" SHOT " part34

94 12 0
                                    

Pag-gising ko 6:00pm na ,Sakto yung paggising ko.. Tinawagan ako ni Celine kung asan na daw ako. OTW ( On the way ) na daw kasi siya sa school.

kumain ako at naligo muna ulit ako bago pumunta sa school, Nag-paalam ako kay Mama Ana at Kay Ate Zillah na makikipag-inuman ako sa mga classmate ko.

" Ate pati Mama Ana makikipag-inuman lang po ako sa mga classmate ko, Ok lang ba na sumama ako? Kasama kasi si Celine. "

" Ok Rain!! Ingat ka!! "

Shempre bago muna din pumunta ng school nag-papogi muna ako pagkatapos naman ng papogi na sinasabi ko sinimulan ko na mag-lakad papunta school , pagkarating ko banda malapit sa Jollibee kung saan ko lagi hinahatid si Celine may babae nasa harapan ko .

Muka kilala ko yung babae nasa harapan ko , nauna ako maglakad para makita ko yung muka niya .

Pagkatingin ko sa muka niya si Monique pala .

Teka nga lang ! Saan naman siya papunta ? baka mamaya kasama din namin siya uminom .

Tumingin siya saakin , Ang panget nanaman ng tingin niya saakin . Tuwing tumitingin ako sa kanya at napapatingin siya saakin lagi nalang mapanget ang tingin niya saakin .

Muka siya papatay talaga, Muka niya akong papatayin. KATAKOT!

Oo nga pala, hindi ko napansin kanina sa school na nagtest siya. Siguro naman ata andun si Monique sadyang hindi ko lang ata siya napansin.

Bakit ba si Monique ang iniisip ko? Dapat si Celine ang iniisip ko.

Pag-karating ko sa may tapat ng school kung saan ang metting place namin dun din pumunta si Monique siguro nga kasama namin siya.

Andun na din si Celine, Monica at Reniel at iba namin classmate pero kulang pa kami, Si Harold wala pa .

Lumapit ako kay Celine para akbayan na siya , si Monique naman tumingin ulit siya saakin . Sobra panget talaga ng tingin niya saakin .

Lumapit si Monique kay Monica , Muka badtrip si Monique ngayun .

" Monica? Hindi na ako sasama. Uuwi nalang ako, bigla nalang ako nawala sa mode. "

" Ano ba naman yan ? Minsan lang naman ito "

" Siguro naman ata Monica meron pa nexttime , Babawi nalang ako nexttime "

" Sige , ikaw bahala . Basta bumawi ka nexttime . "

" Ok "

Umalis na si Monique , Pagkaalis niya may Pumarada na Car sa harapan namin . Sino naman kaya ito ?

Muka mayaman ang may ari nito sasakyan na ito . Bumaba na siya ng sasakyan niya , Hindi siya nakasakay sa Driver Sit . Nakasakay siya sa may Passenger Sit .

Si Harold yung bumaba , Grabe naman siya . Sobra maporma siya ngayun at muka bigtime pa .

Yung iba namin classmate na babae natulala sila kay Harold pati na din si Celine nakatulala sa kanya, Pati na nga din ako pati si Reniel at yung iba namin classmate na lalaki nakatulala sa kanya .

Umalis na yung Car niya , Hinatid lang siya dito sa tapat ng school .

" Ano Rain ? inoman na ba ? pasensiya na ! Muka ako ata ang inaantay ninyo , Ang bagal kasi magdrive ng driver ng sasakyan ko .Sana pala ako nalang nagdrive ng Car ko , Tinatamad kasi ako magdrive "

" Ganun ba ? Ok lang Harold , tanongin mo si Reniel kung iinom na . Sabi niya kasi dun daw tayo sa bahay nila . "

" Ahh .. Ganun ba Rain ? Sige kausapin ko siya "

X Ko Karibal ko ( BOOK1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon