" Chapter10 " " POV RAIN " First Cry part50

86 10 2
                                    

" POV RAIN "

First time lang ako napaiyak ni Celine at sobrang sakit ng sinabi niya saakin kanina sa school. Ok nga na nag-set-up si Harold na ipakaladkarin si Celine sa mga body guard niya para makapag-usap kami dalawa ni Celine sa condo niya pero ito nanaman kami. Nag-tatampohan nanaman ata.

Bakit parang nagawa niya pa ata ipagtanggol yung lalaki na yun?? OO!! Mali yung nagawa ko sa lalaki na yun. Nagawa ko lang naman yun dahil sa selos. TAMA!! seloso din ako, Gusto ko kasi ako lang at wala ng iba pa. Panay-tingin niya din naman kasi dun sa lalaki na yun kaya nag-selos talaga ako.

Nag-lalakad ako sa kawalan at basang-basa na ako sa ulan, kakaayos lang namin kanina pero nag-tampohan nanaman kami. Sino ba kasi demonyo yung sumapi saakin para sapakin ko yung lalaki na pinsan ni Harold??

Kanina sa school kasalanan niya kung bakit ako nag-tampo sa kanya tapos ngayun ewan ko lang kung nag-tatampo siya saakin, malamang hindi tampo yun. Sa tingin ko galit na galit siya dahil sa nagawa ko dun sa pinsan ni Harold.

Pasakay na sana ako ng taxi pero bumalik muna ako sa condo ni Harold para kunin ko yung bag ko, Nakalimutan ko kasi na nandun pala sa Bag ko yung pera ko pati Cellphone ko. Pag-sakay ko sa elevator nakasabay ko pa yung pinsan ni Harold at may daladala siya plastick na 7/11. Ewan ko kung ano laman ng plastick na hawak niya.

" KAWAWANG LALAKI!! NAG-AWAY SILA NG GIRLFRIEND NIYA!! " parinig niya saakin.

Ayuko na siya patulan pa dahil nararapat na sa kanya na nasuntok ko siya ng 2x sa muka.

Pag-labas ng elevator sumisipol-sipol siya habang nakahead-set siya. Sinusundan ko siya kasi dun din naman siya sa unit ni Harold pupunta at isa pa nakalimutan ko kung saan yung unit ni Harold XD

Pag-pasok niya sa unit ni Harold halos mag-kasunudan lang kami dalawa.

" Bati na kayo?? Bakit mag-kasunod kayo dalawa bumalik dito? " Tanong ni Harold sa amin.

Hindi ako sumagot sa Tanong ni Harold pero pinsan niya ang sumagot, " Oo, Ok na kami niyan. Mag-bestfriend na nga kami dalawa eh. hehehehe "

Dinedma ko lang yung sinabi niya kay Harold at Tumabi ako kila Raniel At Monica, " Asan si Celine?? " Tanong ko sa kanilang dalawang.

" Umuwi na, Kakauwi lang niya at dala-dala niya yung bag mo"

" Ok, Uuwi nalang nga din ako. "

Nag-paalam na ako sa kanilang dalawa pati na din Kay Harold. Lalabas na sana ako ng unit ni Harold pero hindi ko sadya na napatingin ako sa Pinsan ni Harold.

Nakakaloko na ata itong lalaki na ito!! Pati na din sa pag-uwi ko nag-smile pa siya saakin. Siguro mali talaga yung ginawa ko sa kanya at baka naman talaga palangiti siya lagi. tsk! change topic!!

Lumabas na ako sa condo ni Harold pati nag-abang na ako ng taxi para umuwi sa bahay. Naisipan ko nalang sa bahay nalang ako mag-babayad ng taxi at siguro din naman ata na andun na si Ate Zillah pati si Mama Ana.

Kainis!! basang-basa na ako sa ulan. Sa monday ko nalang kukunin kay Celine yung bag ko, Sumakay na ako sa taxi at habang nasa loob ako ng taxi kinausap ako ng Taxi Driver.

" Pre? Basang basa ka ng ulan " Sabi saakin ng Taxi Driver.

" Oo nga po eh.. "

" Nag-away kayo ng girlfriend mo no!!?? Halatang halata sayo! Iniwanan ka ba niya sa gitna ng ulan?? '

Hala!! pano niya nalaman na mag-kaaway kami ng girlfriend ko??

" Pano po ninyo nalaman Manong?? "

X Ko Karibal ko ( BOOK1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon