Awit Ng Pag-ibig

7 0 0
                                    

[July 29, 2011]

Lalaki:
Ang isang binatang katulad ko
Ay inspirado sa pag-aaral
Kapag may dalagang minamahal;
Ang pumorma at manligaw ay normal lang.

Babae:
Ang mga kabataan ngayon,
Sakit ang siyang nararamdaman;
Pagkatapos iwanan ng minamahal,
Pagpapatiwakal ang naiisip na solusyon.

Lalaki:
Ang pag-ibig na tapat
At may basbas ng magulang,
Sa pagharap man sa dambana
Ay walang puwang ang pangamba.

Babae:
Ngunit 'di ganyan ang resulta;
Mga lalaking walang kwenta,
Gustong magpaiyak ng babae;
'Di alintana kung ito'y nasasaktan.

Lalaki:
Hindi kita sasaktan;
Ika'y aking mamahalin;
'Di lahat ng lalaki'y nananakit;
Ang nararamdaman ko'y tunay na pag-ibig.

Babae:
Ikaw ay manloloko;
Mga lalaking nagkalat sa mundo
Ay walang pagkakaiba;
Dulot sa babae ay sugat sa puso.

Lalaki:
Wala 'yang katotohanan;
Dala namin ay kasiyahan;
Pangako namin ay katapatan
Sa isang babaeng aming minamahal.

Babae:
Kapag pag-ibig ang inuna,
Imbes na pag-aaral,
Sa halip na makatapos,
Maagang pag-aasawa ang resulta.

Hindi makahanap ng trabaho
Kaya naghihirap at gutom;
Ang mga anak ay nagkakasakit,
'Di naman makabili ng gamot.

•••••
Hi, guys. So here's another balitaw I wrote. I must admit, this wasn't finished. I wasn't able to finish this one within the time given by my Filipino teacher before and this was written on the spot. And I don't intend to finish this anyway. I will leave this one as it is. Thank you for your understanding, my dear readers of today and the future. 😊

ConnectedWhere stories live. Discover now