Secret One - A New Mission

30.2K 360 32
                                    

Secret One

          A New Mission

Xxxxxx Amber xxxxxX

  

                              "Consider it done, Rook." Natapos na yung call. Nagd-drive ako papuntang Jenkins Academy.

                    After 5 minutes of driving (at sakit ng ulo), nakarating na ako sa mini-house na titirhan ko habang ongoing yung mission. Mini-house hindi doll house, ah. Limang tao lang kasi yung max na pwedeng mag-stay dito, unlike sa totoong dorm ng agents na hundreds ang kasya. Branch pa lang namin iyon.

                    Pinasok ko na yung motor ko at nag-uniform na 'ko. Protected naman ng SCAR ang mini-house na 'to kaya safe ako dito. Walang agent na bigla-bigla na lang susulpot.

                    Special Capabilities for Action Rapport

                    Maglalakad ako papuntang school pagkatapos kong magsuot ng uniform. Medyo maikli lang ng konti yung skirt ko. Bad trip naman iyan, masyado yatang naliliitan sa 'kin yung pinagpagawaan ng uniform. Malapit-lapit lang naman ang school mula sa bahay. Kayang lakarin lang...

                    Pero dahil tinatamad akong maglakad ngayon... TRICYCLE! Mamayang pauwi na lang ako maglalakad.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX

                              "Tsk. Five minutes late, Soriano." tapos binalik na sa 'kin ng guard yung I.D. ko. Buti nga may school I.D. agad ako, eh. Grabe, five minutes lang naman akong na-late. Maka-tsk 'kala mo uwian na 'ko dumating.

                    Ay, get ko na! First day ko nga pala dito! ^o^ Dapat masanay na sila! \^u^/

                    Pinapirma lang niya 'ko do'n sa notebook na malaki tapos isinulat ko yung name ko. Hindi na 'ko nagpapalit ng name every mission kasi wala namang nakakahuli sa 'kin. Nakakatamad din magpalit-palit ng name. And most importantly, I love my name!

                    Ang layo pala ng lakaran dito. Lalo tuloy akong na-late. Alangang magpaka-ninja ako at tumalon ng pagkalakas-lakas paakyat ng fourth floor, 'di ba? Although kaya ko iyon, eh 'di nagkandasira na yung disguise ko. Sayang naman. Baka may makakita sa 'kin, malay mo makita 'ko bigla ng target ko. Ma-caught off guard pa 'ko.

                              "Good morning, Mrs. Martinez." Yahay. First day na first day mukhang BT si Ma'am  

                              "Ikaw ba yung new student?"

                              "Opo." Nag-bow pa 'ko para kahit papa'no hindi uminit masyado ulo niya sa 'kin. Maingay yata yung classroom. Sa bagay, usual na iyan.

                              "Sige, magpakilala ka na sa mga kaklase mo." Ayun, pumasok na 'ko sa room.

                    Ramdam ko yung feeling na parang wala naman masyadong nakikinig sa 'kin at hindi ko alam kung okay lang iyon. I mean, okay lang siguro iyon kasi mas madali akong makakapag-observe sa kanila kung natural lang ang tingin nila sa 'kin. Nakakainis lang talaga. Ayoko sa lahat yung may iniuutos sa 'kin tapos kapag ginawa ko parang wala namang silbi. Such a waste of my time.

Agent in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon