My High School Love Who Broke My Heart

128 2 5
                                    

Intoduction:

   Sabi nga nila, every story has its end. And every end might have a happy ending. Pero sa part nato ng buhay ko, it didn't end up happy.

Tawagin nalang nating "Sofie" ( di tunay na pangalan) ang pangalan ko. Isa akong salutatorian graduate sa elementary. Bukod sa angking talino marunong din akong kumanta. Hinirang akong "melody queen" sa school during elementary. Sa murang edad natutunan ko ng makipagrelasyon. Hindi lang naman ako, marami na kaming committed. Noon may grupo kaming "PLAY GIRLS". Marami ng lalake ang napapaiyak namin. I've never been serious in relationships during my grade schools. Padaan lang sa txt, nanghihingi ng load then after 3 days i split up with the boy. Naranasan ko na rin mag 2 timer. Di lang 2 time, siguro 4 time. Aaminin kong mali tong ginagawa ko pero dahil din to sa kapakanan ko. Ayaw kong masaktan ulit. noon kase I fell inlove with someone. Unfortunately di kame pwede to eachother kase magpinsan pala kami. So since that time, di ko na gustong ma inlove until nakilala ko si "Richard" sa secondary school ko. Ang boy na nagpatibok nitong puso ko ulit. Ang boy na ipinadala ng Diyos sa akin para mabago ako.

OK! Eto na. LETS START

It was a sunny Monday morning, first day of high school. Pinapawisan ako masyado during our flag raising ceremony. Naging section 1 ako. At that time, committed ako sa elementary classmate ko na si "Quimm". First love ko daw ( sabi nila huh!! di ako maysabi nyan) . Di ko naman talaga alam kung first love, basta yun sabe nila. I was so lazy, gusto kong umuwi kase classmate ko bf ko. (gosh!! mahirap to) yan talaga nasa isip ko. Nahihiya din ako sa mga bagong classmates.

First day namin, dumeretso kami sa classroom imbes na sa TVE class ang first period. Kase daw, di pa kami mag kaklase ng subjects namin. Pina enjoy muna kami ng mga teachers maglibotlibot. Habang nasa advisory room kami, katabi ko si " CUTIE" bestfriend ko simula pag bata. Di naman naging mahirap ang bagong school lalo na't may kilala ka na. May nakatabi din akong isang girl na si " KHEAN ". Naging close namin siya ni Cutie. Matalino din si Khean, minsan nga nakikita ko siya sa mga paligsahan na sinasalihan ko nung elementary pa kami.  Ang madalas naming kinakatuwaang tatlo ay ang magkwentuhan tungkol sa lovelife.

2nd week of school

During our science period. Dito ko unang nakita ang boy na kumuha sa atensyon ko.

1pm na ng mga sandaling yun. Nagtatakbuhan kami papasok ng science class nang may nabangga akong boy na pumasok sa kabilang room.

Dahil sa nagmamadali ay di na namin napansin ang isa't isa. Di ko alam ang pangalan niya. Pero ang alam ko ay di siya naging bago sa paningin ko. Di ako naka concentrate sa nilelecture ng science teacher ko na si Mrs. LiZ Ligama. Ang nasa isip ko lang ay yung boy na yun. Iniisip ko kung bakit familiar siya sa paningin ko. Kung san san na napapadpad ang isip ko. Di ko naman din siguro siya pinsan pero baka pinsan. Nalilito talaga ako. Hanggang natapos na ang science class as tsaka ko pa naalala kung baket familiar siya.

English time na ng maalala kong nakita ko na siya sa isang bakery na minemeriendahan namin ng parents ko na pawang guro sa malayo sa province namin. Isa siyang working student dun.

Kaya mas nakakainlove. Masipag si Richard. Mabait, magaling mag drawing, tahimik at syempre gwapo. Aba! crush kaya siya ng campus.!!

Habang nag lelecture si Mrs. Lacy Cruz , nakatulala lang ako wari'y tumitingin sa kanya habang nag iimagine kay Richard. Habang nag iimagine ako, may music akong naririnig sa isip ko. Bigla akong tinawag ng teacher ko para mag board work.

"HUH?!!" napasagot ako. Tumawa ang mga kaklase ko at napa kamot ulo nalang ako. Hinawakan ni Cutie ang balikat ako at sabi nya " ok lang yan! punta ka daw sa board " Pumunta naman ako kaagad sa board at nasagutan ang mga tanong.

My High School Love Who Broke My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon