C01 Part 02 - Curiosity

1 0 0
                                    

  Saturday morning. Ang araw na inaabangan dahil araw ng pahinga.

Pagkagising ko, naligo agad ako at nagbihis upang bumili ng almusal. Tutal ang mga parents ko nag-eenjoy sa ibang bansa, habang ako nandito mag-isa sa bahay namin at nakanga-nga, wala na kong aalalahanin na kasama kong kakain.

Nang makabili na ko ng P20 na pandesal, at naglalakad na pauwi, may nakita akong babaeng pusa na nakahandusay malapit sa poste. Sugatan siya at hindi makagalaw. Buti nalang humihinga pa siya. Kala ko pa naman patay na.

Kahit na mukha akong walang emotion, may puso din naman ako. Sa sobrang awa ko sa kanya, pinulot ko siya at Inadopt.

pagkadating ko sa bahay, sinubukan kong gamutin ang mga sugat nya at pakainin.

Mabuti at kumakain pa siya.

Nagliligpit ako ng kwarto ko habang kumakain ang pusa. Nag-aayos ako ng gamit ng may nakita akong collar na may nakatatak na "Erika".

pinulot ko yun at sinubukan kong isuot sa leeg ng pusa.

Buti nagkasya. At nagdecide akong pangalanan syang "Erika".

Mabilis ko syang napaamo. Siguro, dahil na rin sa pag-gamot ko sa mga sugat nya at pagpapakain sa kanya.

Maganda pala ang decision ko na i-adopt sya. Para hindi naman ako masyadong lonely sa bahay.

"Mabuti naman at okay ka na." Sabi ko kay Erika.

Tuloy pa ring kumakain ang pusa. Sabagay, panu nga pala magkakaintindihan ang hayop at tao?

Nung mga bandang hapon habang naglilinis ako ng bahay, may nabuklat ako sa ilalim ng sofa...

Isang naka-Lock na Libro at isang maliit na susi.

Sino naman ang maglalagay ng ganitong libro sa ilalim ng sofa at nilagay pang malapit sa mismong susi?

Nacurious ako at sinubukan ko itong buksan.

Isa pala itong SPELLBOOK.

Pffft. Kalokohan. Wala nang ganitong bagay sa mundo no. Lalo na sa panahon ko.

Nagscanning ako nang may nakita akong "Love spell" na may kakayahang ma-inlove sayo ang babaeng pinakagusto mo.

"WOW! Nakakaengganyo." naisip ko agad.

Ayon sa libro, magdrawing daw ako ng bilog at mag tirik ng walong kandila sa iginuhit kong bilog maglagay ng maliit na timba na may lamang mainit na tubig.

Sa ibabaw ng tubig, ilagay mo ang papel na nakasulat ang mga katangian ng babaeng gusto mo.

Then sabihin ng 3x ang chant na, "I wish that the Love created for me and you, were all becoming true."

At patakan ko ng aking dugo ang note na nasa tubig at sabihin ang chant na "Come Alive my only Love and Be with me forever."



NOTE: Dapat gawin daw ito ng madaling araw.






NR:
Eto yung story na ginawa ko nung high school palang ako. Pinublish ko na kasi sayang naman. Dunno kung bakit every year ako naguupdate nitong story na to. Still, looking forward din naman ako matapos to.

The Thing That Can Turn My Life AroundWhere stories live. Discover now