Chapter 5

1.2K 35 3
                                    

Quincy POV

Maaga ako nagising ngayon. Nang bumangon ako ay naramdaman ko ang sakit ng sugat ko sa aking tuhod. Umupo muna ako saglit sa kama para mawala yung sakit.

My phone is ringing.

"Hello?" Sagot ko dito. Si Maris ang tumatawag.

"Wooh! Buti naman gising ka na! What happened to you last night?!" Pasigaw na tanong niya. Teka! Pano niya nalaman?

"P-pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Chinat ako ni Kyler kagabi! Buti nalang at online ako! Ano papasok ka ba? Wag na!" Jusko, ginawa naman ako nitong lumpo. Kaya ko naman ang sarili ko. Mahapdi lang naman ang mga sugat.

"Okay lang ako, Maris. Saka please don't tell this to Mom and Dad. Papasok ako." Saad ko saka tumayo na, Pumunta ako sa dresser ko at naupo sa upuan nito. Nag suklay ako habang nakatingin sa salamin.

"Agh! Okay okay. Pero alam na ni Giselle 'to ah. Nasabi ko na sa kanya kagabi. Mag iingat ka nga! Punta ako jan! Sasabayan kita pumasok"
Hala siya? Maaga naman ngayon eh. Pero I appreciate it, ganito pala mag alala si Maris. For sure si Giselle naman mamaya, pag nasa school na ako.

"Ok. Mag aayos muna ako" I ended the call, binaba ko ang cellphone ko sa study table sa gilid ng kama ko.

Tinapos ko ang pag susuklay at kinuha na ang mga gamit pang ligo.

When I'm done, pinatuyo ko muna ang buhok ko at kinuha ang mga gamit, at saka bumaba na. Habang pababa ako ay tumunog ang doorbell.

Agad akong nagmadali bumaba. Binuksan ko ang pinto at naabutan si Maris na kasama pala si Giselle na nakauniform din.

Agad silang tumakbo sakin at yumakap. Gosh!

"Waaah! Pinag alala mo kami, kagabi." Sabi ni Maris.

"Kaya ngaa! Alam mo ba na hindi ako nakatulog kagabi!" Sabat naman ni Giselle.

Natawa na lang ako sa mga reaksyon nila.

"Hayy! Don't worry, I'm fine na." Sabi ko na nakangiti, umikot pa ako na kunwari naka gown. Haha.

"Tara tumuloy muna kayo, kukuha lang ako ng pagkain sa ref." Sabi ko. Tumuloy naman sila at naupo sa sofa, pero agad din silang tumayo ng makitang kukuha ako ng pagkain sa refrigerator.

"Ako na jan, Lex" tinabig pa ako ni Maris.

"Oo nga maupo ka na dun" Tinulak tulak pa ako ni Giselle, habang tumatawa.

"Ano ba kayo! Hahaha, sabi ko sainyo na okay nga lang ako, ako na jan." Saad ko.

Agad naman humarap si Maris sakin, tumitingin kasi siya kanina sa loob ng ref.

"Oh oh oh! No! Hindi pwede! Maupo ka don" utos niya. Tinuro niya pa yung sofa. Nilingon ko naman iyon at binalik sa kanila ulit ang paningin ko.

Tumango nalang ako at umupo nalang sa sofa. Jusko, hindi naman ako na stroke or what.

Nakita kong nag ha-handa na si Maris para magluto, while si Giselle naman ay iniha-handa ang mga pinggan sa lamesa. Pagtapos ay lumapit siya sakin.

"How are you?" Tanong ni Giselle na naupo sa tabi ko.

"I said I'm fine" sagot ko, habang pinapanood si Maris mag luto.

"Ano bang nangyari sa'yo kagabi?" Tanong pa niya.

"Hmm, napag tripan lang" tamad na sagot ko.

"Anong lang? Lang yun sayo? Tignan mo nga! May pasa ka pa sa magkabilang braso mo!" Sigaw pa niya.

Ms. Maarte meets Mr. Masungit✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon