Napansin ni Alec ang preoccupation ni Malenne sa likuran nito at napalingon ito. Nang makita nito ang kapatid ay nagulat ito.
"Kuya Francis? Kanina ka pa d'yan?"
Ibinaba nito ang isa paang nakatukod sa dingding at umalis ito sa pagkakasandal doon. Tumingin iton sa kanila.
"Yes, kanina pa ako," sabi nito sa tinig na parang pakialam.
Nakadama siya ng pagkaasiwa habang naaalala na napag-usapan nila ito ni Alec kahit sandali lang. Sana hindi nito minasama ang narinig kanina. Anyone would'nt want to be talked about behind his back. Lalo na siyempre ang isang taong kilala sa pagiging sobrang protective sa privacy nito.
Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit siya naaasiwa. Sobrang brooding ng mga mata nito noong tumutok sa kanila, as if he was hoping they would disappear with the crowd on the beach.
"Ah, Kuya Francis, ito nga pala si Malenne,ang kapatid ni Ayienne."
Habang ipinapakilala sila ni Alec sa isa't-isa,pinipilit bumawi ni Malenne sa inisyal na epekto ng atittude ni Francis. Tita Simone was her lifesaver dahil noon ito biglang lumasbas sa room.
"Hello," hesitant nitong bati sa bagong mukha.
May ngiti a mga labi nito na gaya ng dati ay friendly at engaging. Her father used to call it her real estate agent smile. Marahan din ang paglapit nito na parang instinctively nitong naramdaman na pumasok ito sa isang teritoryo so she was threading it lightly.
She used the same tactic when she entered her life, amused na naisip ni Malenne, grateful bigla na kasama niya ito. Sa simula pa may ipinaramdam sa kanya ng stepmother na wala itong wish i-invade ang itinuturing niyang sariling mundo,and she was successful in getting her trust and respect.
Well, halata sa bahagyang umaaliwalas na mukha ni Francis na successful din ang tactic ng madrasta niya niya rito. Hindi man ito masasabing ngumiti, napapakita naman na nagbibigay ito ng galang sa nakakatandang ginang.
Mabilis ding ipinakilala ni Alec ang kanyang stepmother.
"This is Tita Simone, Malenne's stepmother ang Ayienne's mother," anito "Titan Simone, si Kuya Francis po, half brother ko."
"Oh, the artist!" delighted na sambit ng madrasta niya. Kaagad nitong iniabot ang kamay sa lalaking ipinakilala rito. "It's good to meet you! Pasesya ka na if you have to endure our noise,but it will only be for a while. We'll be gone before you know it."
"It's no bother, Ma'am. It's a real pleasure to meet you." Saka tumingin si Francis sa kanya. "And you."
Nunawaan niya noong magpakita ng graciousness ang binata kay Tita Simone. Ang hindi niya mabigyan ng paliwanag ay iyong reaksiyon niya. Nainis siya. Did it have to take someone like Tita Simone para mapansin nitong dapat silang itrato nang maayos?
"It's a pleasure to meet, you.Maraming salamat sa pagtanggap mo sa'min dito sa bahay mo ast sa isla. 'Wag kang mag-alala,pipilitin naming hindi makaistorbo sa'yo."
Hindi imahinasyon lang ang sumunod na katahimikan pagkatapos ng kanyang pormal na pagbati. Napansin niya, kumunot na naman ang noo nito. And she wanted to tell him, Yes, I know you don't want us here. I don't like your atittude, anyway, so why will I act like I like you?
Ang magkasabay na tawa ng kanyang stepmother at ni Alec ang pumutol sa nakakaasiwang katahimikang iyon.
"Ang ganda ng Island na'to, 'no? Kaya naman pala halos dalawang linggo kang niligawan ng kapatid mo na sumama rito, Malenne. We can now see why."
Sinakyan ni Alec ang ginawa ng kanyang stepmother at mayamaya ay nagkukuwentuhan na ang dalawa. Kahit nakatanaw siya sa dagat, nararamdaman niya ang tingin ni Francis sa kanya. At noong sinubukan niyang lumayo rito para tumayo malapit sa railing at ipagpatuloy ang pagtanaw sa dagat ay ikinagulat niya ang pagsunod nito.
"I heard you're an artist, too," mayamaya ay sabi nito
Napatingin siya rito. "Hah?"
"Sinabi sa'kin ni Ayienne when she was here the last time. She talked a lot about you," saad nito sa tinig na parang naging resinged na lang itong makinig noong ikinukuwento siya ng kapatid niya rito.
Naguluhan siyang napatingin muli sa beach. That was odd. Why had her sister given the impression that she has scarcely talked with the man?
"I... draw little, paint a little. But I can't ever aspire to be as good as you."
"You can't. You can only be better in your own style. I saw your work. It's different than mine."
Muli siyang napatingin dito,nagulat na naman."I never... I haven't showed anyone any of my works."
"Ayienne showed me a little portrait that you did of her when she was little, naka-frame siya atsinabi niya, dinadala niya everywhere. It was... unique, colorful, almost like sunshine. It's never like anything I ever did."
"Ah, that," nasambit niya habang hindi sinasadyang napapangiti. "Sobrang cute ni Ayienne n'on and it inspired me to paint her. Kaya siguro maganda ang kinalabasan n'on."
"Kung artist ka, how did you turn into an accountant?"
Malenne culd not stop the questions in her own head. Why was he asking questions? Why was he interested? Gayong kanina lang tintingnan siya nito ay parang gusto na siya nitong paalisin sa isla. "Hindi naman lahat ng artists ay nagiging successful gaya mo. I wanted to help my father, 'yon lang."
"An artist and an accountant. Extreme right and left brains. Hindi ka ba nahihirapan?"
Stop getting surprised, sermon niya sa sarili habang sinsagot ang bagong tanong nito. "Nahihirapan, admittedly. Hanggang sa third year ko sa college ay kinukuwestyon ko parin ang sarili ko kung bakit ako pumasok sa gulong 'yon. But I guess it became like a struggle of principle. I've always been afraid of failing."
"Failing yourself or your father?"
This time hindi na niya naiwasang bumaling sa binata. Tumingin siya rito ng mas matagal, nang hindi itinatago ang kanyang pagtataka. Who was invading whose territory now?
"Noong nag-i-istruggle pa lang ako sa craft ko, my afther didn't like it. Gusto niyang pumasok ako sa business. Pero nagpursige ako and now, at least, I can say na satisfied ako sa pinuntahan ng career ko," paliwanag nito nang hindi siya sumagot.
"What gave you the impression that my father disapproved of my art?"
Napatingin si Francis sa kanya pero hindi ito umimik. She felt somehow that he was only waiting for her to explain what she had said.
Nagbuntong-hininga siya dahil gaya ng dati, anumang isipin na involved ang kanyang ama ay nagdadala ng kirot sa puso niya. "He wanted me to be happy. Gusto niya akong pumunta sa Paris o saan man sa mundo kung saan ako mahahasa sa pagpipinta ko. But I didn't want to leave," nangingiti niyang amin. "I guess I was what you might call a certified papa's girl. Terrorized akong malayo sa kanya for even one minute. So pinili kong kumuha ng kursong maglalagay sa 'kin lagi sa tabi niya.
(Tumitig ito sa kanya, derecho sa kanyang mga mata at naaasiwa siya sa titig na 'yon. Noon niya naisip mag excuse pero bago niya iyon magawa, naistorbo sila ng tinig ng isang babaeng tumatawag sa pangalan nito.)
"Francis? Sweetheart?"
Napalingon si Malenne. Isang maganda at seksing babae in bikini ang lumalapit sa kanila at nagtatapon ng nagseselos na tingin sa kanya.Nang makalapit kay Francis ay kaagad itong pumulupot sa isang braso ng binata.
"Ano ka ba? Kanina pa kita hinahanap, 'yun pala narito ka lang."
Tumiim ang bagang ni Francis pero hindi ito nagsalita.
Mabilis siyang nagpaalam bago pa magkaproblema sa pagitan nito at sa babae.
"Pasensya ka na, napagod ako sa biyahe. Gusto ko nang magpahinga."
Tumango ito."Of course. It's nice talking to you Malenne. See you around."
"Yeah," asiwa niyang sagot. His girlfriend was throwing dagger looks ate her already.
At pumasok na siya sa loob ng kuwarto kahi nakita niyang nagkukuwentuhan pa ang madrasta niya at si Alec sa kabilang panig ng terrace.

BINABASA MO ANG
If We Fall In Love
Fiksi PenggemarHindi paman nakikita ni Malenne nang personal ang famous artist na si Francis Du, marami na siyang nabuong opinyon tungkol dito. Pero hindi niya na isip na ito pala ay bata, mysterious at napakagwapo! She should have known better than to fall for s...