PROLOGUE
The summer before ...
Dalawang teen-ager na babae ang nagtatawanan habang tumatakbo sa maputi at pinong buhangin ng beach sa islang iyon. One girl was giggling as she clutched a bag, trying to hide it from the other girl's reach as she rolled on the sand. Sumama ang isa at sandaling nanaig ang hagikgikan nila laban sa ingay ng alon sa beach habang natatawang nanonood ang isang lalaki sa lilim ng mga puno ng niyog.
Biglang napasigaw ang babae.
" Napupuwing na ako! Wait, wait! " natatarantang sambit ni Chelsea, iyong may hawak ng clutch bag ni Ayienne.
Inagaw ni Ayienne ang bag mula sa kaibigan. " Got it! "
Sa kasamaang-palad, nahulog ang mga laman niyon sa buhangin. " Oh, no! "
Napatili ang kasama. " Baka mabasa! "
Sa sumusunod na sandali ay naghabol ang magkaibigan sa mga gamit at mga litrato bag iyon maitaboy ng hangin sa dagat. Mayamaya pa'y humihingal na pinakita nila sa isa't isa ang mga iyon.
" Is this him? " nanunudyong tanong ni Chelsea habang tinitigan ang isang litrato. Isa iyong poging teen-ager, at ang lalaking iyon ay bagong kilala ng kaibigan sa Internet.
Pero ni hindi ito pinansin ni Ayienne. Natatarantang naghanap siya sa mga hawak. " Sa'n ang portrait ko? Bakit wala rito? "
" Ha? " gulat na tanong nito. She knew that portrait was important. " Nawawala ba? "
" Oo. Kasama 'yon dito."
Ayienne was talking about a little portrait of her when she was a baby, done in oil pastel ina small canvas and framed in an orange wood frame. It was different kasi makulay iyon , with her skin bright pink and her hair a shocking violet, her lips a rosy hue and her eyes blue and mauve. Gawa iyon ng half sister niyang isang frustated artist noong eleven years old palang ito kaya sanlaksa ang sentimental value niyon sa kanya.
" Ito ba ang hinahanap n'yo? " tanong ng isang baritonong tinig sa kanilang likuran.
Napangiti siya nang makita ang Kuya Francis ni Chelsea na lumalapit sa kanila matapos damputin ang orange na bagay mula sa buhangin. Mula naman sa kintatayuan nito, lumapit na rin si Alec, iyong nangangantiyaw sa kanila.
Naku-curious din ito sa haawak ng binata.
" Hay! Akala ko nawala na, " relieved niyang sambit.
Nakatitig si Francis sa portrait kaya napasulyap siya kay Chelsea at sa Kuya Alec nito. The man was a famous painter.
" Is this you? " nangingiti nitong tanong.
" Obvious ba? " nangingiti rin niyanng sambit.
" Cute. Sino'ng nag-paint? "
Pinagmasdan niya ang mukha ng lalaki at napansing reluctant pa itong ibalik iyon sa kanya.

BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
FanfictionHindi paman nakikita ni Malenne nang personal ang famous artist na si Francis Du, marami na siyang nabuong opinyon tungkol dito. Pero hindi niya na isip na ito pala ay bata, mysterious at napakagwapo! She should have known better than to fall for s...