C01 Part 04 - Decisions, Decisions

2 0 0
                                    

Kinaumagahan.

Ayun, Puyat ako. Pero hindi ko talaga makalimutan yung mga nangyari kagabi.

Chineck ko kung naging tao na talaga si Erika.

Woah! I can believe it! Talaga ngang tao na sya at taglay nya ang lahat ng traits na gusto sa isang babae.

Pero, ang tanong ngayon,

WHAT'S NEXT?

Paulit-ulit kong itinatanong sa isipan ko yun. Ano na bang susunod?

Malalim ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto.

BLAG! BLAG! BLAG!

OH SH*T! May tao!

Madali kong ginising si Erika,

"Erika, magtago ka sa closet dali!"

Halatang medyo naalipungatan sya sa ginawa kong pag gising sa kanya. Eh, parehas naman kaming puyat kaya mukang ok lang yun.

Pinagtago ko sa closet si Erika at madali akong nagligpit ng mga kalat sa kwarto at sala.

nang malinis ko na ang lahat, binuksan ko na ang pinto.

"Renzo! Lumabas ka na jan! aalis tayo..."

Boses ni Riza ang narinig ko... Oo nga pala.. may mga oras na pumapasok sya sa bahay ng walang paalam..

Syempre, bilang lalake, kinakabahan akong makita sya ni Riza dahil SOBRANG AKWARD nun pag-nakita nya si Erika.. at sa sobrang panic ko kagabi, hindi ko napansin na wala palang suot si Erika!

"Patay tayo nyan.." yun lang ang tanging naisip ko..

Dali-dali akong nagligpit ng kwarto para hindi nya makita yung kabulastugang ginawa ko kagabi.. baka tuluyan nya na kong layuan dahil dun!

"ANO BA?! APAKA-TAGAL NAMAN!! IKAW NA NGA TONG SINUSUNDO EH!! TAMA NA MUNA KAKANUOD NG BOLD!! MALAKI KA NA!!" sigaw ni Riza sabay lagabog ng pintuan ng kwarto ko.

"TEKA LANG!" sigaw ko habang naglilinis ng kwarto.

"NYAA~~?" huni ni Erika sa closet.

"ANO YUN RENZO? SABI KO NA NGA BA NANUNUOD KA NG BOLD EH!! HENTAI ATA YAN AH?" sabi ni Riza.

"HIGAAN KO YUNG NARINIG MO!" palusot ko.

"Erika, wag kang maingay jan! malaking gulo kapag nakita ka nya!" sabi ko kay Erika sa Closet.

nang maayos na ang lahat, binuksan ko na yung pinto.

may napansin akong kakaiba sa get-up ni Riza.

Nakaribbon ang buhok nyang Pula, white ang blouse nya at naka-skirt sya na black.. WOW grabe para syang manika.. pakiramdam ko, dudugo yung ilong..

"... Me patay ba?" tanong ko sa kanya.

"NAKAKAINIS KA!" sinabi ni Riza sabay sampal sa muka ko.

"ARAAY!! BIRO LANG! BIRO LANG YUN!"

"HMP! ang tanga mo talaga!!" sabi ni Riza sa akin habang namumula ang mukha nya. may nakikita rin akong konting luha sa gilid ng mata nya.

medyo napahinto ako nung nakita ko ang reaksyon ni Riza. nais ko lamang na bumawi sa pagbiro nya sa akin na nanunuod ako ng Porn(eh, syempre, mapaghihinalaan ka talaga kasi ako lang mag-isa sa bahay eh..)

hinawakan ko at hinimas ang kanyang ulo.

"Sorry na Riza.. ikaw talaga hindi ka na mabiro :)" confident kong sinabi sa kanya.

"HMP!!" galit na tugon ni Riza. pero sa tingin ko ay medyo kumalma na..

"So, may pupuntahan ka ba? Linggo naman ngayon eh. at wala akong magawa. tara.. lumabas muna tayo para hindi ka naman tuluyang maging bampira.."

dalian nyang hinila ang kamay ko palabas ng bahay..

nang malapit na kami sa pinto,

"Teka lang saglit.. magbibihis muna ako ng pang-alis." Paalam ko sa kanya.

"sige, basta dalian mo ah?" sabi ni Riza.

umakyat ako muli sa kwarto ko.

Nababagabag ako.. For the first time of my life, ngayon lang ako nakadama nito.. Could it be na---

tsss.. pero masyado pang maaga para mag-assume..

Pero dun, ko narealize na unti-unti nang nagbabago ang takbo ng buhay ko.. ito na kaya ang chance? ito na ba ang bighit?

"NYAA~?"

oo nga pala..

chineck ko si Erika kung ok pa sya sa closet.

"NYAA~!"

binulaga nya ako at niyakap habang kinikiskis nya ang pisngi nya sa pisngi ko..

OH. MY. GOD..

niyayakap ako ng walang saplot na babae.. dumudugo na ata ang ilong ko sh*t!

kalma lang Renzo.. isipin mo pusa sya.. yan.. ganyan nga Renzo.. Pusa sya at alaga mo sya..

"Umm, Erika.. aalis muna ako saglit ah?"

"NYAA~?"

"bibili lang ako ng damit mo." nahihiya ako na sinabi sa kanya..

"NYAA~!"

halatang natuwa sya sa sinabi ko at lalo nya pang hinigpitan ang yakap nya.

"hahaha! oo na Erika.. dito ka muna ah?"

biglang nagbago ang hangin at bumitaw si Erika. Muka syang nalungkot.. siguro sinasabi nya sa akin na,

"Wag ka munang umalis.. wag mo kong iwan etc.."

Pero I must go.. with my Best Friend.. for now..

dali akong nagbihis at bumalik para samahan na si Riza sa labas..

nung naglalakad na kami, bigla kong naramdamang muli ang pinaka-ayokong pakiramdam sa lahat..

REGRET...

Bakit ganun? Tama naman ang gagawin ko pero, bakit ako nabibigatan?

Ito palang siguro ang simula ng pag-ikot ng panibago kong buhay.

The Thing That Can Turn My Life AroundWhere stories live. Discover now