" POV Rain " part 16

143 18 0
                                    

Pagkarating ko sa may kanto bumili agad ako ng burger. Naisipan ko nalang din na bilhan ko na din ate ko. Minsan ko lang naman siya ilibre.

Pag-uwi ko sa bahay sinalubong ako ni Ate Zillah.

" Ui Rain?? Ano toh?? " Tanong niya sa akin at pinakita niya sa akin yung cellphone ko.

Pagkatingin ko, Yung Cellphone ko nga pala, Yung isesend ko nga pala kay Celine..

Hala! Lagot! Nakita niya yung sasabihin ko.

" Ate akin na yan, Wag ka makulit!! "

Bago niya pa sa akin ibigay ni Ate Zillah yung cellphone ko na send niya na pala kay Celine yun.

" Wag ka mag-alala na send ko na sa kanya. "

" Naku! Talaga ate! Dapat hindi mo sinend sa kanya, Hindi pa ako ready na ligawan siya. "

" Hahahaha.. Ok lang yan!! Ano ka ba? Baka mamaya inaantay niya lang sabihin sayo na manliligaw ka."

" Bakit?? hindi mo nga kilala yung pinopormahan ko. Bakit sa tingin mo ba magiging kami agad ng crush ko? "

" Sa gwapo mong yan? Hindi ka niya sasagotin? Mahiya naman siya sa lahi natin na maganda at gwapo. Hahahaha.. "

" Ate hindi naman sa muka tinitignan kundi sa ugali. Medyo Engot ka ate! "

" Wow! Bakit Rain? Mabait ka ba talaga?? "

" Sa tingin ko mabait ako Ate. Hehehe.. "

" Hahaha! Sa una lang yan at baka lokohin mo lang yan. "

" Hayy naku ate!! kung niloko ka dati ng X boyfriend mo na si Nicole nararapat lang sayo yan .Buti nga sayo. Hahahaha. "

" Hehehehe... Goodluck kung mag-tatagal kayo niyan Celine na yan. "

Binigay ko na kay ate yung burger na binili ko.

" Thank you Rain, Bumabait ka na. Samantalang dati hindi ka naman ganyan."

" Hahaha... Minsan lang yan Ate. "

Habang kumakain ako ng Burger lumabas naman si Ate ng bahay para bumili ng softdrinks namin .

Pag-balik ni Ate sa bahay kasama niya naman si Mama Ana galing sa work niya sa Mcdo. Maneger si Mama Ana sa Mcdo.

" Hoy Rain!! Sabi pala ng Papa Mckenly mo mag-usap daw kayo sa Skype. Gusto ka daw niya kausapin " Sabi sa akin ni Mama Ana..

" Ok Mama. "

" Oo nga pala!! Sinabi din pala ng Ate mo na may pinupormahan ka raw. Sino yung Celine??

" Wala yun!! Kaibigan ko lang yun at classmate ko siya ngayun. "

Kahit kailan talaga si Ate madaldal, Hindi niya mapigilan yung sarili niya.

" Hay naku Rain!! parang kanina lang nakita ko pa na hinatid mo yung Celine doon sa may Jollibee kalentong. Sumakay siya ng jeep papunta Punta Sta.Ana. " Sabi naman ni Ate.

" Oo na Ate!! Siguro naman masaya ka na..

" Hahaha.. Wag ka mapikon!! Totoo naman kasi di ba ?"

Kinausap ako ni Mama Ana ko.

" Rain kausapin nga kita.. "

" Tungkol naman saan Mama? "

" Tungkol sa nililigawan mo, Tandaan mo na wag ka manloloko ng babae at isa pa aral muna, ok naman na mag-girlfriend ka pero wag mo papabayaan pag-aaral mo. Minsan dalhin mo din dito yung nililigawan mo para makilala namin ng Ate Zillah mo. "

" Opo Mama, nakakahiya naman sa innyo. "

" Bakit ka Mahihiya? Pamilya mo naman kami. "

" Hahahaha.. Oo na Mama Ana. "

Pagtapos namin mag-usap nila Ate pati Mama. Pumunta na ako sa room ko para mag-pahinga.

Kinuwa ko yung cellphone ko para tignan kung nagtext si Celine.

pagbukas ko ng cp ko sakto bigla siya nagtext.

SMS-Crush'Celine <3

" hahahaha , bukas tayo mag-usap tungkol sa sinabi mo.. "

Bakit kailangan bukas pa?? pwede niya naman sabihin na hindi at pwede niya din naman sabihin sa akin sige.

Hindi na ako nag-textback sa kanya

Sabi niya kasi bukas nalang daw kami mag-usap.

Oo nga pala!! Sabi pala ni Mama Ana kakausapin daw ako ni Papa. Sana naman padalhan na ako ni Papa ng pera para pag-nanligaw ako kay Celine malilibre ko siya.

Kinuwa ko yung Loptop para kausapin si Papa sa Skype.

Sakto!! nakabukas na si Papa. Nag-usap na kami ni Papa Mckenly.

" Ui Rain kamusta na? "

" Ok lang pa, Papa padalhan mo naman ako ng pera. Kailangan ko ng pera. May pupuntahan lang ako, Mag-lalakwatsa kami ng mga classmate ko. "

" Sige lang. Papadala ko sa Ate mo. Yung pag-aaral mo musta naman? "

" Ok lang!! masaya naman sa school "

" Masaya kasi meroon pinupormahan? Ganun ba yun anak? Kakamessage palang ng ate mo sa akin sa FB, Sabi ng ate mo may pinopormahan ka daw sa school mo. "

Hala! Ang bilis ng balita. Nalaman agad ni Papa Mckenly na may nililigawan ako. Kahit kailan talaga si Ate. Pasaway !

" Hahaha! ang bilis naman po ng balita Papa. "

" Haha. Ok lang yan Rain basta alagaan mo yan. Wag ka manloloko ng babae. "

" Oo naman Papa. "

Pag-tapos namin mag-usap ni Papa, tumatawag naman sa akin si Celine. Akala ko ba bukas na kami mag-uusap. Bakit naman tumatawag naman siya sa akin ngayon? Ano meron?

" Rain? "

" Bakit Celine? "

" 9am sa Library, Doon tayo mag-kita at mag-usap bukas. Bye! "

hindi pa ako nakakasalita ulit bigla niya nalang binaba yung tawag niya sa akin.

X Ko Karibal ko ( BOOK1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon