One year later...
" What do you think, Ate?White beach,healthy sun, clean air, blue water .... perfect,' no? "
Nakatingin si Malenne sa mga larawang inilatag ng kapatid sa ibabaw ng kama at lihim siyang napangiti.
Ipinagpatuloy niya ang paghahanda sa pagpasok sa office.
" I will have to ask for a leave, " paalala niya habang ikinakabit niya sa isang tainga ang kanyang hikaw. " And it might not be given. "
" Ate naman. I'm sure papayagan ka ni Tita Marian. She's complaining about you na nga, eh. "
Nagulat siiya. " Ano? " Pero noong bumaling siya kay Ayienne, nakangisi ito at pa kuya-kuyakoy pa ang mga paa sa gilid ng kama.
" She has been telling people that you've been working too hard. Baka daw maagawan mo na siya ng trabaho, " nanunudyo nitong sabi. " C'mon, humingi ka na ng leave. Siguradong papayag siya. "
Naiiling na bumaling siyang muli sa salamin. " Hindi ko alam, Ayienne. Ang daming trabaho sa office ngayon. "
" Hay, Ate, ano ka ba? " exaspereated na nitng sambit, sambay bangon sa kama at lumapit sa kanya. Tumayo ito sa kanyang likuran. " Para isang bakasyon lang kasama ang 'yong PRETTY SISTER sa isang paradise island, hindi mo pa mapagbigyan? "
Siya naman ang nanenermon habang nakatingin sa reflection ng kapatid sa salamin. " Bakit hindi mo muna bigyan ng panahon ang final exams mo? Two weeks pa bago mag summer-vacation. Baka sa kaiisip mo ng ibang bagay, pumalpak ka sa mga tests mo. "
" Hmmp!" humalukipkip ito. " Kelan po kaya nangyari nangyari na bumagsak ako sa exams? "
Napatawa siya. " Ang yabang nito. " Hinarap niya ito at pinamaywangan, " Alam kong matalino ka, pero kahit ang matalino ay pumapalpak din. So get your butt of my room and and go back to your notes. Saka na natin pag-usapan ang tungkol d'yan. "
" Basta! Pag-isipan mo nang mabuti and say yes next week. Para ganahan naman ako sa exams ko, Ate. Malay natin nar'on si Francis Du? " Kilala mo siya, diba? He's really famous, hindi pa siya namamatay pero pinag aaralan na namin siya sa school. I'm sure you've heard about him. Makikilala mo siya ng personal sa island! " Tumili pa ito.
(Yes Malenne heard about him. Pero kung alam lang ng kapatid niya na ang mga narinig niya ay hindi magbibigay sa kanya ng willingness na makilala anh isa sa pinakabata, pinaka-talented, at pinaka-difficult na local artist na napag-aralan niya.)
Fortunately, nang mga sandaling iyon ay parang bolang nag ba-bounce na palabas ng kanyang kwarto si Ayienne kaya hindi niya na sinabi rito. Nangingiti niyang ibinalik ang atensyon sa paglalagay ng make-up habang namamangha sa resilience nito.
Noong mamatay ang kanilang papa, halos isang linggong namroblema sila kung paano nila mapapakain si Ayienne. Kaya nga naospital pa ito noon...
Nawala ang ngiti sa mga labi sa reflection niya sa salamin. Kamamatay lang ng kanilang ama sa isang car accident seven months ago. Ginabi ito sa mga business transaction sa alabang at nagpilit na umuwi dahil may paparating na bagyo.
Nilunok ni Malenne ang bikig sa kanyang lalamunan. Mabuting ama si Leonardo Juanzon. Sa kabila sa maagang pagkamatay ng una nitong asawa, pinalaki siya nito ng pinupuno ng kaligayahan ang kanyang mga araw. She was ten when he met Simone Locsin and fell inlove with her and her gay personality. They got married, but the most special gift that marriage had given her was her little sister, si Ayienne, na tiny miniature ng mama nitong laging masaya.
Beteen the two of them, Ayienne had always been the one that was bubbly and expressive kaya hindi nakakapagtaki kung ito ang unang nakabawi sa trahedya. Pero alam niyang umiiyak pa rin ito sa gabi kapag naaalala nito ang father nila. Isinumbing iyon sa kanya ni Aling Florencia, ang kanilang loyal maid a.k.a. Flor daw para mas bata pakinggan ... hehe
Nagbuntong-hininga siya at hinagilap ang kanyang blazer para isuot. Sa pagdampot ng kaniyang bag, nahagip ng tingin niya ang mga larawang sinadyang ian ni Ayienne sa ibabaw ng bedspread.
They were blown-up pictures of what her sister had called a paradise, naisip niya habang pinag masdan ang puting buhangin at asul na dagat na kumikinang sa ilalim ng tama ng matingkad na sikat ng araw.
Pero walang appeal ang mga larawan sa kanya sa kabila ng nakikita niyang kagandahan.
Kung hindi lang pumanaw ang kanyang ama, kasama na sana nila ito sa bakasyong iyon noong nakaraang taon. Masaya na sana niyang tinitingnan ngayon ang mga litrato.
And then Tita Simone would laugh again. She meant, would really laugh again. Hindi iyong show na pinapakita nito sa lahat to make it seem like things were normal when it was not.
Nilabanan niya ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Their father would not want them to grieve for him. Napakaraming happy memories na dapat maaalala kaysa isipin ang pagka wala nito.
It was just she missed him so much.
Ilang sandali ang lumipas na hindi kumilos si Malenne. Pero matapos mapahiran ang kanyang luha, lumabas na siya ng kwarto para pumasok sa trabaho.
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
FanfictionHindi paman nakikita ni Malenne nang personal ang famous artist na si Francis Du, marami na siyang nabuong opinyon tungkol dito. Pero hindi niya na isip na ito pala ay bata, mysterious at napakagwapo! She should have known better than to fall for s...