Chapter 11

468 27 0
                                    

"Hello Batch napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Tsong.. ano kasi... pwede ka ba ?" Sabi nito na napakalungkot na boses.

"Ano ka ba tsong. Oo naman. Bakit? Ano atin?" Tanong ko. Nararamdaman kong may mali ee.

"Wala. Punta ka naman dito sa condo ko o?"

"Why? Is there something wrong?"

"Basta."

"Okay I'll meet you there with Jade is that okay?"

"Oo naman tsong. Basta hintayin ko kayo ha?".

"Okay bye." Sabi ko sabay baba ng telepono at tumayo na sa pagkakahiga.

"Hey! San ka pupunta?" Sabi ni Jade.

"Sorry to wake you up love but I need to go to Batchi's place and you are coming with me." Sabi ko.

"Why? May problema ba?"

"Masasagot lang natin yan pag nandun na tayo so tara na."

--

Nakadalawang katok pa lang ako ng buksan ni Batchi ang pinto. Bumunga saamin ang magang mata ng kaibigan ko.

"Tsong.." sabi nito na naluluha nanaman.

"Ano problema?" Alalang tanong ko.

"Guys. Pwedeng pumasok muna tayo?" Suggestion ni Jade. At nagsipasok na kami sa loob.

"So ano ba talaga ang problema?" Simula ko dahil di na ako mapakali. Naglakad siya papunta sa kusina at binuksan ang kanyang ref sabay kuha ng bote ng alak at binuksan ito tsaka naglakad pabalik samin at binigyan kami ng maiinom.

"It's Abby..." sabi niya sabay lagok ng alak. "..she..left me..." that moment na narinig ko ang sinabi niya parang ako ang nasaktan. Nasasaktan ako sa kaibigan ko.

"What?!" Pasigaw kong tanong. "Ano ba kasing nangyari? Nag-away ba kayo?" Dagdag ko.

"No." Maikli nitong sagot.

"Then why the hell she left you?"

"She said she needed a space. I told her na hindi naman na kailangan pero desidido na talaga siyang iwan ako tsong.. hindi lang space ang hinihingi niya.. she broke up with me." Sabi niya at muli nanamang umiyak.

"May rason ba kung bakit nakipaghiwalay?" Tanong ko muli. I know na nasasaktan ko siya sa bawat tanong na sinasabi ko pero I just need to know her point kung bakit niya iniwan ang bestfriend ko. Wala naman akong nakikitang pagkakamali o pagkukulang ni Batchi sakaniya. Batchi gave her best maparamdam lang dun sa taong yun na special siya.

"Hindi na daw niya alam kung mahal parin niya ako o baka naaawa lang siya sakin. Matagal na niyang gustong makipaghiwalay pero nakukunsensya siya. Naisip niya na pag mas pinatagal pa niya ang pagpapanggap baka mas masaktan lang daw ako. I deserve the truth. Yun yung sabi niya. Tang*na naman sa truth truth nayan. Iniwan tuloy ako! I will forget about her daw." Sabi nito sabay bato ng bote ng alak. Parang batang nagdadabog at nagsusumbong sa magulang.

"Kumalma ka. Tahan na. Everything will be okay maybe not now but maybe tomorrow right? Remember that tomorrow is another day." Jade cheered sabay hagod sa likuran nito.

"Sana nga.." napayakap nalang ako sa bestfriend ko. Di ko lubos akalain na lalabas yun sa bunganga ni Abby. Mapaglaro talaga ang pag-ibig. Expect the unexpectable.

"Pasensya ka na tsong kung wala akong magawa ha.. wala akong masabi o mai-aadvise man lang sayo kasi hindi ko rin alam kung paano mo makakalimutan si Abby.. Di ko naman masabi na okay lang ang lahat dahil alam kong hindi.. alam kong masakit dahil napagdaanan ko na rin yan pero nandito lang ako tsong. Di kita iiwan tulad ng hindi mo pagsuko sakin nung panahong wasak na wasak ako." Sabi ko na naluluha narin.

"Pano ko ba makakalimutan ang taong naging mundo ko? Ang dahilan kung bat ako naging buo? Paano na ako magiging masaya kung wala na ang taong nagpapasaya sakin. Kung wala na yung taong nagpaparamdam sakin ng pagmamahal."

"Minsan kasi tsong...yung taong nagpapasaya satin siya rin yung dahilan ng pagkawasak natin." I said bitterly not minding Jade's presence. "Masakit man pero kailangan tanggapin. Alam mo kung ano ang natutunan ko? Sa love wala tayong assurance kung kelan ito matatapos basta magmahal ka lang ng magmahal pero kailangan matuto kang tumanggap ng pagkatalo dahil walang taong nagmamahal na hindi nasasaktan. One sided love man ito o hindi. Pasalamat ka nalang dahil kahit papaano naging masaya ka sa piling ng mahal mo." I sincerely said.

"Akala ko ba tsong wala kang baong advise?" Taas kilay nitong tanong.

"Nakakapagjoke ka pa talaga sa lagay na to ha." Sabat ko. "Pero seryoso. Masakit sa umpisa pero masasanay ka rin." Dagdag ko.

"Bakit kaya ganun tsong.. kung sino pa yung taong sobra kung magmahal sila yung iniiwan."

"Everything in this world is complicated." I said. "Atleast alam mo sa sarili mo na nagawa mo na ang parte mo.. na wala kang pagkukulang o kung ano man. Give and take diba? You gave her everything but she took advantage of it." I added and smiled at her and nodded. Ngiti na nagsasabing nandito lang ako palagi at tango na nagsasabing magiging maayos lang din ang lahat. Soon.

"Tama ka. She took me for granted. Kunsensya niya na lang yun..." napatigil at nagpalingalinga "asan si Jade?" Tanong niya.

Tumingin ako sa paligid at diko mahagilap ni anino nito. "Wait. I'll just find her." Sabi ko at tatayo na sana ako ng pinigilan ako ng kasama ko.

"I think nandun siya sa balkunahe. Nakabukas ee." Sabi nito sabay kamot ng batok at ngumiti na parang tanga.

"Anong nginingitingiti mo jan?" Tanong ko.

"Bakit kasi yung balkunahe ko yung gustong gusto niyong takbuhan?" Sabi nito. Naku! Naparami siguro ang inum nitong kumag nato. "Sige na. Habulin muna yung mahal mo. Baka tumalon e." Dagdag pa niyang biro.

"G*go! Sige na." Sabi ko at umalis na para pumanta sa dereksyon ng balkunahe. Tama nga si Batch, she's here. Nakatalikod siya kaya di niya naramdaman ang presensya ko. Pero bakit parang umiiyak siya base sa nakikita ko. Dahan dahan akong lumapit sakaniya at niyakap siya sa likod. "Love, what's wrong?" I worriedly asked.

"Nothing Love. Nagpapahangin lang." She said and wiped her tears

"E bat ka umiiyak? Nakikiramay ka ba sa namatay na puso ng kaibigan natin?"

"Korny mo." Sabi nito at hinawakan ang mga kamay kong nakayakap sakanya at sumandal sakin.

"So bakit ka nga umiiyak?" Balik ko.

"I really hurt you did I?" Tanong niya.

"Bat mo naman nasabi?"

"Kita ko ang hinanakit sa bawat salitang binibitawan mo nung kausap mo si Batchi." She said and I can feel the pain when she said those words. She's hurt because I was hurt.

"Love. Natural lang yung masaktan because I love you. Mas masakit kaya kung malaman mong hindi nasaktan yung mahal mo sa pag-alis mo diba?" Biro ko na may halong katotohanan. "Pagmamahal ba tawag dun?" Dagdag ko at napatawa ng mahina.

"Love I'm serious." She said.

"So am I." I said. "Wala na yung sakit dahil nandito ka na. Masayang masaya na ako at wala na akong mahihiling pa okay? Mahal na mahal kita at mas minahal kita ngayon." Sabi ko at hinalikan ang pisngi nito sabay yakap ng mahigpit sakaniya. "I love you.. I love you.. I love you." Masuyo kong sabi At dahandahan ko siyang pinaikot upang makaharap sakin. "And I will never stop loving you even if it hurts dahil ikaw ang kaligayan ko." Sabay hawak ko sa magkabilang pisngi nito.

"Ang dami mong baon ngayon." Sabi ni Jade at pinisil ang pisngi ko. "I promise to make it up to you." She said and kissed me with full of love.

"Ehem!" Batchi interrupted. Napatigil naman kami ni Jade at napalingon dito.

"Guys! Tinawag ko kayo para damayan ako hindi para isampal sa mukha ko ang pagmamahalan ninyo." Sabi nito sabay inom ng alak.

"Sorry tsong. Nacarried away lang." Sabi ko at napatawa nalang kami. We ended up sleeping at Batchi's place.

Falling into JadeWhere stories live. Discover now