Chapter 7

505 20 0
                                    

Akala ko matututo ako sa leksyong iyon. Akala ko mapapabuti ako dahil don ngunit mali pala ako dahil hanggang akala lang pala lahat. Naging kabaliktaran ang naging takbo ng buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula simula ng iwan ako ni Jade. Para akong anghel na di marunong lumipad. At ngayong sinusubukan ko ng magsimula bakit parang pinaglalaruan ako ng kapalaran. Hindi ka madaling kalimutan Jade. Siguro kaya di ako makamove on dahil umaasa pa rin ako. Isang sagot lang Jade. Isang sagot lang ang hinihintay ko sayo.

"Althea.." pukaw ni Kathleen sa akin.

"Oh. Sorry. What?"

"Jade's back." Sa pagkarinig ko dun ay bigla akong kinabahan at para akong pinagpapawisan. Ambilis ng tibok ng puso ko at para akong nabibingi dahil dito.

"Excuse me Kath." Sabi ko at tumayo na at dumeretso sa banyo. Mabilis kong isinara ang pinto at humarap sa salamin.

"Kalma Althea. Hinga ng malalim!" Pagpapakalma ko sa akig sarili. Nakailang minuto ako sa banyo ng mapagdesisyunan ko ng lumabas.

"What took you so long?" Bungad ni Kathleen sakin.

"Nothing. Can we go home? Hindi kasi maganda pakiramdam ko ngayon." I alibied.

"Okay I understand. Tara."

--

"Tsong!" Sabi ni Batchi at tinapik ako sa balikat.

"Ano?"

"Iniimbitahan kasi tayo ni Paul." Sabi ni Batchi

"Bakit daw?"

"Nakauwi na daw kasi si Jade kahapon." -Batchi

"Nabalitaan ko nga tapos?"

"Kunting reunion lang daw ng barkada. Minsan lang daw kasi maging kompleto tayo ee." -Batchi

"Okay."

"Okay lang sayo?"

"Oo."

"Kahit nandun si Jade?"

"Panahon na Batchi."

"That's the spirit!"

"Kelan daw?"

"Mamayang gabi."

"Sa?"

"Condo ni Paul."

--

From: Batchi

Tsong! Asan ka na? Pupupnta ka ba talaga? Ikaw lang hinihintay dito aa."

To: Batchi

Nandito na. Nagpaparking lang.

From: Batchi

Okay. Bilisan mo ha. Btw tsong, ang ganda parin ng chikabebs mo. ;D

Kahit kailan talaga tong Batchi na ito. Bumaba ako sa kotse matapos kong magpark at dumeretso na sa lobby. "Kaya mo to Althea."

Pinindot ko ang button kung saan ang floor ni Paul pagkapasok sa sa elevator.

Nenenerbyos ako pero kailangan ko tong harapin. Kung hindi ngayon baka mawalan na ako ng lakas ng loob. Ito na ang tamang panahon para marinig ang sagot sa aking matagal na tanong. Here I come Love.

Nang marating k ona ang pinto ng condo unit ni Paul ay kinatok ko na ito. Di rin angtagal at bumukas ito at bumungad sakin ang isang kaibigan.

"Hi Althea!" Bati ni Paul.

"Paul!" Bati ko.

"Tagak m oring nagtago ha. Buti at napagdesesyunan mong lumabas sa lungga mo ha." Asar nito. "Pasok ka."

Falling into JadeWhere stories live. Discover now