Chapter 3

1.1K 44 1
                                    

Quincy POV

Pagkarating ko sa school, syempre maingay nanaman. Hindi naman nawala yan sa eskwelahan. May napapatingin din sa akin na kalalakihan. Meron naman na bumabati sakin. May nag papapicture din. Duh! Artista ba ako? Haha joke. Its okay, wala naman sa akin yon.

Nang nag lalakad na ako papuntang room nakasalubong ko si Kyler. Oo! Si Kyler! Papunta din ata siya sa room.

"Sabay na tayo." Anya na ngumiti pa at tumabi sakin. Nakisabay na din mag-lakad. Wow, ngumiti. First time! Dapat na ba akong mag pa-handa?

Hinayaan ko nalang siya at nag patuloy sa paglakad.

"Ang aga mo pumasok ah?" Biglang tanong niya. Napalingon naman ako sa kanya. I was shock when I saw him chuckle. Ngayon ko lang kasi siya nakitang tumawa kahit na mahina lang iyon.

Sumagot ako na, "Ah, Yes. Maaga kasi akong natulog kagabi, kaya maaga din nagising." Sagot ko sa kanya. Tumango siya.

"Ba't nga pala ang sungit mo?" I asked. Habang patuloy padin sa paglakad papuntang room.

Nagkibit balikat lang siya at huminto. Ayun pala nasa tapat na kami ng room! Naabutan pa tuloy kami ng mga kaklase namin na nakatingin ako sa kanya! Omayghad! Baka isipin nila may gusto ako kay Kyler. Duh!

"AYIEEEEEE!!!" Sigaw ng mga kaklase ko! Omayghad sinasabi ko na nga ba eh!

Umiling lang si Kyler at dumeretso sa room. Ako tinitignan sila ng masama habang nasa pinto padin. Pagtapos ay pumasok na at naupo sa tabi nina Giselle at Maris.

Syempre, sila ba naman papahuli? Ay nako asa ka na hindi.

"Hoy! Anong meron sa'yo and Kyler ha?" Tanong ni Maris na may pang aasar.

"Wala. Nakisabay lang siya." Sagot ko.

Bigla namang sumabat si Giselle. "Nako nako! Baka, MAY GUSTO KA NA JAN?"

"Tsh, tigilan mo nga ko."

"Suuuus, baka sa susunod malaman ko inlove ka na jan." Pang aasar pa ni Maris. Tsh.

Napairap nalang ako. Kasabay naman non ang pagpasok ng guro, kaya hindi na sila naka asar pa.

Syempre ako nanaman tong babaitang hindi maintindihan ang turo ng guro namin dahil nadidistract ako dito kay Kyler sa harapan ko! Paano kasi parang hinihigop yung paningin ko papunta sa kanya! Grrr....

"Miss Fuentabella, are you listening?" Nagulat ako sa biglaang tanong ng guro namin ngayon. Napaayos naman ako ng upo at sumagot.

"Uhm, opo." Tumango naman siya at nag patuloy sa pagtuturo.

This time pinilit ko nang makinig. Urgg. Bakit pa kasi dito siya naka pwesto sa harapan ko diba? Sinong hindi madidistract. Tsh.

Oo nakinig na ako. Maniwala kayo.

Nang break na ay bumaba agad kami at tumungo sa Canteen. Si Giselle na ang umorder ng pagkain para samin. Pinauna na nya kami sa table. Baka daw kasi maagaw.

"Hey girl, akala mo hindi ko nakita?" Biglang salita ni Maris. Tsh.

Napairap ako at sinagot siya, "Ang alin naman?"

"Aba! Ang pagtitig mo kay Kyler,"

Nakita niya pala yon? Hindi ko din alam kung bakit ako napapatitig dun eh.

"Ha! Ka echosan mo Maris, Hindi ako tumititig dun!" Pag tanggi ko.

Nanliit naman ang mata niya. "Sinong niloko mo? Eh nahuli ka nga ni Mam na hindi nakikinig!"

Ms. Maarte meets Mr. Masungit✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon