"May Magic ba talaga?
Naniniwala ka ba sa Gayuma?
Alam kong maraming sasagot ng "HINDI".
Naranasan mo na bang magmahal ng taong NAPAKA as in NAPAKASLOW pagdating sa pagrereciprocate ng mga moves mo?
Yung tipong kailangan mong isubo sa kanya lahat ng mga bagay bagay para maintindihan nya?
Pero may isang bagay akong pinaniniwalaan ko,
FATE.."
It's 8am. Oras na namang bumangon, kumain at pumasok.
Tsk, nakakainis! Ganito na lang ba ang buhay ko araw-araw?
Sa sobrang pagkaburyo ko, nakalimutan ko na ring magpakilala.
Ako si Renzo Dreamsky. 16 years old. 3rd year. Normal lang naman ako tulad ng iba. Pero, hindi ko alam kung bakit nilalayuan ako ng mga tao.
oo nga pala. Hindi pa ko nagkakagirlfriend sa buong buhay ko.
Panu ako magkakagirlfriend kung nilalayuan ako? Naiinggit ako sa mga couples na nakikita ko na masaya, sweet, nagtatawanan, etc... Minsan, naisip ko, paulit-ulit lang naman tong nangyayari so what's new?
Naglalakad ako papunta sa school nang makasalubong ko si Riza Cresent.
"Hey, Renzo! Sabay na tayo pumasok." sabi ni Riza.
"Lagi naman tayong magkasabay pumasok eh." sabi ko.
si Riza ay bestfriend ko na magmula pagkabata. Mas matangkad ako ng konti sa kanya. Pula at maikli ang buhok nya. At aaminin kong cute siya. Tanging siya lang ang nakakaintindi sa akin. Mabuti pa nga yun kesa walang kaibigan. May mga panahong naisip ko na ligawan siya pero naisip ko na baka lumayo lang siya. So, kuntento na ko sa Friend Zone. Siya na nga lang ang tunay na kaibigan ko eh. Kailangan ko siyang itreasure.
"oh? Ba't parang emo ka na naman jan? Nabasted ka na naman ba? Hahaha!" --- Riza
"Hindi ah. Yakapin kaya kita jan para matauhan ka?" sabi ko.
"Hahaha! Kasi, hahanap ka pa ng iba, andito lang naman ako." Nakangiting sinabi ni Riza.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Hayy." walang emotion kong sinabi.
"HAHAHA! Kaw naman. Joke lang yun no.." nakangiting sinabi ni Riza sabay yakap sakin.
Ang sweet namin no? Para talagang kami pero hindi.
nakarating kami sa Greatwood High ng mga 9am. Ok lang dahil 9:30am naman ang klase.
Eto na naman,
Klase....
Klase....
Klase.....
Break time.....
Klase......
Klase......
uwian.
ALL IN A DAYS WORK. Ang husay.
Uwian na. 7:30pm na at naglalakad na ko pauwi at magpapahinga na ako agad. Tutal friday ngayon at walang pasok bukas.
Ang tanging hiling ko, syempre ang magkaroon naman ng kabuluhan ang buhay ko.
Yung tipong may taong nag-aalala, nag-aaruga, tanggap, naiintindihan at mahal na mahal ka?
May tanong nga lang dun,
"KAILAN?"

YOU ARE READING
The Thing That Can Turn My Life Around
RomantikEver imagine na makamit mo ang dream girl mo base sa standards mo? What if magkatoo siya at paano mo siya maiingatan? Paano mo siya mamahalin?