo na lumayo sa akin ang driver. Takot na takot ito sa akin. I fear to be feared.

"H-hindi... h-hindi..." Iling ako nang iling. "S-sorry... di..." Narinig ko ang papalayong kaluskos hanggang sa tuluyan itong mawala.

"Have a rest, wala kang kasalanan." Nanlaki ang mata ko sa narinig.

Hindi ako pwedeng magkamali, boses 'yon ni Keith!

Keith Phiro, Fire Prince.

Destined FateWhere stories live. Discover now