TWO WEEKS LATER :P

35 2 0
                                    

TWO WEEKS LATER,the enivitable happened. Nasa higaan siMalenne at nagbabasa ng libro nang wala anu-ano ay binuksan ni Ayienne ang pinto ng kanyang silid nang hindi man ang kumakatok.

" Ano, Ate? Are we going? "

Ni hindi siya tumingin dito. " Alam kong nakausap mo na si Tita Marian at sinabi na niya sa'yo na nag-leave na ako kanina. "

" Yehey! " irit nito, dahil kung kaya natawa siya.

" Thank you, Ate! Thank you! Promise, mag e-enjoy talaga tayo! " Saka siya nito dinamba sa kama at pinugpog ng halik gaya ng ginagawa nito noong bata pa.

"Ano ba? Go to your room and change. Naka-uniform ka pa nga. Dinudumihan ng shoes mo ang carpet ko. "

" Okay,Ate, okay! " tuwang-tuwa parin nitong kalas sa kanya. Saka parang hindi ma-contain ang tuwa na umirit muli ito habang palabas ng kanyang kwarto.

Pumasok si Tita Simone sa silid ng stepdaughter. Nabulabog ito ng ingay sa kwarto nito.

" What the hell was that? " gulantang na tanong nito.

Napilitan siyang magpaliwanag. " Ayienne wanted me to go with her to this island resort and--- "

" You're going? That's great! Teka, di ako paiiwan dito. Sasama ako! Ayienne! " malakasl na tawag nito sa anak.

Napailing si Malenne sa kanyang sarili. Alam niyang magiging maingay at masaya ang bakasyon nila sa isla.

MAGANDA ANG SIKAT ng araw sa biyahe nila patungong Batangas habang sakay ng van. Matingkad ang lahat ng kulay sa paligid. Summer na nga at kinailangan ng magsuot ni Malenne ng sunglasses sa biyahe nila para hindi masaktn ang kanyang mga mata.

Susunduin sila ni Chelsea, ang kaibigan ni Ayienne, sa Batangas Port sa yate ng mga ito. Hindi lang sila ang magbabakasyon sa isla kundi ang iba pang mga kaibigan ng pamilya Du.

Nagbuntong hininga ang dalaga. Hindi niya maitanggi sa sarili na kahit papaano, excited din siyang makilala ang kapatid nitong artist. It was not because her artist friends had said he was devilishly handsome. It was the artist in her, iyon ang naiintrigang makikilala ang pinaka-unfriendly daw na alagad ng sining sa Pilipinas.

Pagkatapos makilala sina Chelsea at Alec, maaaring hindi talaga ganoon ka grabe ang attitude ni Francis Du. Siguro naka apekto na rin ang nature nga mga obra nito kaya nagkaroon ito ng ganoong klase ng reputasyon.

Wala siyang ibang description na maibibigay sa mga trabaho nitong nakita na niya noong High School pa siya kundi.... dark . The reactions that they get from the viewers were either maddeningly lonely or painfully miserable. Hindi na nagtataka ang ang art teacher nila noong highschool pa sila, noong dinayo nila ang exhibit ng mga local artists sa isang museo, sa kanilang mga reactions sa mga gawa nito.

" He'a quite young,"sabi nito noon." He's actually only in his early twenties. Pero napakalinaw na sa 'tin ng kanyang theme. Gothic, horrific sometimes. It's like he was trying to punish himself through his creations. He must be brokenhearte. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig, huh, Kids? "

Mahina pa silang nagtawanan noon dahil sa huling pabirong comment.

" But he's got his own mark, you see? Real talent here... remarkable. The direction that his works was taking was so much of his own identity as an artist... it was ... emotionally wrecking, don't you think?"

(Tiningnan nila ang daluyong ng canvas, at ang mga busts, pagkatapos ay halos sabay-sabay silang magkakaklase na nangaligkig. Sandaling naistorbo ang ikatahimikan sa museo ng kanilang impit na namang mga hagikhikan...)

Sa likuran ni Malenne, may kausap sa phone ang madrasta niya Sa kabila ng pagiging gay, she was a serious reak estate agent. Kahit nakapangasawa ito ng isang may-kayang negosyante ay nananatili parin ito sa dating trabaho.

Sa tabi niya, nakatulong na si Ayienne at naka sandal ito sa kanya, nakahilig ang ulo sa balikat niya . Habang naiisip ang excitement nito sa napipinting bakasyon , hindi maiwasang hindi ma-guilty ni Malenne sa pinakita niyang reluctance sa simula. Nagbuntong hininga siya habang hinahaplos ang buhok ng kapatid niya.

" I'll try harder to enjoy myself, " mahina niyang bulong dito, iyong hindi siya aririnig ng stepmother niyang nakaupo sa kanyang likuran. "Promise."

Para namang narinig ang isjnabi niya, umungol ito at sumiksik pa sa kanya. Pero nagpatuloy ito sa mahimbing na pagtulog.

If We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon