Hiling

1 0 0
                                    


[July 18, 2011]

Hindi ko alam ang aking nadarama
Sa tuwing ikaw ay kasama sa tuwina;
Dibdib ko'y kinakabahan, sinta
Kapag ika'y nakatingin sa aking mga mata.

At sa bawat pagtibok ng aking puso,
Pangalan mo ang sinisigaw nito;
Hindi kailanman ako makakatagpo
Ng isang taong katulad mong totoo.

Ikaw ang tangi kong mahal;
Asahan lagi ang aking katapatan;
Hiling ko lang sa'yo, mahal
'Wag abusuhin ang pag-ibig ko kailanman.

ConnectedWhere stories live. Discover now