THIRTY MINUTES

28 2 6
                                    

-------------------------THIRTY MINUTES silang naghintay para sa ibang mga bisita saka sila naglayag patungong isla.

Maliban sa barkada ni Ayienne, hindi na mga estudyante ang ibang bakasyunista pero pawang mga sikat o mayayaman. Isa o dalawa sa mga ito ay pamilyar ang mga mukha. Nakita na ni Malenne sa magazines ang mga ito, anak ng kilalang society parents na nagmula pa sa old rich families.

Kung tutuusin, hindi man lang talagang mayamang-mayaman ang kanilang pamilya, but their company could generate enough to have them living comfortably for years. Nagmula sa humble beginnings ang kanyang papa at si Tita Marian, maagang naulila tulad nila ni Ayienne, at nagsikap para umasenso.

In fact, inabutan niya iyong time na nag i-istruggle pa ang mga magulang niya. Bago maipanganak si Ayienne, nakakuha ng break ang kanyang ama sa isang malaking order ng construction materials. Doon ito nag-concentrate. Kasama ang kompanya ng magkapatid sa nakinabang sa infrastructure boom noong nagdaang tatlong dekada.

Na-a-appreciate niya minsan na higit pa sa pag-asenso lamang ang naging sukli sa pagsisikap ng kanyang ama. Nakapag-aral sila sa prestigious na mga paaralan at hindi naranasang mahirapan sa paghahanap ng trabaho.

Napa-buntong-hininga siya sa mga gunita ng kahapon. Ayaw na niyang makadama ng lungkot. Mabuti na lamang at lumapit sa kanya ang kapatid at ang mga kaibigan nito kaya nagkaroon siya ng mga makakausap.

------------------------------------------------------------------ ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

authors note....

medyo mataas-taas ung kasunod nito .. hehe!

kaya yan! eh adiik naman mag basa eh .. sige na .. basa pa ;)

salamat! rakenroll :P

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon