Ch 1. Part 06 Companion

1 0 0
                                    

Nasa gitna lang ako ng daan. Tulala na parang na-stun sa Dota.Di ako makapaniwala kasi bagong feeling yung naramdaman ko. Di ko alam pero iba eh. Di rin ako sure kung ano ang nararamdaman ko habang nasa gitna ako ng daan.Di nagtagal ay nakuha ko na rin ang malay ko at naisipang umuwi. Madilim na rin nung nakauwi ako samin. Ayun, bumalik na naman ako sa dati kong lifestyle na parang isang dark character sa isang sad movie.Pero,"Reeeeenzoo.... Gutom na ako...."WTH, oo nga pala may kasama ako sa bahay!!Nilapitan ako ni Erika pagtanggal mo ng sapatos sa pinto. Still, wala pa rin syang damit at buti nalang mahaba ang buhok nya at di ko nakikita ang di ko dapat makita pa. Shete! Nalimutan kong bilhan sya ng damit. Aba, marunong pala sya magsalita."D-D-Dun ka muna! Ihahanda kita ng makakakain mo!" Sinabi ko sa kanya habang namumula at nahihiya dahil sa anyo nya."Okaaaaaayy!" Nakangiting sinabi ni Erika.Agad din ay kumuha ako ng pagkain sa fridge at kumuha ng isda at prinito ito. Naghanda na rin ako ng kanin para saming dalawa. Hinanda ko na ang mesa at agarang nagcheck sa baul ni mama kung may extra syang damit at nachempuhan ko na andun pa pala ang underwear at garments nya.Binigay ko ito kay Erika para may maitapal sya sa katawan nya pero,Inamoy lang ni Erika ito at pinaglaruan."Erika! Di mo ba alam kung ano yan?" Tanong ko sa kanya."Ang galing. Parang patay na Paniki!" Sagot ni Erika.*Sighs* Ayun wala na akong no choice, sinuotan ko sya ng underwear.Nagpiring muna ako bilang respeto sa kanyang pagkababae. Halos dumugo ang ilong ko. Ang kinis ng kanyang mga balat. Still, nakaramdam ako ng awa sa kanya kasi para talagang wala pa syang alam sa mundo.Ayun nakasuot na sya ng underwear nya pero still not enough. Ang sexy nya tingnan sa suot nya pero shete! dapat di ko tingnan ng matagal!Tinanggal ko yung damit ko at pansamantalang isinuot sa kanya. Agaran din akong kumuha ng extrang damit sa wardrobe ko."Umupo kna at kumain." "YEEEEEEYY!" sobrang sayang expression ni Erika.hindi sya marunong gumamit ng kutsara't tinidor kaya kinamay nya nalang yung pagkain nya.Chansa ko na para makapagtanong sa kanya."Paano ka napunta sa bahay namin?" Tanong ko sa kanya."Diba sinummon mo ako gamit nung book of companions?""Book of companions??" confused kong tanong sa kanya."Oo! Yung libro na ginamit mo. Ang libro na yun ay nagbibigay katuparan sa mga pangarap ng tulad ko. Sa mundo kasi namin, mahirap humanap ng kasama sa buhay. Nagawa ang libro na yan upang makuha kami ng mga taong may malaking chansa na tanggapin kami at mahalin. Magkasama na tayo habang buhay!" Nakangiting sinabi ni Erika.Di ako makapaniwala. Magkakaroon ako ng kasama habang buhay na kasing ganda nya? Sabagay nilagay ko yung qualities na gusto ko sa isang babae nung nagsummon ako.Pero...Sa ngayon, wala akong nararamdaman sa kanya. Alam ko mahirap sa part nya na tanggapin yon pero nagsisimula na akong magkaroon ng feeling sa best friend kong si Riza. AAAAAAAHHHHHH!!! Bakit ba kasi naging ganito?"Mahalin mo ako Renzo ah?" Sinabi ni Erika habang nakatingin sa akin ang kanyang mga mala-anghel na mata.Di ko alam ang isasagot ko. Di ko kayang saktan ang isang katulad nya. Ayokong maging asshole. Anong dapat kong gawin?".......""Renzo?" Tanong ni Erika."Mabuti pa kumain na muna tayo. Napagod kasi ako kanina nung namili ako eh." Sagot ko.Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na sinubukan ko lang yung spell na nasa libro at di ko talaga alam kung para saan yun. Di ko alam kung paano napunta yung libro na yun sa bahay.Naunahan ako ni Erika na matapos kumain. Nakatingin sya sakin. Mistulang ayaw nyang lumubay sa pagtingin sa akin."May problema ba sa mukha ko?" Tanong ko."Wala naman. Pinagmamasdan ko lang ng maiigi ang aking makakasama habang buhay."Still, natouch ako sa sinabi nya sa akin. Pero, confused pa rin ako. Binaling ko ang aking isipan sa pag-iisip ng panibagong bagay tulad ng tutulugan nya. Saan nga pala sya matutulog?*YAAAAWN* Hikab ni Erika. Halatang napagod din sya kaantay sakin."Matulog na tayo. Dun ka nalang sa kwarto ko." Sabi ko sa kanya."Ayoko. Gusto kong kasama ka lagi." Tanggi ni Erika sa alok ko."Pero di pwedeng magtabi ang lalake at babae!" Sabi ko."EEEEEEHHHH?!" Nagulat si Erika habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.*Sigh* Fine. Siguro naman makakaisip din ako ng paraan kung paano ako makakalusot sa sitwasyon na to at may pasok pa ako bukas."Sige na nga.""YEEEEEY!" Sabay yakap sa likod ko.Iba ang naramdaman ko sa yakap ni Erika. Mistulang kalungkutan na may halong kasiyahan. Parang hinintay nya ang pagkakataong makita ako at makasama habang buhay. At mukhang matagal na panahon na syang naghihintay sa pagkakataong ito.Nangilid ang luha ko. Hindi ko mapigilan pero hindi ko rin pwedeng ipakita sa kanya kasi baka magiba ang reaksyon nya.Pumasok na kami sa kwarto ko. As usual makalat pa rin. Dalian akong nagligpit at naglatag ako ng blanket sa sahig."Dun ka sa kama ko matulog."Sumimangot si Erika. "Okaaay.."Sabay na kaming humiga at di nagtagal ay naunang nakatulog si Erika samantalang ako, mulat ang mata at gising parin. Nag-iisip at nakikiramdam kung paano ko maisasaayos ang mga bagay-bagay. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong klaseng karanasan. Isang bagay na hindi ko pa alam kung ano ang dapat gawin. Isang breakthrough sa buhay kong mistulang loop. Pero di ko hiniling ito dahil naiinip ako sa buhay ko o gusto kong kumawala. Kusang kumilos ang tadhana para sa akin.Pinagmasdan ko ang mukha ni Erika habang natutulog. Nakangiti sya habang tulog. Nung nakita ko yun, medyo nahimasmasan ako kasi alam kong masaya sya. Ako kaya? Masaya ba ako? Syempre diba? Kasi kita mo niyakap ako ng dalawang babae sa iisang araw. Ang swerte ko nga eh!Di ko napansin ay napangiti na rin ako. Ang weird sa pakiramdam pero, kailangan ko pa rin magdecide.Nakatulog na rin ako pagkatapos nun. Nag-aantay pa sa amin ang isang umaga ng panibagong yugto ng bagong hibla ng aking buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Thing That Can Turn My Life AroundWhere stories live. Discover now