Chapter 2

1.3K 26 0
                                    

Kyler POV

Psh! Naiinis ako sa kapatid kong si Bryle. Pano ba naman kasi nag add ng hindi ko kakilala. Tss. Eto namang babaeng 'to chinat lang ng kapatid ko gamit fb ko reply naman agad. Psh. Alam ko naman na sa huli paiiyakin lang niyan yung kapatid ko kahit na babae siya.

Sabi naman ni Bryle crush lang naman at hindi naman mahal. Ang sabi pa niya bagay kami. Wtf right? Psh!

Ang nakakainis pa eh, kaklase ko sa lahat ng subject! Parehas pala kami ng school! Psh! Badtrip. Dagdag mo pa yung mga babae na dikit ng dikit sakin.

Nung matapos ang klase namin kanina ay umuwi agad ako sa bahay namin.

"Oh Kyler, kumain ka na ba?" tanong ni Mom.

Tumango lang ako dumeretso sa kwarto ko. Linapag ko doon sa sofa ko ang bag at mga libro ko. Agad naman akong nagpalit ng pambahay.

Bumaba na ako upang kausapin si Bryle ang kapatid ko. Psh.

Naabutan ko siya sa sala na nanonood na habang naka pandekwatro pa.

"Bryle! Alam mo bang naging kaklase ko pa yung inadd mo sa Facebook ha?! tsk!" sigaw ko. Nagulat naman siya pero nung maka recover ay agad na ngumiti.

Taka naman akong napatingin sa kanya. Psh!

"Mabuti naman yun kuya kung ganun!" Ngi-ngiti ngiti pang sabi niya.

"Ano ka ba Bryle?! Ang arte arte nung babae na yon tapos ngi-ngiti ngiti ka jan?!" Galit pa na sigaw ko sa kanya.

"Sus kuya! Wala sa arte yan!" Ta-tawa tawa pa niyang sabi.

"Alam mo para kang bading!" sigaw ko. Natigilan naman siya. Kaya natawa ako! HAHAHAHA

"Hoy Kuya! Porke nirereto ka eh bading na?! Ha?!" Asar na sigaw niya.

"Ikaw ang may gusto dun ako irereto mo!" Sigaw ko.

Sakto namang pag pasok ni Mom sa sala.

"Ano ba naman yan kayo, da-dalawa na lang kayo nag aaway pa kayo. Dinig na dinig ko kayo sa kusina!" Sermon niya samin.

"Siya kasi eh" Turo ko pa kay Bryle.

"Oh anong ako? Inaano kita kuya?" Natatawa pang sabi niya na halatang pinipigilan naman.

"Ano bang meron at nag kakaganyan kayo?" Tanong ni Mom.

Napanguso naman si Bryle at tumingin sa gilid niya na parang natatawa pa. Psh! kahit kelan isip bata!

"Pano ba naman kasi mom etong si Bryle, ginamit tong facebook ko nung nakaraan. Tapos nag add pa ng babae na maarte. Tsk! Ang malala pa niyan ay kaklase ko." Inis na sabi ko.

Napa kunot noo naman si Mom na tumingin pa sakin.

"What? Ayun lang? Ano ba naman kayo! Ano bang masama don Kyler ha?" Tanong ni Mom.

"W-wala! Naiirita lang ako sa babaeng yun!"

"Naiirita o Ayaw lang talaga sa mga babae?" Pang aasar ni Bryle.

"Sapak you want?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi nalang siya at nanood nalang sa T.V

"Tsk. Tigilan mo na nga Kyler. Matulog kayong maaga. Para kayong ewan nag tatalo kayo ng dahil lang jan!" I-iling iling na sigaw ni mom.

"Psh!" Sabi ko pa.

Tawa naman ng tawa si Bryle pero pinabayaan ko na siya, at umakyat na papunta sa kwarto ko.

--

Wooh! Pasukan na naman. Makikita ko nanaman yung mga babaeng maarte doon sa school.

Bumangon na ko at naligo pagkatapos mag ayos ay bumaba din.

Ms. Maarte meets Mr. Masungit✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon