Chapter 7

1.5K 71 27
                                    

Quincy POV

Dahil walang pasok ngayon, pumunta ako kela Mommy. At isa pa nag promise ako sakanya na pupuntahan ko siya.

"Kumain ka muna," sabi ni Mommy habang nilalapag ang mga pagkain sa lamesa. Nasa sala kami ngayon nakaupo ako habang nanonood ng T.V na katapat ko lang, may maliit din na lamesa sa harap ko, doon inilagay ni Mommy ang mga pagkain.

"Hindi na po, Mom. Kumain na po ako kanina sa condo bago ako pumunta dito." Sabi ko sakanya, tumango lang siya at naupo sa tabi ko.

"Asan po si Daddy?" Tanong ko ng napansin na wala si Dad.

"Nasa office niya, busy siguro." Sagot ni Mom ng hindi nakatingin sakin.

"Ah okay, so bakit mo nga po pala ako pinapunta dito?" Tanong ko. Well, hindi naman sa ayaw ko pumunta dito. Nagtataka lang talaga ako.

"I will tell you later, tara doon tayo sa garden." Anyaya niya sakin. Tumayo siya kaya ganun din ang ginawa ko.

Naglakad kami papunta sa likod ng bahay which is our garden. Nang makapunta kami ay nanlaki ang mga mata ko. Ang dami ng bulaklak! Kada corner ng garden may mga bulaklak na nagkukumpulan. Tapos sa gitna ng garden ay ang bench. Noong kasi na nandito pa ako, wala pang masyadong bulaklak, bench palang yon, nagtataka nga ako noon kung bakit nasa gitna yung bench, ang sabi sakin ni Mommy, para daw makita yung mga halaman. Mom love flowers. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mas madaming bulaklak dito kaysa sa mga dahon.

Nakita kong may mga maid na nagdidilig. Nang makita nila kami ni Mommy ay binati nila kami.

Naupo kami ni Mom sa bench.

Nakatingin lang si Mom sa malayo habang ako nakatingin sakanya.

"Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo 'to." Bumuntong hininga pa si Mom pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Humarap siya saakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

Tumango lang ako sakanya na ibig sabihin ay Ipagpatuloy mo lang.

Isang buntong hininga pa bago siya mag salita.

"Ganito kasi yun anak... Nakita ko ang phone ng Dad mo na may katext na ibang babae. Which is, kabit niya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mom sakin. Omaygash, Hindi maari!

"P-pero! No! Hindi yan totoo, Mom. Maybe it's just his friend." Depensa ko kay Dad. Hindi pwedeng magkaron ng ibang babae ang Daddy ko!

"But Quincy, nabasa ko ang text nila." Pumikit muna ako at dinilat ng magsalita.

"Pano mo po nalaman?" Tanong ko.

"Hay. I borrowed his phone, when you last visited here. I will just text to my employee but then that girl caught my attention, so I clicked their convo, and I was shock! They are saying "I love you" to each other." Napatakip ako ng bibig sa mga narinig ko kay Mom. Oh no! No!

Umiling iling ako.

"No mom! Hindi po magagawa ni Dad yon!" Depensa ko na napatayo pa.

"Quincy..." Saad ni Mom habang hinawakan ako sa kamay at pinaupo.

"Sana tulungan mong maayos 'to, Anak..." Pakiusap ni Mom na ngumiti pa, pero nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya.

Ayokong makita si Mom ng malungkot.

Agad akong lumapit kay Mommy at niyakap siya ng mahigpit.

She hug me back. Then I heard her sobs.

Biglang nangilid ang mga luha ko pero pinigilan ko bago pa tumulo ang mga 'to.

Kumalas ako sa yakap at hinarap si Mom sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Maarte meets Mr. Masungit✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon