Chapter 10: Pink

3K 85 12
                                    

Jamaica Villanueva



Napamulat ako nang aking maramdaman ang napakalamig na yelong bumabalot sa aking katawan. Ni hindi ako makagalaw dahil sa katigasan at kakapalan nito. Nakikita ko din si Prince Keith at ang ibang magians na may hawak na martilyo. Tila handa na silang pukpokin ang yelong bumabalot sa akin.

Kung alam ko lang na ganito pala ang sumpa, hindi na ako umupo sa upuan na iyon. Buhay nga naman parang life.

"I'm getting tired breaking this bullshit ice." Inip na sabi ng Prinsipe at naglabas ng fire ball at inihagis iyon palapit sa akin. Napapikit ako. Natatakot ako na baka matamaan ako ng kaniyang apoy.

Naramdaman ko ang kaunting init mula sa apoy na ito. Agad na natunaw ang yelong nakapalibot sa akin at naging tubig. It's a relief na nakahinga ako despite of the ice covering my whole body and face.

Napabuntong-hininga ako at napaupo sa sahig. "Sa susunod, kung takot kang masaktan, matuto kang makinig. That chair doesn't fit you, it's for those who have royal blood only and also,  you're not Jamaica Taylor." I got scared as I  saw those pair of dangerous yet expressionless pair of  eyes looking at me intensely. 

Then he left.

Yumuko ako at pinigilan ang luhang bumabadyang tumulo mula sa aking pagod na mga mata. Without a valid reason, this feeling awaken my soul again, this feeling that makes me think I'm weak and fragile and I can't do anything but I can't care less. I took a deep breath.

Tumayo na ako at tumungo  sa dorm para magpatuyo at magpahinga na dahil may pasok pa pala bukas. While heading to the dorm, I saw few students walking through the hallway. 

"Girls, do you know that girl?'' Para sa iba, isa lamang itong bulong. Hindi ko alam kung bakit tila natriple ang talas ng pandinig ng munti kong mga tainga. Napatingin ako sakanila.

"Omg, tumingin siya sa atin. Does she knows us?'' Yumuko ako nang mapagtantong ako ang tinutukoy nila. 

"She looks familiar tho. Wait, diba s'ya 'yung feeling close sa royalties at nagtangkang umupo sa upuang inilaan para kay Princess Jamaica Taylor?" They all laugh. 

"Yes, haha. Nabalitaan ko nadala siya sa healing dorm para magpagaling at gamutin siya mula sa sumpa ng upuan sa kaniya." Humakbang na ako palayo. "Oh, girls may meeting pala ang royalties sa Shadow Kingdom. Gosh, I wonder how elegant the venue for a single meeting could be."

Yumuko ako at dali-daling tumakbo papunta sa dorm. Kailan ko kaya mararanasan ang dumalo sa isang pagpupulong na eksklusibo lamang para sa mga magians na may dugong bughaw?

Bakit parang napakaapektado ko pag royalties ang pinaguusapan? Pakiramdam ko kasi, konektado kami. Lalo na kay Prince Tyrone.

Pumasok na ako sa aking kwarto at humiga na sa kama. Nagulat ako dahil sa biglaang pag-appear ng isang maliit na nilalang na may pakpak at nagbubuga ng golgen dusts. Her pink dress and she glows like a star. Nabigla ako sa pag-untie n'ya sa aking rubber shoes.

"Sino ka?!" Sigaw ko at lumayo. Agad akong tumakbo papunta sa CR at ni-lock ito. Habol ang hiningang napauopo ako sa sahig. Bigla akong pinatakbo ng adrenaline rush ko. 

'Jamaica, 'wag kang OA. Isa itong fairy. Damn. Pink must be sad'  Dinig ko ang malamig na tinig ng aking kaluluwa na nagsasalita sa naiinis na tono. Bigla akong nagtaka, fairy?

Wala sa sarili akong lumabas sa CR at lumapit sa fairy. "Pink di'ba?" Tanong ko sa fairy. Lumingon ito at tumango.

Hindi ko alam kung bakit biglang nakita ko ng malapitan ang paslit na fairy. Feel ko biglang tumalas ang aking mata. Napaka-ganda ng kaniyang balat. Sinputi ito ng nyebe, her skin glows with pink lights and splashing golden dusts. Rosas din ang kaniyang hanggang tuhod na buhok. Big and round eyes. Napakacute!

"Good evening, Master." Rinig ko ang maliit nitong tinig. Mula sa aking pwesto ay nakita ko ang bahagya nitong pagngiti. "Alam mo po ba master na ilang taon akong sunod ng sunod sa inyo mula noong isinilang ka pa hanggang sa mapadpad ka sa mundo ng mga tao at naibalik ka dito?"

I heard her giggled. I didn't reply. I was just sitting there hearing her jokes, stories, life experiences, and rants. Hindi ko ineexpect na ganito siya kadaldal at kabibo. Tae.

"Master, di ka pa po ba matutulog?" Tanong n'ya. Buti naman at naisip niya pa. Salamat mga bathala. "Matutulog na, Pink. May pasok bukas at first day ko as a student bukas! Excited na ako." Sagot ko at naglakad papunta sa kama.

"Master, alam mo ba na-----"

"Kilala mo si Kwin?" 

Tamad akong nagtanong at humiga. Narinig ko ang paglapit n'ya. "Sino ba si Kwin?Kaibigan mo ba Mas--"

"Kwinto mo sa pagong, tae. Matutulog na ako pink, bukas ka na dumada." Di ko na siya pinasalita pa at pinikit na ang aking mga mata. Mabilis akong nakatulog dahil na rin sa pagod.

--

"MAAAASSSSTTTTEERRERRRRR!!!" Napatalon ako sa gulat nang sumigaw si Pink ng pagkalakas-lakas.

Fudge. Ang eardrums ko. Sinamaan ko siya ng tingin, nakangiti lang siya habang pinapa-float ang tray na may pagkain at inilapag ito sa table malapit sa kama.

"Kumain ka na Master, diba nabanggit mo kahapon na first day mo ngayon?" Tumango ako.

"Oo nga pala, salamat sa pagkain Pink." Sagot ko at sumubo na.

"Master, Alam mo ba na napaka-magical ng Light? Lalo na kung may paparating na school activities? Pinaghahandaan 'yan lahat!" Pink said in an amaze tone.

"Atsaka magandang sumali sa mga missions! May free trip! Hahaha." She giggled.

Ang daldal talaga. Hahayst. "Master, maganda talaga kung mag research ka tungkol sa history dito. Para di ka naman maging ignorante."

Tumango ako, tama nga naman. "Master, dali na sa shower!" Sabi niya ulit at kinaladkad ako gamit ang magic niya.

I did my morning rituals, inilock ko na ang aking kwarto at naglakad na papunta sa Superior High.

Napakarami kong mga predictions--- first day of school feels.





Destined FateWhere stories live. Discover now